CHAPTER 26: STRAWBERRY ICE CREAM

189K 4.1K 739
                                    

CHAPTER 26: STRAWBERRY ICE CREAM

*******

LUNA

"Dylan, tingnan mo 'to, o. Ang cute." Nakangiti kong sabi habang hawak ang isang kulay blue na damit pambaby.

"Ah." Sabi nito habang hindi inaalis ang mata sa cellphone nya at patuloy lang sa pagte-text.

Huminga ko ng malalim at lumapit sa kanya. "Sino ba ang katext mo?"

Dinungaw ko ang cellphone nito pero iniiwas nito iyon. Matalim niya akong tiningnan. "Mind your own business."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Inilagay ko na ang gamit ng baby sa kinalalagyan nito. Pinuntahan ko kasi ito sa office niya at pinilit na samahan ako sa mall. Hindi ko alam kung bakit natitiis ako ng ganito katagal ni Dylan. Gan'un ko ba talaga siya nasaktan kaya ginaganito niya ako? Hinawakan ko ang braso ni Dylan pero hinawi nito ang aking kamay.

"Are you done? Babalik na ako sa office." Malamig nitong sabi.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Ahm, wala akong mapili kasi—"

"Okay." Hindi nito pinatapos ang sasabihin ko. Tumalikod na siya sa akin at naglakad na papunta sa exit ng mall.

"Dylan, wait!" Hinabol ko ito. Naabutan ko siya na nasa labas na ng pinto ng exit door.

"Mag-taxi ka nalang pauwi." Kinuha nito ang kamay ko at inilagay roon ang pera. Napatingin rin ako sa taxi na nasa harap na pala namin.

"Pero, 'diba, pupuntahan pa natin 'yung wedding coordinator?" Pinatatag ko ang aking boses kahit alam kong nasa binggit na ako ng pag-iyak.

Umangat ang isang sulok ng labi nito. Nang-uuyam ang kanyang mata. "I already cancelled the wedding, Sweetheart."

Napamaang ako. "K-Kailan pa?"

"Pagkatapos mong iwan ako." Malamig nitong sabi.

Nag-init ang sulok ng aking mata. "Pero, Dylan—"

"Go home, Luna." Mariin nitong sabi.

Ito na ang nagbukas ng pinto ng taxi nang hindi pa rin ako natinag sa kinatatayuan ko. Tinulak niya ako papasok sa taxi at napapitlag ako nang malakas niyang sinarado ang pinto.

"He wasn't my sweet Dylan anymore." Bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking luha.

Tiningnan ko ang singsing sa aking daliri. Napangiti ako ng mapait dahil naalala ko kung gaano kami kasaya noon. At nagbago lahat dahil sa maling desisyon ko.

"Kung hindi mo na kaya, pwede ka namang sumuko." Napatingin ako sa matandang taxi driver. Awa ang nakita ko sa kanyang mata.

Nginitian ko siya ng tipid at hinawakan ang aking sinapupunan. "Hindi ako susuko kasi kailangan namin siya."

Binayaran ko ang taxi driver nang makababa na ako sa harap ng bahay namin. Hinintay ko si Dylan na umuwi hanggang gabi. Kahit na antok na antok na ako ay pinipilit ko pa rin siyang hintayin.

Hawak ko ang litrato ng baby sa aking sinapupunan. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag hawak ko iyon, feeling ko hindi ako nag-iisa. Ipapakita ko iyon kay Dylan kapag naging nalinawan na ang isip niya.

Alam kong, kapag pinakita ko kaagad 'to kay Dylan, tatanggapin niya agad na anak niya ito pero hindi mabubuo ang tiwala niya sa akin. Ang gusto ko, pagkatiwalaan niya muna ako dahil iyon naman ang dapat.

Inilagay ko sa aking bulsa ang litrato nang bumukas ang pinto ng bahay. Tumayo ako nang makita si Dylan. Hindi ito lasing pero makikita ang pagod sa kanyang mata.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Oo. Nagkaroon kami ng dinner meeting kanina." Malamig nitong sabi habang nakatitig sa akin.

"Dylan, samahan mo ulit ako sa isa pang mall bukas, ha?"

"Ganoon ba kahirap ang mamili ng damit ng bata? Tsk." Mariin niyang sabi.

Nasaktan na naman niya ako. "Dylan, ang tagal na ng away natin. Itigil mo na 'to. Tama na naman, o."

Hindi ito nagsalita pero sapat na sa akin na wala siyang pakielam dahil wala akong nakitang pagbabago sa kanyang ekspresyon. Tumalikod ito sa akin at niluwagan ang pagkakatali ng necktie niya. Umakyat ito sa hagdanan at pumasok sa aming kwarto. Ilang araw na kaming natutulog na magkatalikuran. Hindi na ako makatiis pa kaya humarap ako sa kanya at niyakap ito sa bewang. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang likod.

"Bakit nakukuha mo akong tiisin ng ganito?" Bulong ko.

Nakaramdam ako ng gutom. Parang gusto kong kumain ng mansanas ngayon. Mansanas na may ketchup. Humiwalay ako kay Dylan at bumaba ng kusina. May ketchup kami pero wala kaming mansanas. Umakyat ako sa kwarto at niyugyog ang balikat ng aking asawa. "Dylan, samahan mo akong bumili ng mansanas."

"Tsk. Pagod ako at wala ng bukas na tindahan ngayon, ano ba?"

"Dylan, kailangan kita." May hinanakit sa aking boses.

"Kinailangan rin kita pero iniwan mo ako."

"Dylan, please."

Wala akong nakuhang reaksyon sa kanya. Tumayo ako sa kama at kinuha ang aking jacket. Sinuot ko iyon bago ako sumakay sa aking kotse. Pumunta ako sa isang twenty four hours na convenience store at bumili ng mansanas. Nakakita rin ako ng strawberry na ice cream kaya bumili rin ako niyon.

Umupo ako sa may bench na nakaharap sa bintana. Parang gusto ko munang mag-relax doon. Wala akong ginawa kundi ang kainin yung mansanas at isinasawsaw sa strawberry flavored ice cream habang nakatingin sa kawalan.

Ni hindi ko na nga napansing alastres na pala ng madaling araw. At ilang ice cream na pala ang nauubos ko. Hinahanap na kaya ako ni Dylan?

Ang bilin nga pala ng doktor ko, bawal raw ako magpuyat o ma-stress. Lumabas ako ng convenience store habang dala-dala ang dalawang container ng ice cream at sumakay na sa aking sasakyan. Pag-uwi ko ay naabutan ko si Dylan na paikot-ikot sa living room namin. 

"Saan ka ba nagpunta?!" Sigaw sa akin ni Dylan nang makita akong pumasok.

"Sa convenience store. Bumili ako ng ice cream." Sabi ko at itinaas ang dala kong plastic.

Inihilamos nito ang kamay sa kanyang mukha. Napangiti ako nang mahalata ang pag-aalala sa kanyang mukha. "You do care about me."

"Fuck. What are you saying?"

Sinundot ko ang tagliran nito. "Bati na tayo? Itutuloy na ba natin 'yung kasal?"

Hinuli nito ang aking kamay at inilayo sa tagliran niya. Nawala ang ngiti ko nang makita na seryoso at malamig ang kanyang mukha. "Dylan, magbati na tayo. Please. What do you want me to do to make things right?"

"There's nothing you can do, Luna. The damage has been done." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran niya muli ako.

Hinawakan ko ang kamay nito. "Tapusin na natin 'to, Dylan. Sige na oh."

Nilingon niya ako. "Edi, tapusin na natin. Nakuha ko na ang inheritance ko n'ung isang araw. Pwede na tayong mag-file ng annulment."

********

UNEDITED. Akala niyo, kayo lang ang nasasaktan? Ako rin! Ako! Ako! Ako! *slap*

Sweeties, hindi ko kayo pinipilit na basahin ang story ko. Alam niyo na iyon kung nabasa niyo at naintindihan ang WARNING ko, 'diba? Kung ayaw niyo ng storyline, edi huwag basahin. Shet naman.

Hindi ko naman kayo pinipilit ah. Hindi naman ako nag-post at nagmessage sa inyo na basahin mo ang story ko. Hindi ako nagmakaawa na basahin niyo 'to. Kayo, ang nag-add sa library niyo. Iba-iba tayo ng gusto pagdating sa kung ano ang mas magandang nagyari sa ganire, dapat ganon, dapat ganyan.

WRITE YOUR OWN STORY. MALAYA TAYONG LAHAT DITO SA WATTPAD NA GUMAWA NG GUSTO NATING STORYLINE.

UPLOADED: JANUARY 18, 2015

SK<///////3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon