Part 3 - Tayo.

5 0 0
                                    

Shane's POV

After graduation. Unti unti ko na syang hinahanap hanap. Yun ba namang araw araw may bumibwiset sayo sa school tapos biglang nawala at di mo na nga naman pwedeng balikan ang time na yun kasi wala na e. Graduate ka na. Wala kang ibang choice kundi mag move forward sa buhay. Minsan napapaisip ako, tama nga ba na tinaray tarayan ko lang sya?

Habang bakasyon, nagstart naman syang mangulit sa text, at unti unti ay naappreciate ko yun. Pero still, di nya alam na naaappreciate ko yun kasi mataray pa rin naman akong nagrereply. Ang pinagkaiba lang e yun nga, nagrereply na ko. Dati kasi e hindi. Before ayaw ko magload kasi sayang ang pera, ngayon di na din ako nauubusan ng load.

Nagstart na din syang tumawag tuwing gabi. Kahit pagtataray lang naman ang majority sa ginagawa ko habang kausap sya e mukha naman syang masaya. At ako din naman honestly napapasaya nya ko.

Medyo patago pa yung pagtetext kasi bawal nga. Yung pagtawag nya isasakto pa namin na gabi, na tulog na sa bahay para di ako marinig.

Hanggang sa nag enrol na ko, lumuwas na ko ng Manila. Nagulat ako pagpunta ko sa School, kasi nandun sya. Dun din pala sya mag aaral.

Unti unti natutuwa na ako sa mga effort nya. Nasasanay na ko na andyan sya. Unti unti nagiging masaya na ako. Saya na hindi ko pa nararamdaman noon. Ganito pala ang pakiramdam ng may taong nag eeffort para sayo at di ka sinusukuan.

Nag enrol ako at kinuha ko yung business management na course.

Sya naman nag engineering.

Mark's POV

Nung nagbakasyon na, ang hirap na di ko na sya nakikita lagi. Biruin mo yung from 5 days a week nakikita mo sya to 0. Nakakalungkot. Mis na mis ko na sya. Mis ko na din ang katarayan nya. Nagtataka nga ako na nung sa text naman ako nangulit e nagrereply na sya, dati naman e hindi. Pati pagtawag ko e sinasagot nya na din at nakikipagpuyatan din ng pakikipagusap saken. Yun nga lang, halos katarayan lang naman nya ang naririnig ko. Hahahaha pero ayos lang. Si Shane naman yan e. ❤

Hanggang sa oras na para mag enrol, actually hindi ko gusto mag engineering. Gusto ko mag automotive pero wala dun sa School na papasukan nya kaya nag change ako ng course. Napagalitan nga ako sa bahay kasi alam naman nila simula pa lang na mag aautomotive ako pero bigla akong nagenrol sa engineering. Ewan ko ba kung anong nangyare saken na ulti mong pangarap ko nagawa ko agad iset aside para lang mapursue ko sya, para mapursue ko yung isang bagay na walang kasiguraduhan. Ganito ata talaga kapag nagmamahal ka na. Magiging maliit na bagay na lang para sayo ang pagsasakripisyo basta makasama mo ang taong mahal mo.

Shane's POV

Naguusap kami regular. Sanay na kong magkwento sa kanya. At ganun din sya saken. Pero madami pa ring pagkakataon na tinatarayan ko talaga sya e. Sabi naman nya, wala daw yun sa kanya at kayang kaya nya daw akong ihandle. Saka para sakin, way ko na din to para talagang subukan sya kung talaga nga bang kakayanin nya kong suyuin kahit ganito ako sa kanya.

Tuloy tuloy lang, di ko na namalayan na nakaisang taon na pala syang nanliligaw. Hanggang sa nung mismong birthday nya, year 2010 sinagot ko na sya.

Mark's POV

Pag kasama ko sya hindi ko namamalayan ang oras. At nung nagsimula na kaming magcollege, halos araw araw kasama ko sya. Sinusundo tuwing uwian nya na. Kahit tanghali pa lang tapos na ang klase ko at sya ay matatapos ng 7pm, iintayin ko sya sa gym para lang sure na maiihatid ko sya.

Mabilis na lang dumaan ang mga buwan. Isang taon na pala kong nanliligaw sa kanya, lahat na ata ng toyo nya sa sarili napakita nya na saken at tinanggap ko naman kahit gano pa sya katoyo. 🤣 Pero syempre meron ding pagkakataon na pakiramdam ko wala ng pagasa. Feeling ko sanay lang sya na andyan ako lagi para sa kanya pero di ko pa rin alam kung mahal nya na din nga ba ako, kaya binalak ko syang kausapin nung birthday ko. Itatanong ko kung may pagasa ba. Kasi kung wala, maguumpisa na kong dumistansya sa kanya. Kasi nakakatakot na din na ang laki na ng iniinvest kong pagmamahal. Natatakot ako na baka maubusan na ko para sa sarili ko, dahil sa kabibigay ng lahat ng pagmamahal sa kanya.

Wala na nga akong iniexpect nung tinanong ko sya nung birthday ko. Naiisip ko din kasi na baka ireject nya lang ulit ako gaya ng dati, kaya laking gulat ko talaga sa sagot nya nung tinanong ko sya nung birthday ko. Sinabi nyang ayaw nya na nga akong paasahin pa, kasi sinasagot nya na ko. ❤

At yun na ata ang isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Tayo / KayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon