Epilogue

142 24 13
                                    

A/N: Thank you! Thank you! Thank you sa lahat ng bumasa at sumubaybay sa estoryang ito.... I love you all Cyuties!!!

Sana all kinakasal.  Magpapaka-old maiden na lang si Author.  😂

Something about author : Fav color is Yellow. Ever since.  😁😁😁

***

Sa isang malawak na hardin kung saan maraming naggagandahang mga bulaklak ang nakapaligid, nagkikislapang mga diamante at ginto, nagliliparang paru-paru at nagkakagulong mga bisita ay ang gaganaping kasal nina Prinsipe Pahadon at Aviore.

"hindi ganito! Kailangan mas maraming bulaklak ang nakakalat sa dadaanan ng babaeng ikakasal. Dagdagan niyo ito. Ang mga ibon? Handa na ba ang mga ibon na paliliparin mamaya?" sigaw ng Reyna sa nag-oorganisa ng kasal. Mabilis naman na nagsisunod ang mga ito.

"mahal, kumalma ka lang. Parang ikaw pa ang ikakasal sa iyong pagkaaligaga.  " natatawang saad ng hari. 

"paano ba naman mahal, hindi ko gusto ang kanilang ginawa.  Masyadong maraming kulang." sagot naman ng reyna.

Sa isang kwarto naman sa loob ng kaharian ay inaayusan si Aviore. 

"napakaganda mo talaga binibini!" nakangiting saan ni Matina habang nilalagyan ng mga dikurasyong bulaklak ang kanyang buhok. 

Napangiti si Aviore. "salamat!"

"ang swerte niyo po binibining Aviore. Akalain mo po nabihag niyo ang puso ni Prinsipe Pahadon eh kahit minsan hindi po iyon nahumaling sa kahit na sinong babae." saad naman ni Matina habang inihahanda ang isusuot niyang gown sa kasal. 

"talaga?" napangiti ng malapad si Aviore. "ang swerte ko naman pala talaga."

"opo! Sana lahat merong katulad ni Prinsipe Pahadon na mahal na mahal ka at kahit anong mangyari ay aalagaan, poprotektahan, mamahalin, magpa---- aray!" napakamot sa ulo si Namara ng batukan siya ni Matina.

"umayos ka nga.  Pinagpapantasyahan mo ba si Prinsipe Pahadon?"

"grabe naman sabi ko nga KATULAD diba? Bakit kasi wala pa rin ang prince charming ko." nakangusong saad ni Namara.  Napatawa naman si Aviore.

"si Dakas, hindi ba't may gusto sa iyo iyon?" tanong ni Matina.

"ha? Wala naman eh! Lagi nga niya akong inaaway!" nakangusong saad niya. "tapusin na nga nating bihisan si binibining Aviore."

Nakaipit na buhok na may dikurasyong bulaklak at maliliit na diamante, mula sa natural na pampaganda at dekorasyong maliliit na bato na nakadikit sa nuo at leeg ng dalaga at ang magandang dilaw na ball gown.

Isang napakagandang dalaga ang ngayon ay naglalakad sa isang mahabang daan na puno ng mga white and red rose petals. Ang gilid ng daan ay ang nagkikislapang bulaklak na kulay dilaw at puti na nakapatong sa isang maliit na kahoy.  May mga lubid din na naghahati sa mga bisita at sa daan.

Habang naglalakad ay napaluha si Aviore. Hindi niya akalaing sa buhay niya ay mararanasan niya ang ganito kasayang araw kung saan makakaisang dibdib niya ang taong pinakamamahal niya.

Sa gitna ng daan ay naghihintay ang kanyang ama na halos maiyak na rin. 

"anak ko, akalain mo nga naman.  Ilang buwan palang tayong nagkikita pero ngayon ay ikakasal ka na!" tuluyan na itong napaluha.

"ama, wag kang mag-alala dahil simula ngayon, parati na tayong magkasama." lumuluhang sagot ni Aviore. 

"parati nga ba?  Gayong may asawa ka na at sa palasyo na titira?"

"ama, parati naman akong bibisita at ikaw rin ay bibisita sa akin, hindi ba?"

"oh anak ko. Di ka talaga nawawalan ng sagot." pareho silang napabungisngis sa sagot nito. 

Ilang sandali pa ay narating na nila ang dulo ng daan kung saan naghihintay si Prinsipe Pahadon. Nakasuot ito nang halong puti at dilaw na kasuotan. Masaya itong pinagmamasdan ang papalapit na mag-ama. 

"Prinsipe Pahadon, ingatan mo ang aking anak.  Wag mo siyang sasaktan.  Mahalin mo siya at pangalagaan.  Siya ang pinaka-importanteng Avarian at tao sa buhay ko kaya babawiin ko siya sa iyo sa oras na saktan mo siya." mahabang habilin ni Ginoong Deklan. 

"Makakaasa po kayo! Di ko po siya hahayaang masaktan.  Gagawin ko po lahat ng inyong habilin." nakangiting saad ng prinsipe

Ini-abot na ni ginoong Deklan ang kamay ni Aviore sa Prinsipe. Sabay silang pumunta sa isang maliit na entablado kung nasaan ang hari at reyna ay nakatayo na. Sila ang magkakasal sa dalawa. 

"... ngayong kayo ay nabasbasan na, maaari niyo nang gawin ang unang halik bilang mag-asawa!" saad ng hari. 

Katulad nga ng sinabi ng hari ay dahan-dahang naghalikan ang dalawa.  Pinalipad ang mga ibon, magpalakpakan ang mga Avarian na dumalo, tumunog ang malambing na musika at higit sa lahat ay ang tambol sa dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan. 

Pagkatapos ng seremonya ay nag-umpisa ang kainan, indakan, pagbukas ng mga regalo at iba pa.

"loko ka talaga Pahadon,  tayo ang dapat na pinakahuling aalis sa pagdiriwang.  Tayo ang ikinasal." natatawang saad ni Aviore. 

Karga-karga(bridal style) siya ngayon ni Pahadon papunta sa kanilang kwarto. 

"ayos lamang iyan. Nandoon naman na si Ama at ina. Hindi na ako makapaghintay na masolo kita." nag-init ang mukha ni Aviore sa sinabi nito. Gusto niya rin naman kaya hindi din siya nagreklamo. 

Inilapag siya ni Pahadon sa kama ng dahan-dahan. 

"Are you ready to rock this bed?" nakalalasing na saad nito.

Nanlaki ang mga mata ni Aviore.  "Nagsalita ka ba sa English?"

Napatawa si pahadon! "oh honey! I've been to your world a lot of times!"

"bakit hi----" hindi na natapos ni Aviore ang sasabihin ng sakupin na ng labi ni Pahadon ang kanyang labi. Walang alinlangan na tinugon din ito ng dalaga.

_____Kayla_____

Waaahhhh.....  I'm soooo happy to finish this story!

Nagustuhan niyo ba?  Ngayon ko kailangan ang inyong kumento.

Comment your reactions in comment section!

Don't forget to vote Cyuties 😘😘😘😘

The Journey of a Wimpy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon