PROLOGO

19 0 0
                                        

Alter vu- meaning of an event wherein every invidual have their own different version in what they called multi-universe.

Malakas ang buhos ng ulan at ang tanging maaninag ay ang sala-salabat na kakayuhan habang ang mata ng kwagong panggabi ang nagmimistulang bantay sa kagubatan. Tilamsik ng tubig sa baku-bakong daan ang nagpagising sa kapayaan, maging ang halinghing ng mga nag-uunahang unicorn na mayroong sakay na Emeritian ang bumulabog sa kakahuyan ng Galadia. Hinahabol ang lapastangang lalaki na nagmula sa lahi ng Galgotha. Ang naturang lahi, ang nagbigay pasakit sa buong lupain ng Emerit sapagkat ang ninuno niya ang siyang nag-umit sa pinakamahalagang Elixirna nagsisilbing puso ng kanilang mundo. Ang Emerit ay hindi kailanman matatagpuan sa kahit anong mapa, sapagkat ito ay nakapwesto sa likuran ng ordinaryong kalawakan at nang sariling repleksyon nito.

"Habulin niyo, mga kawal! Hindi pwedeng makalayo ang anak ni Juando dahil siya ang magpapatuloy sa kanilang lahi!" utos ng pinakamataas na hukbo ng Burgandia.

Hinatak ang taling nakaangkla sa matulis na sungay ng unicorn habang matulin ang kanilang pagpapatakbo.

"Wooh! Bilisan niyo!" anang kumando.

Samantala, sumuot ang lalaking nakasuot ng itim na salakot sa Galadia upang bulabugin ang mga natutulog na engkantada at elementong naninirahan doon. Nais niyang makarating sa mahiwagang talon upang makakuha ng kristal na tubig para sa kanyang amang naghihingalo. Sumuot ang binatilyo sa mga naglalakihang bulalak ng Galaxia.

"Hindi niyo 'ko mahuhuli!" ngising-asong anas sa sarili.

Muling humalinghing ang unicorn sa mismong harapan nang nagtatagong binata habang ang mga kawal ng Burgandia'y sumisikot-sikot sa buong kakahuyan.

"Ano, nakita niyo ba?"

"Hindi, Kumando!" anas ng kawal.

"Baka nasa hilagang Galadia!" anang isa pa.

"Sige! tumungo kayo sa direksyong hilaga, dito lamang ako sa bandang kanluran." anang kumando.

Dinig na dinig ang pagyanig ng lupa, dahil nagsipulasan ang mga kawal na sakay ng unicorn. Maya-maya'y nagpasyang lumabas ang binatilyo at nagmamadaling tumungo sa talon na dinadaluyan ng kristal na tubig. Nagmamadali niyang sinalok ang maliit na tapayan sa gilid, ngunit nahinto ang binabalak niyang gawin ng lumitaw ang bantay-talon na si Haraya.

"Sino kang nilalang na nagmula sa labas ng Galadia't umuumit ng kristal na tubig na aking pagmamay-ari?"

Diretsahang tumingin ang binatilyo kay Haraya saka ngumisi. Kapagkadaka'y tinanggal ang salakot na suot, kung kaya bahagyang nagulat ang diwatang tagapagbantay ng talon.

"Isa kang Galgotha!?"

"At isa ka namang diwatang hangal!" ngumisi ang lalaki.

Kinalauna'y, tumalilis nang takbo palayo rito ngunit ikakampay pa lamang ni Haraya ang kanyang baston upang pahintuin ang binatilyo ay kaagad naharangan nang mga kawal ang daraanan ng lapastangang binata.

"At saan sa tingin mo ka pupunta?" itinapat ng kumando sa leeg ng binatilyo ang hawak na sandatang tatlo ang talim. Samantala, lumipat ang nagbabagang mata ng binata kay Kumando, habang pumapalag sa mga kawal na kasama nito.

"Ikulong sa kastilyo upang hindi makatakas," anang mandirigma.

Di katagalan ay binitbit ang binatilyo,saka matamang hinablot sa kanya ang tapayan bago isinaboy ang tubig pabalik sa talon.

"Huwag!" hiyaw ng lalaki ngunit nanatiling bingi si Kumando sa pakiusap niya.

Lumuhod ang ilang kawal kay Haraya upang manghingi ng paumanhin, dahil tila nabulabog ang kanilang mahimbing na pamamahinga.

THE ALTER VU OF MARIAStories to obsess over. Discover now