C H A P T E R T W E N T Y - T W O

85 6 0
                                    

Lumabas na lahat ng kaklase mo, at pinanood mo sila habang nagkakandarapa silang lumabas. Dapat nga naman pag-usapan n'yo ni Julian 'to, pero hindi mo matatago na parang nadidismaya ka na sa lahat. Pinakaayaw mo sa lahat ay 'yong ginagago ka na, at 'yon pa talaga ginawa n'ya.

Gusto mong sabihin sa kanya na ayaw mo na, na sinira n'ya 'yong tiwalang binigay mo sa kanya. Alam mo naman na mas maganda 'yon, mas malumanay, mas sweet... siguro. Alam mo na mas lamang si Lory, pero nung pinili ka ni Julian, pinagkatiwalaan mo s'ya.

Siguro, na-push lang naman si Julian na magkagusto na din sa'yo pagkatapos ng gabing 'yon. Pumatak ang mga luha mo, at agad mo itong pinunasan. Kailangan kong makausap si Goyo.

Agad kang lumabas ng kwarto, at inilabas ang cellphone mo. Agad mong dinial yung number ni Goyo, at agad din n'yang sinagot.

"Ba't ka napatawag?" ang bungad n'ya. At bago ka pa nakasagot, napaiyak ka na. "Tungkol ba kay Kuya? Sinabi n'ya na din..."

"Goyo," humihikbi ka na sa telepono, at nakikinig lang s'ya, "baka nga naman di n'ya talaga ako mahal. Baka... baka pinili n'ya lang ako dahil nalaman n'yang matagal ko na s'yang mahal."

"Paano mo naman 'yan nasabi? Eh halos wala na nga 'yang bukambibig kundi ikaw."

"Hindi... hindi eh. Kung gan'on nga, paano n'yang nagawa na lokohin ako? Kung sinabi n'ya agad sa'kin na ayaw n'ya na bago pa s'ya nakipaglandian kay Lory, hahayaan ko s'ya. Ang sakit sakit, Goyo... Ang sakit sakit..."

~~~

Pinatahan ka na ni Goyo, at natapos din ang tawag. "Narinig mo 'yon, Kuya? Ang bobo mo kasi eh."

Pinuntahan agad ni Goyo ang kuya n'ya pagkatapos n'yang malaman ang kagaguhang ginawa n'ya. "Ano ba pumasok sa kokote mo?"

Hindi nakapagsalita si Julian, nakatulala lang sa sahig. "Kuya, paano mo na 'to maaayos?"

"Hindi ko din alam, Goyo. Kasalanan ko 'to lahat. Hindi ko alam eh, parang nagkaroon ng spark ulit sa'min ni Lory. Alam kong mali, pero baka nga... baka nga yung pag-ibig na inilaan ko kay Lory ay yung pag-ibig na ipinapadama ko sa kanya. Alam mo 'yon?" paliwanag ni Julian.

"So, parang minahal mo lang s'ya... dahil alam mong mahal ka n'ya?" huminga ng malalim si Goyo. "Alam mo kuya, parang naging ate ko na din yan eh, at kung hindi lang kita kuya, siguro binugbog na kita. Nasasaktan ako para sa kanya, Kuya."

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now