Welcome to Slate Academy

58 3 0
                                    

Prologue
Welcome To Slate Academy

The rage of the skies and the seas is witnessed by the people of Wisteria. Ang hagupit ng bagyo sa kalangitan ay sumasabay sa mabangis na mga alon ng karagatan. Ang lahat ay nakakulong sa kani-kanilang bahay at nagdadasal na humupa na ang galit ng kalikasan.

They knew that someone tried to use his or her element to disrupt the balance of nature and now the cosmos showed its fury against this elementalist. Hindi lang nila alam na may isang dalagang pilit ginagawa ang lahat para makaligtas sa bangungot na ito. Ang tanging sandigan niya ay isang makapal na tabla para makasabay sa hampas ng mga alon. Kinakain siya ng takot at pagod pero hindi nito matatalo ang kagustuhan niyang mabuhay.

Blurry memories from her past circled on her mind that she was here in this same situation, fighting to live against the wild waves. It may be the reason why the ocean is the one she feared the most.

And yet she tried everything just to survive in this nightmare. Sa kasamaang palad, tinatraydor na siya ng katawan niya dahil sa sobrang pagod at panghihina. How long is she in this life and death situation? Hindi niya alam. Hindi niya na mabilang.

Wala na siyang lakas pa para magpalutang. Tinanggap na lang niya na dito na matatapos ang kaniyang buhay. She closed her eyes and let her body sink into the sea. Niyakap siya ng lamig at maalat na tubig.

She had no clue that the ocean has a different plan for her. The deep waters enclosed this maiden in a large bubble and gently pushed her until she reaches the shore.

Isang malakas na kulog ang nagpagising sa dalaga. She slowly opened her eyes and the first thing she saw was the pitch black sky, and there she realized that her journey was not yet finished. Hindi niya malaman kung bakit hindi pa siya tuluyang nalunod. Napahiga siya sa buhanginan at nang maalala ang panganib ng bagyo, naisip niyang kailangan niya ng mapagsisilungan at kung posible man ay taong mahihingan ng tulong. She stood up and fixed her worn dress.

In front of her was a dense forest. She gulped and mustered all her courage to enter another scary place. Everything inside this woodland screams wilderness and danger. Naglakad-lakad ang dalaga at nakakita siya ng isang malapad na puno. Napaupo siya dito at naisip na doon ay pwede siyang magpahinga sa gabing iyon.

She was about to close her eyes when she heard heavy footsteps coming in her way and a roar that scared all the birds around. Sinalubong siya ng mga mata ng isang nakakatakot na tigre. Triple ang laki nito sa kaniya at ang mga kuko at ngipin nito ay walang kasing-talim. Sa malalim na tingin nito sa kaniya, agad niyang natanto na agad siya nitong lalapain dahil sa gutom.

Dahan-dahan siyang napatayo at nang hindi pa ito gumagalaw, agad siyang kumaripas ng takbo. Tears were streaming down her face, she was trembling in fear and adrenaline rush. Ang natitira niyang enerhiya ay ginamit niya para makatakas sa panibagong peligro. Nagpalipat-lipat siya ng puno, umaasang maiwawala niya ang mabangis na tigre.

Unluckily, the tiger kept chasing her with ease and keenness. Its speed was undeniably fast that she was left with no choice but to run with all her might. The tiger's growls gave terror in her system. Ngunit habang tumatagal, ang pagtakbo niya ay bumabagal dahil nauubos na rin ang natitira niyang lakas. Mas lalo siyang kinabahan nang matanaw niya ang napakataas at napakahabang pader. Ang mga dulo nito ay hindi na matanaw sa sobrang layo.

It's a dead-end for her!

Hindi siya puwedeng lumiko o kahit man lang umakyat sa pader na ito. Nang makatapat na niya ang matayog na pader, wala siyang magawa kundi harapin ang tigreng sabik na siyang kainin.

Ang mga matutulis nitong ngipin ay masigasig na matikman ang putahe sa kaniyang harapan. Umatungal ito kasabay ng pagbagsak ng kidlat, masaya dahil handa na ang kaniyang magiging hapunan. Paunti-unting umaatras ang dalaga kahit na nanginginig ang mga tuhod niya sa sobrang panghihina. Inisip niya na himala man na nakaligtas siya sa karagatan, ang tigreng ito ay hindi na niya matatakasan. Napalunok siya nang maramdaman ang gaspang ng pader sa kaniyang likod.

The wild tiger ran to devour her but before he reaches the maiden, a bizarre event happened in a blink of an eye. A part of the wall at her back inexplicably moved and turned to push the maiden inside, leaving the wild beast with an empty stomach.

Ilang segundo siyang hindi nakagalaw, hindi malaman ang reaksyon sa panibago niyang buhay. After she recovered, her eyes landed on a huge castle in front of her. Nang nagpakita ang isang maliwanag na kidlat, luminaw ang imahe ng matayog na kastilyo sa kaniyang harap. Sa sobrang pagod nga lang ng dalaga, hindi na niya ito nabigyang-pansin.

Nilingon niya ang isang estatwa ng isang kabalyero na may baluti at espada na malapit sa kaniya. Ang pagkakalilok nila dito ay masyadong mabusisi dahil ang kabalyero ay mukhang buhay na buhay. Ang mga mata nito ay gawa sa purong diyamante at ang katawan nito ay galing sa pambihirang uri ng bato.

She slowly crept towards the stoned knight. With tired eyes, she read the words inscribed below the statue.

In the vastness of the universe, there is darkness...

And in darkness, there is light...

And in light, there is life...

And in life, there is nature...

And nature was composed of different elements...

And in each element of nature, an Elementalist was born to control it...

And all Elementalists can enhance and master their element with the help of a prestigious and magical school...

Welcome to Slate Academy, where you rule over nature or nature will rule over you.

After the maiden read the last word, she fainted.

Little did she know that this place full of mystery and magic will be the bridge of her new magical journey.

Slate Academy: The Five Elements
--LordVandyke--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slate Academy: The Five Elements (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon