chapter 21

9 0 0
                                    

Keian POV

" Ha ? Ano yon ? " Kunot noong tanong nya

"Ahh....I l-like y-you "

Tinuro nya ang sarili " You like me ? " Nanlalaki ang matang tanong nya. Naglakad sya pabalik sakin pero sa hindi malamang dahilan , kakaibang lakad ang nakita ko. Mabagal na parang tumigil yung mundo ngunit sya lang ang gumagalaw , lumabo ang paligid pero tanging sya lang ang natira

" Anak ng...davilla ! " Nabalik ako sa realidad ng magsalita sya. Inip na inip at kating kating malaman ang isasagot ko

" W-what ? " Wala sa sariling Tanong ko

" Tinatanong kita ! anong sinasabi mong gusto mo ko !? " Mataas ang boses na Tanong nya, kunot ang noo at seryosong seryoso . Siguradong hindi rin sya makapaniwala sa narinig na kahit man ako ay naguguluhan sa kilos at sinabi ko

Lumunok ako" y-yes I l-like y-you" Ibinaba ko ang tingin " as a friend " dagdag ko while looking at the fucking floor

But naiangat ko ang ulo ko ng tawagin nya ko " davilla " I look at her , sinalubong nya naman ang mata ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sya na mismo ang bumitaw

" Bakit ? " I asked pero umiling lang sya bilang sagot bago ako tinalikuran at naglakad palayo na para bang takot na takot sakin. Weird

Pinanood ko lang ang paglakad nya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko na naging hudyat sakin na umalis na ren sa lugar

I was about to walk pero natigil ako ng may humigit sa braso ko. She pulled me close to her at sa hindi ko inaasahang pangyayare ay labi nya ang sumalubong sakin

" Shit ! Monica ! " Tinulak ko sya para malayo ang labi nya sa labi ko

" What ? Aren't you happy I'm here keian ? " Maiyak iyak na tanong nya

" Why would I ? " Inis na tanong ko. Pinahidan ko ang labi ko bago tumingin sa kanya

" Because I'm here , bumabalik na ko sayo "

Umiling ako saka hinawakan ang mga kamay nya " monica...time passes by and all we need to do is move on " mahinahong wika ko. Kahit naman gaano kasakit yung mga ginawa nya. Eh , ayoko paren syang bastusin

Binitawan ko ang kamay nya saka tumalikod at nagsimulang maglakad pero natigil ako ng magsalita sya

" No one will move on keian...babawiin kita sa kahit ano mang paraan. Tandaan mo babalik ka ren sakin "

******

After monica talk to me she let me go home. Pag uwi ko naman ay agad akong dumiresto sa kwarto ko at hinayaan ang likod kong masanay sa lambot ng kama habang ang isip ko ay patuloy paren sa pag-iisip

Hindi ko kase maintindahan ang sarili ko, kung bakit ganun nalang ang inis ko nung hinalikan ako ni monica, parang dati rati ay pinangarap kong halikan ang mga labi nya pero ngayon parang hindi na labi nya ang gusto ko , na parang gusto kong ireserve ang labi ko para sa kanya

Tapos hindi ko rin alam kung bakit ganun yung naramdaman ko kay chreme

Napaisip tuloy ako ng mga posibilidad na maaaring dahilan

" Ano nga bang dahilan keian ? " Tanong ko sarili. Matagal tagal rin akong nag isip pero wala akong makita kundi....

" Shit may gusto ba ko sa kanya ? " shit !Hindi ! hindi ! Hindi ! Imposible ! Hindi ko sya magugustuhan

Tumayo ako mula sa pag-upo at naglakad pabalik balik. Hindi paren kase ako mapakali dahil don sa kongklusyon na nabuo ko

" Hindi ko naman sya gusto diba ? " Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Tumango ako " oo hindi ko sya gusto , hindi ko sya magugustuhan " humiga muli ako sa kama at hinayaan ang matang nakatingin sa taas

ExtraOrdinary Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon