Part 9 - Kaibigan.

3 0 0
                                    

Mich's POV

Nagkaron ako ng contact sa isa kong kababata na matagal ko ding di nakita since nung nag manila sya. Si Shane, and nagrequest sya kung pwedeng every Saturday ay dito sila magstay sa bahay. Sila ng boyfriend nya na si Mark. And that's okay. Mas marami, mas masaya.

Shane and Mark, sila yung ideal couple para sakin. Ang cute kasi nila together. Bagay na bagay, and kahit hindi pa alam sa mga families nila, alam naming mga friends nila how Mark courted Shane for a year. And feeling ko isa yun sa mga di na nagyayari nowadays but Mark did it for Shane. Ang sweet lang. Dati naririnig rinig ko lang yung stories about them sa mga common friends namin, kasi kahit magkinakapatid kami, hindi kami ganun kaclose before. Nagkikita lang kami at nagkakausap pag may mga get together ang families namin. Kaya ngayon na she approached me and asked this request, natuwa ako kasi finally magiging friends na din kami.

Tuwing sabado, nasa bahay sila. So para kami laging group date. (sa bahay nga lang) 🤣 Minsan manonood lang kaming movies magdamag. Magkkwentuhan ng mga stories namin. And seeing them happy, nakakatuwa lang. Ang galing how they managed to have a long and happy relationship. Kami naman ni Dom naguumpisa pa lang sa relationship stage, mas para pa rin talaga kaming magkaibigan lang, kaya isa sila Shane and Mark sa inaadmire ko when it comes to relationship. Yun bang relationship goals, for me... sila yun ❤

Minsan nakita namin ni Dom na magkaaway si Shane at Mark. Nagulat ako, first time ko sila nakitang mag away. Nagsasagutan, hanggang sa minsan nagwwalk out pa tong si Mark or minsan si Shane.

Nagulat ako na ganun pala sila mag away. Never ko naimagine yun.

Yung unang beses na nakita namin yun, ikinagulat ko... hanggang sa every week na naming nasusubaybayan ang pag aaway nila. At parang pati kami ay nasasanay na. Minsan ang nagiging role na lang namin ni Dom e gawing balanse ang lahat.

Dahil linggo linggo kami magkakasama, naging close talaga kaming apat. Ako pag nakikita kong nasasaktan na si Shane, kinokompronta ko na minsan si Mark. Pinagsasabihan ko sya, and ang nakakatuwa naman sa lokong to, hindi naman nya minamasama kapag pinagsasabihan ko sya. Kasi alam nyang para din naman sa kanila ni Shane yun.

Isang araw. Nakita ko si Mark sa labas ng bahay sakay ng kotse nya. Nagulat ako kasi Myerkules pa lang, sanay kasi ako sa schedule namin na tuwing sabado lang nagpapangita.

Nagpunta sya para maghinga ng problema kay Dom (sabi kasi ni Dom, dito sa bahay sila magkita kaso biglaang di pala sya makakarating kaya pinapasok ko na lang din si Mark). At dun tinanong ko sya kung anong problema. Na kesyo napapagod na daw sya sa sitwasyon nila ni Shane pero mahal na mahal nya to. Meron din syang problema sa kanila sa bahay. Lahat ng nararamdaman nya ata inihinga nya saken. Nagulat ako actually kasi out of nowhere, bigla syang naging bukas na libro sa harap ko. Mula nung high school na mga kalokohan nya hanggang sa naging sila ni Shane, sinabi nya saken. Hirap na hirap lang daw yung kalooban nya at gusto nyang masabi lahat. Wala naman daw syang ibang mapagsabihan.

Habang naririnig ko yung mga kwento nya, non ko lang unti unting nakita at naunawaan yung pinanggagalingan nya sa tuwing nagtatalo sila ni Shane.

At naaappreciate ko naman yung pagtitiwala nya saken.

Nakinig lang ako sa kanya sa mga kwento nya, hanggang yung hapon ay inabot ng gabi at ang gabi ay inabot ng umaga. Nandun lang kami sa salas at nakailang chichirya din yung naubos namin. Yung gabi na puno ng kabigatan para sa kanya, nag end nung umaga na puro tawanan na lang kami. Nagumpisa ang usapan ng pag oopen nya saken, at sa haba ng oras na magkasama kami, pati buhay ko nakwento ko na din sa kanya.

Madaling araw na non, narealize naming masasayang bagay na lang yung mga kwentuhan namin at magaan na ang kalooban nya, nagpasalamat sya saken. Natuwa naman ako, gumaan daw ang loob nya. And ako din naman.

Mark's POV

There was a time na nagaway na naman kami ni Shane, this time kung ano anong accusations nya saken. Na kesyo baka daw nambababae ako, baka daw nagloloko ako o kung ano ano na wala namang basehan kundi yung pagiging overthinker nya. Sabay pa ng issue sa bahay dahil nga sa pag tigil ko bigla at pag shift to short term course. Nagalit ang parents ko dahil ang gulo gulo ko daw at mukhang walang direksyon ang buhay and as usual nakumpara na naman ako sa kuya na successful na. Nasasaktan ako at wala akong makausap, wala din naman akong masabing kaibigan dahil nga I only have Shane. Lahat ginive up ko na nung naging kami (pangarap, kaibigan, minsan pati pamilya)

Habang nagmamaneho ako, tinawagan ko si Dom para sana may makausap man lang o makainuman. He said na magkita kami kina Mich, but nung nakina Mich na ko, Dom texted na hindi pala sya makakapunta kasi may biglaan syang lakad. Aalis na sana ako kaso nakita na ko ni Mich. Pinapasok nya ko sa bahay at tinanong kung kamusta ako.

For a long time. Ngayon ko na lang narinig ulit yung salitang "kamusta?" At ang hirap pala nyang sagutin. Di ko alam kung san magsisimula, hindi ako okay at di ko alam kung kelan nagsimulang maging hindi okay. Basta ang bigat ng pakiramdam ko. At lahat ng nararamdaman ko, magaan ko lang nasabi kay Mich.

Yung mga bagay na sinasarili ko for years dahil wala akong kaibigan na mapagsabihan at hindi ko din maopen kay Shane. Nailabas ko na at nasabi kay Mich. Ang sarap sa pakiramdam. Yung paguusap namin, hindi na namin namalayan na umabot na ng ilang oras. Pati sya nagkwento na ng buhay nya pati ng mga heart aches nya. Ang bait nya pero ilang beses na syang sinaktan ng mga taong minahal nya or binigyang halaga. Actually, isa syang treasure. Napakasimple nya, napakadaling pasayahin. Kelangan mo lang syang mahalin ng totoo at ng tapat. May time pa ng gabing yun na napapaluha pa rin sya habang nagkukwento kasi naaalala nya pa din at napapatanong sya kung bat nya naranasan yung mga heart break na yun. Pero sa kanya na din nanggaling na may dahilan lahat ng pain at heartbreak kasi ngayon, bawing bawi lahat kasi masayang masaya sya kay Dom. Masaya ko para sa kanya and she truly deserves this happiness.

Dom is blessed to have her. At mapalad ako naging kaibigan ko sya.

Tayo / KayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon