Chapter 19

116 20 3
                                    

"ako nga! Oh my gosh ako nga!" saad ni Aviore habang patuloy na nakayakap kay Pahadon. Maging ito ay umiiyak na rin sa tuwa.

Gumawa ng imahe ang tubig. Ipinakita nito ang mukha ni Ginoong Deklan na kasama sila at ang imahe ng ina niya ngunit ayon sa imahe ay patay na ito. Ipinakita nito ang lugar kung saan ito nakalibing.

"A-anak ko!" lumapit si Ginoong Deklan habang lumuluha. Nakaawang ang mga kamay nito para sa yakap. "P-pwede ko bang mayakap ang a-anak ko?"

Kumalas si Aviore mula kay Pahadon at nakangiting niyakap ito. "a-ama ko. Ikaw nga ang ama ko."

Lalong napaluha si Ginoong Deklan ng tawagin siyang ama ni Aviore. "oh anak ko, kay tagal akong nangulila sa iyo. Sa wakas ay magkasama na tayo. Masayang masaya ako anak ko."

"masayang-masaya din po ako na malaman na ako nga ang anak ninyo. Buong buhay ko ay di ko naramdamang minahal ako ng mga kinilala kong magulang. Ama, nagpapasalamat ako at kayo ang aking totoong ama." masayang sambit niya.

"oh anak ko." at mas mahigpit pang yakap ang ibinigay nito.

Masayang pinagmamasdan lang sila ni Pahadon at ng diwata.

Biglang kumalas si Aviore sa yakap ng ama niya at pinahiran ang mga luha bago humarap sa matandang diwata. "l-lolo, may itatanong po sana ako."

"ano iyon Aviore?"

"bakit niyo po ako tinulungan? Bakit niyo po ako pinapunta dito at paano niyo po ako nakilala? Paano niyo po nalaman na magpapakamatay ako ng araw na iyon?" sunod-sunod na tanong ni Aviore. Napangiti naman ang diwata.

"simula pa lang sa pagmamahalan ng mga magulang mo ay sinubaybayan ko na hanggang sa lumaki ka. Nang naisipan mong magpakamatay ay naisip ko na hindi tamang mawala ka na lang ng hindi nalalaman ang tunay mong pagkatao. Tama na rin ang mahabang panahon na paghihirap mo sa mundo ng mga tao." lumapit ito kay Aviore at hinaplos ang kanyang pisngi. "maging masaya ka Aviore!" ito ang huli niyang sinabi bago ito unti-unting mawala.

"s-sandali!" sigaw ni Aviore ngunit tuluyan ng nawala ang bakas ng diwata. Inilibot niya ang paningin ngunit wala na talaga ito. "salamat" bulong niya sa hangin sa pagbabakasakaling maririnig nito.

Ilang minuto pa ang dumaan ng mapagpasyahan nila na bumalik na ng kaharian. Agad nilang kina-usap ang hari at reyna. Isinalaysay nila ang katotohanang siya nga ang nawawalang anak ni Ginoong Deklan at ang katotohanang siya ay isang kalahating tao at kalahating Avarian.

"Ama, ina, ngayong napatunayan na natin na si Aviore ay isa ring Avarian, hinihingi ko at labis na ikagagalak kung pahihintulutan niyo na ang aming relasyon. Kami po ay nagmamahalan at hindi po ako magpapakasal sa kahit kanino man maliban kay Aviore." mahabang litanya ni Pahadon.

Dahil sa kaba ay napalaro sa mga daliri si Aviore. Natatakot siya sa isasagot ng hari at reyna. Baka hindi sila pumayag.

Ilang sigundo bago sumagot ang hari. "dahil napatunayan mo na ikaw ay isa ring Avarian at higit sa lahat ay anak ka ng matalik kong kaibigan na si Deklan...." huminto ito sa pagsasalita at sinuri ang reaksiyon ng dalawa. Lalo naman itong nagpakaba kay Aviore at Pahadon. "ang inyong relasyon ay pinapayagan ko na."

Sabay na napayakap sa isa't isa si Aviore at pahadon. Tuwang-tuwa sila na malamang pumapayag na ang hari at reyna.

"sana ay maging masaya kayo anak." malambing na saad ng reyna.

Ngumiti si Pahadon at Aviore. "makakaasa kayo ina." sagot ni Pahadon.

"maraming salamat po!" saad naman ni Aviore.

"wag na wag mong paiiyakin ang anak ko Prinsipe Pahadon, kung hindi ay ilalayo ko siya sa iyo." saad ni Ginoong Deklan.

Napakamot sa batok si Pahadon. "Papaiyakin ko po siya... sa tuwa." sagot nito habang nakangisi. Hinapit niya din si Aviore na pinalo siya ng mahina sa balikat. Napuno ng tawanan ang buong lugar dahil sa tawanan nila.

"mukhang hindi na lang tayo matalik na mag kaibigan ngunit magiging mag kumpadre na rin." saad ni Ginoong Deklan sa hari.

"tama ka nga Deklan." nakangiting saad naman ng hari. Nakangiti namang nakamasid ang reyna sa kanila.

"ama, ina, maraming salamat at kami ay mauuna na! Paalam" mabilis na hinila ni Pahadon ang kamay ni Aviore at hindi na nila hinintay ang pagsagot ng kanilang mga magulang. Sila ay masayang tumakbo na palabas.

_____Kayla_____

Ang ikli no? Kamusta?

Don't forget to vote. 😘

The Journey of a Wimpy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon