C H A P T E R T W E N T Y - S I X

118 5 4
                                    

Tangina.

Napaupo ka sa harap ni Julian at pinagmasdan ang mga sugat at pasa sa mukha nya. Nung kumalma na si Vicente, tinulungan ka nina Joven at Remy na patayuin si Julian at pinasok sa bahay. Magkaharap na nakaupo si Julian at Vicente sa dining table. Nilapag mo ang maliit na palanggana na may tubig at face towel, at sinimulan mong linisin ang mukha ni Julian. Tangina, kahit na bugbog sarado na 'tong gagong 'to, ang gwapo pa rin.

"So, paano na 'to?" ang tanong ni Remy sa'yo. Binuksan mo ang bibig mo para sumagot, pero naunahan ka ni Julian. "Remy, na-"

"Manahimik ka muna. Pinsan ko yung tinatanong ko, Julian." Ouch. Muli kang tinignan ni Remy at pinagtaasan ka ng kilay. "Remy, napagusapan na namin ni Julian na bigyan namin ng isang pagkakataon yung relasyon namin." Narining mo sina Vicente at Feli na nagbuntong hininga. Alam mo naman na hindi na sila sang-ayon kay Julian at sa relasyon nyo. Hindi mo sila masisisi kasi sila yung mas nasaktan kahit na ikaw yung may direct hit sa puso.

"Ayoko. Tama na 'yan. Putangina, binigyan mo pa talaga ng isang pagkakataon na saktan ka ng gagong 'to? Mag-isip isip ka naman!" Sigaw ni Vicente. Bilang kuya nga naman ng grupo, naramdaman nya na responsibilidad n'yang protektahan ang bawat isa. Halos mangiyak iyak ka na sa mga pangyayari. Napayuko ka na lang at napa-isip. Paano kung susundin mo ulit yung puso ko? Paano kung masasaktan ka na naman, at baka mas masakit pa yun sa sakit na naramdaman mo nung mga nakaraang araw?

Paano naman kung susundin mo ang mga sinasabi ng mga kaibigan mo? Safe ka nga sa mga heartbreak na posibleng mangyari, pero hindi ka naman masaya? 'Di ba nga, mas piliin mong maging masaya sa buhay? 'Di ba ganon 'yon?

Inangat mo at ulo mo, at pinagmasdan mo ulit ang mukha ni Julian, ang mga mata nya. Mahal kita, ang sabi ng mga mata n'ya, hinding hindi na kita sasaktan ulit, pangako. Napatingin ka sa kuya Vicente mo. "Kuya," ang sabi mo, "mahal na mahal ko pa eh. Gusto kong subukan ulit, kahit na hindi naman agad agad."

"Sigurado ka ba?" tanong ni Remy. "Ayokong masaktan ka ulit, please." Puso ko ang susundin ko, kahit na nasaktan 'to ng sobra, pero pipiliin kong masaya kesa sa ligtas. Sa titig mo pa lang sa pinsa mo, alam na alam na agad ni Remy ang sagot mo. Tinanggap na din nina Feli at Vicente ang desisyon mo. Alam mong hindi sila masaya. Pero baka magiging masaya din sila ulit kapag makita nila na mahal na mahal ako ni Julian...

Na hindi na ako masasaktan ulit... 'Di ba?

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now