Part 12 - Biglaan.

3 0 0
                                    

Mich's POV

Years na din kami ni Dom, parehas kaming IT magkaiba nga lang kami ng workplace. We see each other almost everyday. And everytime mababago schedules namin, we make sure na maupdate agad ang isa't isa. Kapag biglang nag night shift ako, he'll make sure to come right after his work para mahatid ako sa office. Everything is still okay. Everything is beautiful. Kulang na lang magpropose sya at sasagutin ko naman na sya agad agad.

Lagi kaming nagpplan ng mga date namin. Minsan ipplan na namin pati yung pang next month or next next month. Hindi kami nauubusan ng plans kasi ang dami naming gustong gawin at puntahan ng magkasama.

Minsan isinasama namin si Mark kapag kumakain kami sa labas at di masyadong malayo sa workplace nya since alam naming nalulungkot sya na magisa sya dahil di nya masyadong nakakasama si Shane.

Okay naman kaming tatlo, di naman KJ tong si Mark pag kasama namin at di naman namin pinapafeel sa kanya na third wheel sya. Para lang kaming magbabarkadang tatlo.

Ang saya saya na ng love life ko na minsan napapaisip ako, meron pa bang magiging problema? Para kasing ang saya ko na masyado. Ang tagal ko ng masaya. Ang tagal ko ng di umiiyak. Nakalimutan ko na yung pakiramdam ng malungkot at masaktan. At ayaw ko ng maalala ulit yun.

Isang araw, nagrequest si Dom na mag leave ako ng sunod na araw. Nagulat ako kasi never syang nagrerequest ng mga biglaan. We always plan ahead of time. Whether travel yan or dates, we plan atleast a week before the date, kaya nung sinabi nyang mag leave ako kinabukasan nagulat ako. Kinabahan ako na hindi ko maipaliwanag.

Kinausap ako ni Dom. Seryoso sya at lalo akong kinabahan.

Inamin nya saken na they've been preparing for migrating to US for the past years... (Hindi ko alam kung pano magrereact. Napaisip ako, anong sunod nyang sasabihin? Aayain nya ba ko tumira sa US? Imposible kasi alam nyang hindi ako aalis dito. Hindi pwede kasi nagiisang anak ako ata alam nyang di ko maiiwan sila mama at papa. Or sasabihin ba nya na he'll stay dahil magppropose na sya saken at bubuo na kami ng pamilya dito? Kung ano ano agad pumasok sa isip ko... hanggang sa tinuloy nya na yung sinasabi nya)

Hindi na daw nya yun naiisip kasi ang tagal na nun, saka respect na din sa decision ng mama nya na sa kanila na lang daw muna yung tungkol dito. Saka sa totoo lang, di nya rin daw talaga alam kung paano sasabihin saken. Hanggang sa nalaman nya just few days ago na okay na ang lahat.

And that He'll be gone for good.

Tulala lang ako. Sobra kong nabigla. Iba pa pala sa mga naiisip ko kanina yung sasabihin nya. Malayo pala sa pag aya saken pa US. At malayo din sa proposal tong sasabihin nya...

Halo halong emosyon yung nararamdaman ko. Kasi alam ko na kung san papunta to. Anytime maririnig ko na yung salitang kinatatakutan ko sa lahat. Anytime mararamdaman ko na ulit yung pinaka ayoko ng maramdaman --- ang masaktan.

Pagkatapos ng ilang minuto na tahimik lang kaming dalawa. Nagsalita na sya, sinabi nyang alam nya na masakit para sa kanya at para samin to pero aminado syang wala na talagang way para maipagpatuloy pa yung relationship namin. Hindi naman kasi sya makakauwi uwi. And even if makauwi sya dito sa pinas, babalik pa rin sya dun for good. Kahit gusto nya kong makasama, hindi sya pwedeng magpaiwan dito kasi mula nung iniwan sila ng Daddy nya, sya na yung tumayong tatay sa pamilya nila. Mabigat yung responsibilidad nya na hindi nya magagawang igive up yun para saken. Masakit pero naiintindihan ko yun.

At ako naman, alam nyang never akong aalis ng bansa para manirahan permanent sa US in the future. Ang sakit kasi alam namin sa sarili namin na wala na kaming magagawa. Kahit ilaban namin yung relationship namin sa ngayon, sa bandang huli... hindi pa rin magiging kami. Ang sakit na we have to end this way.

Masakit yung niloko ka, sinaktan ka, ghinost ka pero mas masakit para saken yung ganitong klase ng hiwalayan. Yung hindi nyo naman sinaktan ang isa't isa, pero pagkakataon na yung nanakit sa inyong dalawa. Tadhana na ang naghihiwalay sa inyo.

Mahal ko sya. Mahal nya ko. Maayos ang lahat sa pagitan namin. Pero kelangan naming maghiwalay dahil sa sitwasyon. Bakit ganito?

Ayoko makipaghiwalay pero kung patatagalin naman namin, tapos dito din mauuwi ang lahat. Para lang naming ipinending yung sakit pero dun din talaga pupunta to. Kaya nagdecide kaming dalawa na harapin na yung sakit ngayon pa lang.

After that day. Naghiwalay kami. Umiiyak ako gabi gabi. Hindi ako makakain ng ayos.

Ilang araw na lang, flight nya na at nagdecide akong di na sumama sa paghahatid sa airport.

Hindi ako galit sa kanya pero galit ako sa sitwasyon. Hindi ko alam kung makakalimutan ko siya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tayo / KayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon