C H A P T E R T H I R T E E N

116 3 2
                                    

"Gagraduate ka na talaga."

Napatigil si Remedios sa pagligpit ng mga gamit n'ya sa dorm n'yo, at tumingin sa malungkot mong mukha. Sa totoo, natatakot ka kung ano ang mangyayari kapag wala na sila. Napangiti sa'yo si Remedios.

"Gusto mo bang 'di ako gumraduate?" pabiro n'yang tanong sa'yo. "Syempre, hindi noh."

"'Wag ka nang malungkot. Ano ka ba? Makakasama mo naman si Joven kahit wala na kami dito, at magkikita-kita pa naman tayo. Sama mo na rin si Julian kasi naging parte naman s'ya sang 'pamilya' natin."

"Mamimiss kita dito sa kwarto, Remy. Wala na 'kong makausap kapag stressed na 'ko sa school." ang sabi mo habang niyayakap mo s'ya.

"Oh, eh anong silbi ni Julian? S'ya kausapin mo." Sagot n'ya sa'yo habang tumatawa. "Parang ewan ka eh noh?"

"Hindi naman kasi ako nasanay na sa kanya ako nagrarant." Napahiga ka sa kama mo. "Eh 'di sanayin mo sarili mo."

Narinig mo yung pag-zip ng zipper, at naramdaman mong humiga sa tabi mo si Remy. "Alam mo, pinagkakatiwalaan na namin 'yang si Julian na s'ya na ang magiging kasama mo hanggang sa pag-graduate n'yo. Magaan din naman ang loob namin sa kanya, pero minsan nagseselos din kasi noon, kami lang yung nagbebaby sa'yo dito, lalo na yung kuya Enteng mo!"

Tumawa ka nang malakas at hinampas si Remy. "ARAY! Ansaket non ha!" sigaw n'ya. Biglang nawala ang pagtawa n'yong dalawa.

"Pero, totoo nga 'insan. Mamimiss ka rin naman namin eh..."

And that's the moment you cried.

~~~

Julian waved goodbye after he dropped you off sa dorm mo. He kept on looking back and waving, and you'd giggle at his actions. When he was completely out of sight, you went into your room, and just stood at the doorway.

Hindi pa naman umalis si Remy, pero parang wala na s'ya. Siguro dahil niligpit na n'ya yung mga gamit n'ya.

Napaupo ka sa kama mo, at may kinuha ka sa bed side drawer mo.

Isang kwaderno lang naman, simple ang disenyo, pero niluma na nang panahon. Dito mo kasi pinepress yung mga bulaklak na binibigay sa'yo ni Julian sa bawat araw na sinusundo ka n'ya sa huling klase mo. Lahat ng bulaklak na pinipitas n'ya, tinatago mo. Just a proof of how much he really puts effort in winning you.

And he still does it until now.

Nilagay mo yung gumamelang pula sa pinakahuling pahina ng kwaderno, nilagyan ng tape, at isinara ang kwaderno.

"I need to buy a new one tomorrow."

~~~

Valentine's day. Almost every couple has a plan made on this special day.

And Julian has one.

Pagkatapos ng klase mo, hindi mo s'ya nakita sa labas ng kwarto n'yo. You pulled out your phone, and typed a message.

To: JDP

Lauv, nasan ka???

You tapped the send button, and continued to walk down the hallway. Julian never missed a day. That's just unlike him. You sighed and made your way out of the building.

Parang nanakit ang mata at tenga mo sa dami ng rosas, teddy bears, at chocolates na hawak hawak ng mga lalake, o ng mga babae, mga masasayang ngiti na nasa kanilang mga mukha, mga sigaw ng kilig, at mga "I love you" na naririnig mo sa paligid.

"Nasa'n na kaya yun?" tanong mo sa sarili. Tumunog ang iyong cellphone, at agad agad mo itong hinablot mula sa bulsa mo. Napangiti ka nung nakita mo yung caller ID ng tumatawag sa'yo. Agad mo itong sinagot.

"Hello, babe!"

"Lauv, I'm so sorry! Ang daming solvings na pinapagawa sa'min ni sir, 'di kita mahahatid." Agad n'yang sinabi. You sighed, and tapped your foot on the pavement. "Sige lang babe, I'll ask Joven na lang."

"I'm so sorry talaga! Babawi ako sa'yo bukas, I swear." Napangiti ka na lang, at sinabing okay lang talaga. Pero sa totoo, hindi. The call ended, and you began to walk alone. You didn't dare to disturb Joven. There is a huge chance na nagvivideo call na sila ng kuya Enteng.

Pumasok ka na ng gate ng dorm mo, at ang una mong napansin ay yung landlady mong nakangiti habang dinidiligan yung mga bulaklak sa munting hardin n'ya. Binati mo s'ya, at sinabihan ka n'yang pumasok na sa loob.

"Ang weird ni tita." pabulong mong sinabi sa sarili mo.

Pangalawa, ngayon lang nakasarado yung pinto ng mismong bahay. Hindi kasi sinasarado yung pinto kasi ang hassle naman sa borders.

"Something's up."

Dahan dahang mong binuksan yung pinto, at nagulat ka sa nakita mo.

A finely set dinner in the dining area, lots of candles around the area, and a song played as soon as you stepped inside.

Napaluha ka nung nakita mo yung get up sa dining area, and then you recognized the song that was playing.

"Sa'n darating ang mga salita~"

Napatingin ka sa kwarto mo, at lumabas si Julian na may dalang isang bouquet nga rosas.

"Na nanggagaling sa ating dalawa
Kung lumisan ka, 'wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang 'di makawala~"

Julian walked towards you, giving you the bouquet. He grabbed your other hand, and placed it on his shoulder, and his other hand rested on your waist. The two of you swayed on the chorus of the song, and he said, "Sabi sa'yo eh, roses na yung matatanggap mo sa sunod. Today is that day."

Napangiti ka sa sinabi n'ya, at patuloy kayong sumasayaw sa kanta.

And then he sang along on that one line. The line you treasured since that very day.

"Mundo'y magiging ikaw~"

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now