12. an insufferable Walk

62 35 11
                                    

"Kapatid! Ano sa tingin mo, bagay ba?" tanong ni Zy kay Keon na kasalukuyang nanonood ng palabas sa sala.

Saglit na napatingin sa akin si Keon at muling bumalik ang paningin sa pinapanood.

Kumuha naman si Zy ng tissue sa lamesa at ginusumot saka ibinato kay Keon. "Hoy, kinakausap kita! Hindi ka bingi, pipi ka. Supladong 'to."

Inis na lumingon si Keon at nagsign language.

Habang hinihintay kong magawa ang bago kong ID at mahahalagang papeles gaya ng sertipiko ng kapanganakan ay nagpaturo ako kay Zy kung paano magsign language tutal weekend naman.

Hindi pa ako gaanong bihasa rito pero nakakaintindi naman ako nang kaunti. Kaunting ensayo at pag-aaral pa, mabilis din naman kasi akong matuto.

"Mukhang matanda."

Bastos 'tong lalaking 'to ah!

Sininghalan ko siya at pinanlakihan ng mata.

Napaka naman kasi! Hindi ko naman siya pwedeng sabihan ng 'walang hiya' dahil nakikitira lang naman ako. May hiya pa rin naman ako, ano!

Nakita ko naman si Zy na umiling sa kapatid saka ako hinila papunta sa kwarto niya.

"Anong ginagawa natin dito?"

Hindi siya sumagot at binuksan ang aparador. Kumuha siya ng ilang mga t-shirt at pantalon.

Ang mga ito ang kadalasang isinusuot ng mga Ugsie. If you live in Purque, you'll clearly see the difference on how a Beau, a Norm, and an Ugsie dresses and presents themselves.

"Subukan mo ang mga 'yan kung may kakasya sayo," utos niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Pero may mga damit pa ako sa bag."

"I know, but you're in Sidra now. If you don't want to get caught, you have to blend in. Besides, you're not Bellatrix anymore, you're Vestia."

Pinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi niya. Tama naman siya. Hindi lang ang pangalan, katauhan, at kaanyuan ang kailangan kong baguhin kung hindi pati na rin ang aking mga isusuot.

Kumuha ako ng isang pares ng damit at nagtungo sa banyo na nasa loob din ng kwarto. This is one of the perks of their house, may sari-sarili kaming mga banyo.

Pagkabukas ko ng pinto ay narinig ko kaagad ang halakhak ni Zy. Pinunasan pa niya ang gilid ng kaniyang mata bago piliting tumigil sa pagtawa.

"Nice c-clothes!" at tumawa na naman siya.

I scrunched my face and looked down on my clothes. Sikip na sikip sa akin ang maliit na t-shirt habang ang pantalon naman ay hindi na maisara ang zipper at hanggang kalahati ng binti ko lamang ang haba.

Nakailang palit pa ako hanggang sa may magkasya sa aking t'shirt.

Nagtungo naman si Zy sa aparador at kumuha ng isang itim na tela. Binibay niya ito sa akin, ininspeksyon ko naman ito.

"Tutal walang magkasya sayong pantalon, magleggings ka na lang."

Tiningnan ko siya ng may pagtataka. "Leggings?"

Ipinaliwanag niya na isa itong uri ng tela na malambot at nababanat. Para rin itong isang pantalon, iyon nga lang ay wala itong zipper. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Bukod sa t-shirt ay pantalon ay wala na akong ibang alam na isinusuot ng mga Sidran, mas kilala bilang Ugsie.

"Remind me to take you shopping tomorrow."

Pagkatapos namin ay tinawag na niya si Keon, aalis na raw kami papuntang trabaho. This is my first day and I don't know if I should feel excited or not. Wala naman kasi akong ideya sa gagawin ko dahil wala pang sinasabi si Zy.
Nilagay ko na rin sa aking kaliwang mata ang eye patch na ibinigay sa akin ni Zy kanina.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga bahay, gusali, at negosyo na aming nadadaanan. Kitang-kita mo sa mga mukha ng tao ang kawalan ng kasiyahan at kapaguran.

Hindi ko man naranasan ang mga naranasan nila ay ramdam ko kung gaano kasakit at kahirap ang mamuhay sa posisyon nila. Ngayong dito na ako maninirahan, makikita at mararanasan ko na ang masamang bahagi ng sistemang ito.

How bad will this be?

Biglang nagbulungan ang mga tao sa paligid namin, huminto naman sina Zy at Keon saka ako hinila sa gilid kung saan hindi kami masyadong kita.

"Ano'ng meron?" tanong ko kay Zy.

Tinampal ni Keon ang bibig ko. Tiningnan ko naman siya nang masama at pinunasan ito gamit ang manggas ng damit ko. Kamalayan ko ba kung saan nanggaling 'yung kamay niya.

"Don't make even the slightest sound," bulong ni Zy. "They're here."

Sino ba ang tinutukoy niya?

Sinubukan kong sumilip mula sa likod ng haligi ng isang establisyemento at nakitang naglalakad sa gitna ng daan ang isang lalaking may magarang suot, kabuntot niya ang kaniyang mga bodyguard. Sa tabi naman niya ay may dalawang lalaking mukhang mga Beau.

"Sino 'yan?" tanong ko kay Zy.

"Remember when I told you that Romelo is working for Neron? That's him."

Oh, so that's the 12th chair person. Pero ano'ng ginagawa niya rito?

Tumigil sila sa tapat ng isang matandang babae na nagtitinda ng mais. Halata sa mga galaw nito na siya ay nahihirapan dahil na rin sa katandaan.

"Ito ba?" rinig kong tanong ni Neron sa mga kasama.

Galit naman na pinagtuturo at pinagsisigawan ang matanda.

Tinawag ni Neron ang ilan sa kaniyang mga bantay at may iniutos. Kaagad namang sumunod ang mga ito at nanlaki ang aking mga mata nang bigla nilang itinumba ang mga lalagyanan ng mais at pinagtatapakan ang mga dilaw na pagkain. Hindi pa sila nakuntento at sinira rin ang mga lalagyan.

Bumaling si Neron sa kawawang matanda at walang pag-aalinlangang sinampal ito nang malakas. Nahulog naman ang matanda mula sa kaniyang inuupuan.

Sumiklab ang galit sa aking puso dahil sa nasaksihan.

Napakasama niya! Wala man lang ba siyang awa? For pete's sake, matanda na iyong sinaktan niya!

Ang kaninang nagbubulungang mga tao ay natahimik na ngayon. Ni isa ay walang umawat at naaawa lamang na tumingin.

Neron called off his men then pointed to the old lady. Pagkatapos ay umalis na siya at ang ilan sa kaniyang mga kasama habang may naiwang tatlong bodyguard doon sa matanda.

Akala ko ay tutulungan nila itong makatayo ngunit lalo lang nilang pinalakas ang galit na kanina ko lamang naramdaman nang bigla nila itong pinagsisipa at pinagsusuntok.

Kahit nakaalis na sina Neron ay wala pa ring gumagalaw sa mga taong nandito, tila naging mga estatwa.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kaya nagsimula akong maglakad papunta sa harapan. Bigla namang may pumigil sa braso ko, si Zy.

"Ano'ng ginagawa mo? Huwag kang makikisali kung ayaw mong ikaw ang pagbalingan ni Neron ng galit!"

Hinigit ko ang aking braso at galit na nagwika, "I can't just stand here when I know I can do something!"

And with that, I left without thinking about the consequences of my action.

end of chapter 12

Beauty Is The New Beast (Part 1)Where stories live. Discover now