"Zaf?" tawag ni Belle

Hindi ko siya sinagot.

"Zaf? Hindi ka pa ba lalabas? Mag-iisang taon na ang nakalilipas Zaf. Lahat ng nasa Elemental World nakamove-on na. Ayos na ulit sila ikaw na lang ang hindi pa rin."

"Kung yan pa rin ang sasabihin mo Belle mabuti pa lumabas ka na lang." Malamig kong sabi.

Totoo naman ehh. Lgi nilang sinasabi na dapat daw magmove-on na ko. Ayos na daw ang elemental world. Dapat daw maging masigla ako kasi prinsesa ako. Nakakainis na!

"Kaarawan mo nga pala ngayon. Hihintayin ka ng madaming wizards mamaya. Sana pumunta ka. Pupunta din dito ang maag-aayos sa'yo. Tsaka alam kong dapat hindi ako nagkukwento sa'yo ngayon pero ayos na si Jennicah at Flint. Nagkakamabutihan na sila at kami naman ni Greg. Niyaya na niya akong magpakasal at siyempre umoo ako. Pagpapaalam na lang sa mga magulang ko ang kulang."

Wala pa rin akong sinabi. Ni hindi ko nga maalala na kaarawan ko pala ngayon. Mabuti pa sila, kasama ng mga mahal nila sa buhay. Ako, wala. Pero masaya ako para sa kanila. Na nahanap na rin nila ang mga wizards na para sa kanila.

"*sigh* Mukhang wala ka talagang sasabihin. Sige! Sana lumabas ka man lang mamayang gabi."

[play the video sa right di ko alam kung bagay yan ehh kaya pagtiyagaan niyo na lang :D]

Bago maggabi dumating na ang mag-aayos sa akin. Kahit walang kasiguraduhan na lalabas ako.

Pagkatapos nila akong bihisan ay lumabas na sila.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Kahit maghintay pa sila hindi ako pupunta.

Nang marami ng tao naisipan kong lumabas ng kwarto ko. Hindi para makipagsaya sa kanila may pupuntahan lang ako.

Pumunta ako sa sikretong daan na tinuro sa akin ni lolo. Yung papunta sa isang hardin na maraming mga dragon, ang Wizards Paradise. Kung saan ko nakita si Sapphire.

Nang makarating ako doon ay umupo ako dun sa pinakagitna. Dun sa may ibaba ng puno.

Anong ginagawa mo dito mahal na prinsesa?

"Ahh!!Ikaw lang pala Sapphire! Wag mo nga akong gulatin." Sabi ko habang hawak ang dibdib ko.

Bakit ang lungkot mo mahal na prinsesa?

Nginitian ko lang siya. Antagal din naming hindi nagkita.

"Wala lang 'to. Namiss kita! Ngayon na lang ulit tayo nagkita."

Ikaw, ngayon mo lang ako nakita pero ako, lagi kitang nakikita.

"Oo nga pala. Makapangyarihan kayong mga dragon."

Mauna na ako mahal na prinsesa. makikihalubilo muna ako sa kanila. Ikaw? Diba kaarawan mo ngayon? bakit ayaw mong pumunta sa palasyo?

"Ayoko. Sige na makisama ka na sa mga kapwa mo dragon."

Ayoko pa sana siyang paalisin kaso chismosa pala yung si Sapphire.

Naaalala ko na naman tuloy si Aiden. Hay Aiden.

Alam mo Aiden nakakainis ka! Hindi man lang tayo nakapag-usap ng ayos bago ka nawala. Sabi ko naman kasi sa'yo wag kang bibitaw eh!

Huh? nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata ko.

"Bwisit ka Aiden!" Sigaw ko. Wala na kong pakialam sa mga dragon na nasa paligid ko. Gusto kong maglabas ng sama ng loob kaya ako nandito.

Tumayo ako at sumigaw ng malakas

"Bakit mo ko iniwan?! Diba walang iwanan? Kung kelan alam mo na ang totoo."

Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko.

"Bakit ka kasi bumitiw dapat tiniis mo muna. Alam mo namang ililigtas pa kita eh." Napahagulgol na ako at napaupo sa lupa habang nakayuko at nakayakap sa dalawang tuhod ko.

"BAKIT MO KO INIWAN AIDEN?!"

Iyak pa rin ako ng iyak. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"HINDING-HINDI KITA IIWAN... ZAFIRA."

Ang boses na 'to hindi ako pwedeng magkamali

"A-aiden"

"Aiden"

"AIDEN!"

Humarap ako sa kanya at niyakap siya pabalik. Hindi ko na napigilang umiyak pa ng malakas. Nasa harap ko siya ngayon. Nasa harap ko ngayon ang lalaking pinakamamahal ko.

"Hush, now. Sabi ko ayoko kitang makitang umiiyak diba?"

"P--pero hindi ko mapigilan *sob* eh"

Humiwalay siya ng yakap. Wag! Ayoko pa! Feeling ko kapag humiwalay siya ng yakap sakin mawawala ulit siya.

"Wag kang mag-alala. Hindi na kita iiwan. Hindi na ako mawawala."

Umupo siya sa tabi ko.

"P..Pano? D..diba p...patay--"

"Oo, patay na ko. Pero nabuhay ulit ako. Hindi bilang tao o isang wizard. Kundi isang bampira."

"B-bampira?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo, dapat susunugin na nila ang katawan ko nung nalaman nilang patay na ako. Pero biglang dumating ang mga bampira at sinabing mabubuhay pa daw ako kung magiging isa ako sa kanila. At dahil ayaw pa akong mamatay ng mga magulang ko. Nagpagawa sila ng artificial na bangkay kaya yun ang nasunog. Walang nakakaalam na iba kungdi ang mga magulang ko lang at ang mga bampira."

Niyakap ko ulit siya at umiyak

"H..hindi *sob* ako makapaniwala*sob*na nasa tabi na*sob* kita ngayon."

"Tahan na. Hindi na nga ako aalis ohh."

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang kanang kamay niya at pinunasan ang luha ko.

"Let's sealed it with a kiss?" tanong niya.

"Huh? K-kiss?" Namula naman ako bigla dahil dun.

"Yeah, my promise."

Unti-unti niyang nilapait ang mukha niya sakin and we kissed passionately under the light of the moon.

Storya ko ba talaga 'to? I've never expected that this will be the end. Akala ko wala na talaga siya pero eto siya ngayon sa harap ko sealing his promise with a kiss.

Simula ng pumasok ako sa wizards academy andami ng nagbago. Lalo na nung nalaman nila na ako pala ang nawawala nilang prinsesa. Grabe lang.. Akala ko din wala akong magiging kaibigan pero meron pala. At higit sa lahat nakilala ko pa si Aiden.

Siguro tadhana na nga ang nagdala sa akin sa school na yun. Simula pa lang sa Enrollment paper na nakakapagtaka. Pero masaya ko sa kinalabasahan ng storya na 'to. Na nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Na kasama ko si Aiden kahit andami ng pagsubok na dumating.

So I guess this will be the real end.. Good bye everyone!!

*sarado ng kurtina*

*****THE END*****

Follow me pleaseee kailangan ko ng kausap 😂
Twitter: ariathatsme_wp
Instagram:ariathatsme
Add me on facebook: Ariathatsme WP

Read the author's note after :)

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن