CHAPTER 27: FEEL LIKE SCREAMING

205K 4.4K 574
                                    

CHAPTER 27: FEEL LIKE SCREAMING

******

LUNA

"Huh?" I was dumbfounded.

"Oh? Bakit ka nagulat? Hindi ba't iyun naman talaga ang napagkasunduan natin?"

Ilang beses akong lumunok para mapigilan ang luha. "Makikipaghiwalay ka na sa akin?"

Tiningnan niya ako at huminga ng malalim. Nabasa ko sa kanyang mga mata na hindi nito gusto ang nabitawang salita. Nag-iwas siya ng tingin. "Matulog na tayo. Hindi ka dapat mapuyat."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitawan na niya ako at nauna ng umakyat ng hagdan. Kinabukasan ay agad akong pumunta kay Camille upang may makaramay at malabasan ng sama ng loob. Dahil sasabog na ako kung patuloy ko pa itong kikimkimin.

"Luna, please, stop crying. Makakasama sa baby mo." Alo sa akin ni Camille.

"Ang bilis naman niyang  magdesisyon, Camille. Bakit ganoon? Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa kanya." Saad ko habang pinupunasan ng tissue ang aking mata.

"Bakit parang hindi talaga ako kawalan sa buhay niya? Ang sabi niya mahal na mahal niya ako. Nagsisinungaling lang ba siya?"

Hinaplos ni Camille ang aking likod. Pinunasan ko ng tissue ang aking mata dahil hindi tumitigil ang aking luha.

"Mahal ka ni Dylan, Luna. Nakikita ko iyon. Sarado pa ang utak niya kaya hindi ka pa niya kayang pakinggan. Ipakita mo na kasi ang resulta ng ultrasound." Suhestiyon ni Camille.

Umiling ako. "Kung may tiwala siya sa akin, bakit kailangan pa ng pruweba na sa kanya ito? Ang sakit lang kasi, Camille. He should have trust me."

"Luna.."

"At kung talagang mahal niya ako, hindi niya iisipin ang putangnang annulment na 'yon!" Sabi ko sa pagitan ng paghikbi. "Akala ko sapat na lahat, kulang pa pala."

Sumama ang pakiramdam ko kaya pinagpahinga muna ako ni Camille bago ako ihatid pauwi. Bumigat na naman ang pakiramdam ko nang makita sa sala si Dylan. May kausap itong pamilyar na babae. Ito ang abogado na nag-aayos ng inheritance ni Dylan. Kumabog ang aking dibdib nang mapunta sa akin ang tingin nila.

"Misis Reyes, it's been so long." Sabi ng abogado nang makita akong papasok sa bahay. "Please, have a seat."

Kinakabahan akong umupo sa tabi ni Dylan. Blangko ang kanyang ekspresyon.

"Ano po ang kailangan niyo, Attorney?" Pinatatag ko ang aking boses.

"Ah, ako ang mag-aayos ng annulment papers niyo." Hindi ko magawang suklian ang magandang ngiti ng abogado.

Nagulat ako sa sinabi ng abogado at lumipat ang tingin ko kay Dylan. Seryoso ang kanyang mukha habang nakapatong ang braso sa arm rest ng sofa. Napatingin ako sa abogado nang ilagay nito ang folder sa harap ko. "Iyan ang annulment papers. May pirma na iyan ni Dylan, ang pirma mo nalang ang kailangan."

Nanlabo ang aking mata nang makitang nakapirma na nga doon si Dylan. Wala kong lakas na hawakan ang ballpen na ibinibigay ng abogada. Nakatitig lang ako sa annulment papers na aking hawak.

Tumikhim ang abogado. "Ahm, I think dapat muna kayong mag-usap. Iiwan ko na lang ang annulment papers."

Inihatid ni Dylan ang abogado sa labas ng bahay. Nang maisara ang pinto ay saka ako tumayo at lumapit dito. Kinuyom ko ang aking kamao upang mapaklama ang sarili. "Gan'un lang sa'yo kadali ang lahat, Dylan?"

"Ano ba ang purpose ng kasal na'to? Ang makuha ko lang ang inheritance ko, 'diba." Malamig nitong sabi.

Kahit nanghihina ako ay sinikap ko pa ring tumayo. Isang metro lang ang layo naming dalawa.

"Akala ko'y mahal mo ako."

Lumamig ang ekspresyon nito. "Akala ko rin."

Pumikit ako ng mariin bago ko siya tingnan muli. "You're lying."

"Am I?"

"Bakit ang dali lang sayong ipagtabuyan ako ng ganon? Samantalang ako, halos makipagpatayan 'wag ka lang makuha ng iba sakin." Mahina kong sinuntok ang kanyang dibdib. Bakit kailangang magkaganito kami?

"Stop the drama, Luna. Just sign this damn papers!" Napalayo ako sa kanya nang tumaas ang boses nito.

"No. I can't." Natawa ako ng pagak. Pinunasan ko ang maga luha na nalalaglag sa aking pisngi. "You're merciless, Dylan. I love you with all my heart. Fuck you. How stupid of me to think I'm the only flower in your garden."

Naiinis na ibinato nito ang papel sa isang sulok. Tumalikod ito sa akin at naglakad patungo sa may kwarto namin. Napapitlag ako nang malakas nito isara ang pinto.

Nanghihina kong pinulot ang mga papel. Nanginginig ang aking mga kamay habang hinahawakan ang mga papel na makakapaghiwalay sa akin kay Dylan.

"Ayoko na." I said finally.

Lumaki ako na hindi buo ang pamilya ko at sinasaktan ako ng tatay ko. Lalaki rin ang anak ko na hindi siya tanggap ng tatay niya .

"This is for your safety, Baby." Bulong ko habang hinahaplos ang aking tiyan. PInulot ko ang annulment papers at pinirmahan iyon.

Ibinaba ko ang papel sa lamesa at kinuha ang aking bag. Inilabas ko roon yung result ng ultrasound ko dati at inipit sa folder ng annulment papers.

"Sana ay hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo. This will be your eye opener, Dylan. It's your time to chase and beg to bring us back to you." Sabi ko sa aking sarili.

Pumasok ako sa kwarto. Nakita kong nakahiga si Dylan sa kama, nakatalikod sa akin. Alam kong nagpapanggap lamang itong tulog at kinakalma lamang niya ang kanyang sarili upang hindi ako masaktan. Mahal niya ako ngunit nilamon siya ng kanyang galit. Matinding galit.

Damang-dama ko ang lamig sa kwarto dahil sa air conditioner. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kama. Inilapag ko ang annulment papers sa bedside table. Umikot ako at lumuhod sa kanyang gilid. Kinabisado ko ang kanyang maamong mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinaplos ang kanyang palasingsingan na kinaroroonan ng wedding ring.

"I love you, D." I murmured.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan ang kanyang noo. Pumikit ako at dumilat nang pagdesisyonan kong lumayo na. Hinaplos ko ang kanyang pisngi bago tumayo. Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng kwarto at bumaba ng hagdanan. Kinuha ko ang aking bag at lumabas na ng bahay. TInawagan ko si Camille upang magpasundo.

"Hello?" Napahikbi ako at hindi nakapagsalita. "Luna? What happened?"

"Get me out of here. P-Please."

"I'll be right there as fast as I can, okay?"

I feel like screaming. Isa lang ang sinisigurado ko, kahit kailan ay hindi magiging masaya si Dylan kung patuloy itong magiging makasarili.

*******

UNEDITED.

UPLOADED: 1-23-15

SK<////////3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now