Kumuha ng talukbong si Deklan at lumabas ng kwarto. 

"mahal saan ka pupunta?  Anong nangyari sa iyo?" nalilitong tanong ni Fraliyah.

"patawad mahal, magpapaliwanag ako ngunit kailangan ko munang kumuha ng gamot.  Babalik ako.  Pangako." mabilis nang lumabas si Deklan ng bahay upang bumalik sa Avaria at kumuha ng gamot. Tinawag pa siya ni Fraliyah ngunit hindi na siya nito narinig.

Isang oras ang nakararaan ng biglang may kumatok sa bahay nila Fraliyah.  Karga ang bata ay binuksan niya ang pintuan.  "sino kayo?"

Apat na lalaki ang nasa harap ng kanilang bahay. Hindi niya kilala at mukhang may balak na masama.

"Kunin niyo na ang bata!" utos ng isang lalaki na nasa likod ng tatlo. 

Nanlaki ang mga mata ni Fraliyah. Mabilis niyang isinara ang pintuan at tumakbo papunta sa likod upang doon dumaan. 

Narinig niyang nagiba ng mga ito ang pinto.  Palabas na siya ng marinig ang sigaw ng isa sa mga lalaki na 'nandoon siya! Habulin ninyo.'

Mabilis na tumakbo si Fraliyah palayo.  Hindi niya alam kung saan pupunta basta't takbo lang siya ng takbo. 

May nakita siyang tambakan ng basura sa isang kanto kaya pumunta siya doon.  May roon siyang nakitang karton na may lamang mga papel kaya pinag-aalis niya ang laman nito.  Ipinasok niya si Amori sa loob ng kahon.

"Amori, anak ko. Patawad pero kailangan kitang mailayo sa kanila.  Babalikan kita.  Pangako.  Dito ka lang ha baby!  Mahal na mahal kita." lumuluhang inilapag na ni Amori ang kahon. Narinig na niya ang mga yapak ng humahabol sa kanya kaya lumabas na siya ng kanto at tumakbo sa kabilang dereksiyon.  Nakita siya ng mga ito at agad siyang hinabol.

Walang lingon-likod siyang tumatakbo.  Nagulat na lamang siya ng biglang may humigit sa kanyang kamay. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang pinalilibutan na siya ng mga ito. 

"nasaan ang bata?" galit na tanong ng lalaki sa kanya. 

"ano bang kailangan niyo sa anak ko?" galit na tanong niya sa mga lalaki.

"hindi mo na kailangan malaman.  Nasaan ang bata?" galit na galit na ito. 

"kahit anong mangyari! Hinding-hindi niyo siya makukuha" malakas na sigaw ni Fraliyah bago ito sinipa sa pagkalalaki nito. Nabitawan siya nito at mabilis siyang tumakbo. 

Saktong pagtawid niya sa kalsada ay ang pagdaan naman ng rumaragasang sasakyan.  Sa isang iglap ay tumalsik si Fraliyah.  Umagos ang maraming dugo mula sa kanyang ulo.

"hon,  narinig mo ba iyon?" tanong ng babae sa kanyang asawang lalaki.  Naglalakad sila pauwi sa kanilang bahay. Dalawang taon na silang mag-asawa ngunit wala pa rin silang anak.  Isang taon matapos ang kasal nila ay nalaman nilang hindi makaka-anak ang babae. Sa kabila nito ay hindi pa rin siya iniwan ng lalaki.

"oo nga, iyak ba iyon ng bata?" nagkatinginan silang dalawa at sinundan ang pinagmumulan ng tunog.  Napatutup sa bibig ang babae ng makita ang isang bata na walang humpay sa pag-iyak. 

"hon, isang bata. Bakit ito nasa tabi ng basurahan?" kinarga niya ang bata at sinubukang patahanin. 

"mga walang hiya at kwenta ang mga magulang nito.  Kawawa naman ang bata.  Itinapon lamang nila na parang basura." saad ng lalaki sa galit na boses. 

"hon, ampon-in natin siya. Kita mo tumahan na siya oh.  Gusto niya ako." tuwang-tuwa ang babae dahil napatahan niya ang bata. 

"sige dalhin na natin siya. Tayo na lang ang mag-aalaga sa kanya." umalis na sila sa lugar. Nakasalubong nila ang apat na lalaki na tumatakbo. Tinignan sila ng mga ito ngunit nilagpasan din sila. 

"anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ng lalaki. 

"Aviore" nakangiting saad ng babae.  Napatango naman ang lalaki dahil maganda ang ibinigay nitong pangalan. Hinalikan din niya sa tuktok ng ulo ang kanyang asawa.

"Maghiwa-hiwalay tayo.  Kailangan nating makita ang bata at madala sa Avaria. Kung hindi ay lagot tayo sa ama ni Ginoong Deklan." sigaw ng lider nila.  Mabilis na naghiwa-hiwalay ang apat sa paghahanap ngunit lumipas na ang isang oras ay wala silang nakita. 

"Fraliyah!" sigaw ni Deklan pagkarating niya sa kanilang bahay.  Nagtaka siya ng makitang wasak ang siradura ng pintuan at wala ang kanyang mag-ina.

"Fraliyah!" malakas na sigaw niya.  Inikot niya ang buong lugar ngunit wala ang mga ito. Kinakabahan na lumabas siya ng bahay upang hanapin ang mag-ina sa paligid.

Ilang araw na naghanap si Declan sa kanyang mag-asawa ngunit hindi niya sila nahanap.

"tigilan mo na ang kahibangan mo Deklan. Iniwan ka ng babaeng iyon ng malaman ang sikreto mo. Hindi ka niya tinanggap.  Hindi ka niya talagang mahal." panenermon ng ama ni Declan ng umuwi siya sa Avaria dahil naubusan siya ng gamot. 

"Ama, hindi po totoo iyan! May pumasok sa bahay namin. Sinira ang siradura.  May nangyari sa mag-ina ko.  Mahahanap ko sila." naluluhang saad niya. 

"kung ganoon.  Bibigyan kita ng isang linggo.  Kung hindi mo parin sila nahahanap ay kailangan mo ng bumalik dito.  Kung hindi ay hindi ka na makakabalik pa ng Avaria." saad ng ama niya sa madiin na boses.

Napatango na lang si Declan bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng kanyang ama.

Matapos ang isang linggong paghahanap ay napaiyak na lang sa kawalan ng pag-asa si Deklan. Pumasok siya sa kwarto nilang mag-asawa at kinuha ang isang pares ng baby shoes na iniregalo niya kay Amori. Ang isang pares nito ay suot-suot ng kanyang anak bago siya umalis. Pagkatapos umiyak ay umalis na si Deklan sa bahay at umuwi sa Avaria bitbit ang isang pares ng pambatang sapatos bilang ala-ala.

"ano ba! Bakit ka ba naglalasing na lang parati?  Alam mong may anak tayo tapos imbes na magtrabaho ay umiinom ka lang." malakas na sigaw ng babae.

"ano bang problema mo?  Nagbibigay din naman ako ah. Tsaka ano ba? Hindi ko naman anak iyan. Hindi naman natin anak iyan. Mula sa basurahan ang batang iyan. Kung sana nabigyan mo ako ng anak na galing sa akin ay mas matino ako ngayon." sigaw nito habang may hawak-hawak na bote.

Sa isang tabi naman ay walang humpay sa pag-iyak ang tatlong-taong gulang na bata. 

Lumipas pa ang mga taon at lalong sumama ang pagsasama ng mag-asawa.

"hello po! Ako po si Aviore, ang anak ninyo... Ah, Amori po pala." saad ni Aviore habang nakaharap sa lapida ng kanyang ina sa sementeryo. 

"ako namam po si Pahadon. Ang mapapangasawa ng anak ninyo." nakangiting pakilala ni Pahadon. Niyakap niya si Aviore sa bewang. "wag po kayong mag-alala dahil mamahalin at aalagaan ko po ang anak ninyo."

"kung sana naririto ka ina." naluluhang saad ni Aviore. "sayang at hindi man lang kita nakilala pero masaya pa rin ako dahil nandito na si Ama.  Alam kong mamahalin niya ako at di niya ako pababayaan."

"Aviore, bakit hindi natin gamitin ang pangalang Pahadon at Amori kapag nasa Avarian tayo at Aviore at Remier naman kapag nasa mundo tayo ng mga tao?" tanong ni Pahadon.

"oo nga ano? Ang galing mo! Pano mo naisip iyon?" manghang tanong ni Aviore. 

"syempre! Matalino ako." pagkasabi ay napatawa ito.  Tumawa din si Aviore.

"edi ikaw na matalino." nakangusong saad niya. 

Niyakap ni Pahadon si Aviore mula sa likod at hinalikan siya sa pisngi.  Nagulat naman si Aviore sa ginawa nito pero hindi naman kumalas sa yakap. 

"kahit ano ka man,  kahit sino ka man,  ikaw lang ang gusto ko at mamahalin ko hanggang sa dulo ng mundo." malambing na sambit ni Pahadon.  Si Aviore naman ay napangiti at mas lalong isinandal ang sarili sa prinsipe. 

"mahal kita!" puno ng pagmamahal na saad ni Aviore. 

"Mahal na mahal din kita." puno ng pagmamahal din na saad ni Pahadon.

***The End***

Ooops!  May Epilogue pa! Wag excited!

Thank you sa lahat ng bumasa at sumubaybay! I love you all Cyuties...

Don't forget to vote 😘

The Journey of a Wimpy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon