C H A P T E R F O U R

246 9 0
                                    

They won 2nd place sa competition, and it was good enough for them.

At hindi kayo nagkita ni Julian. You figured na siguro ngayong araw din yung date nila ni Lory. Mag-isa na naman.

May klase pa naman ngayon sina ate Feli at Remy. Mga graduating na kasi, busy na bigla. Bigla mong natandaan si kuya Enteng, at tinawagan mo ito.

"Hi bunso!" he greeted. "Hi kuya! Busy kayo ni Joven?"

"Ay, hindi naman. Nandito kami sa cafeteria."

Sakto, nagugutom na din ako.

"Susunod ako 'dyan!" you said, now walking faster. "Wala kang kasama? Nasaan si Julian?"

"Biglang naging busy." sagot mo. Papasok ka na ng cafeteria at nakita mo sila agad. Bigla kang umupo sa tabi ni Joven. "Oh,andito na pala s'ya, Vicente."

"Bunso! Paano s'ya naing busy?" ang tanong agad ni Vicente.

"May nililigawan."

Muntik nang ibuga ni Joven ang iniinom n'yang iced tea sa mukha ni Vicente, pero nilunok n'ya na lang ito. "Talaga?" Tanong ni Joven. You nodded as a reply. "So dakilang best friend ka na lang ngayon?"

"Oo."

"Eh, 'di ba crush mo yun?" tanong ni Vicente. Halatang medyo naiinis s'ya. "Ayokong masaktan ka, o kaya'y malungkot. Ganon kita ka mahal."

Minsan pakiramdam mo parang parents mo na rin 'tong sina Joven at Kuya Enteng. "Kuya, wag kang mainis. Okay lang sa'kin, noh. Besides, happiness n'ya yun." you said, your voice trailing off at the end of your statement. Vicente sighed. "Para sumaya ka, libre ko lunch mo."

~~~

Kakatapos lang ng last period mo, at inayos mo na ang iyongmga gamit. You sighed, remembering na hindi mo pala kasama uuwi si Julian. Bumaba ka na ng building at nakita mong nakaabang sina Joven at Vicente sa baba. You smiled at them. "Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong mo habang niyayakap mo sila. "Naisipan namin na ihatid ka namin sa dorm mo. Alam kasi namin na hindi ka na masasamahan ni Julian." Sabi ni Joven.

Same age lang kayo ni Joven. S'ya yung moral compass ng barkada n'yo, yung inosenteng inosente, pero nagugulat na lang kayo may nalalaman s'yang mga bagay nga hindi nyo ineexpect na alam din n'ya.

Nasa gitna ka ng dalawa habang naglalakad kayo pauwi, nagkekwentuhan kung anong nangyari sa araw n'yo. Iba din yung saya na nararamdaman mo 'pag silang dalawa yung kasama mo.

"Alam n'yo, malapit na talaga yung time na tatawagin ko kayong dalawa na nanay at tatay. Ang cute n'yo eh!" You said, while resting your head on Vicente's shoulder while walking. Joven blushed at the thought of that, and Vicente laughed softly. "Hanep ka din ano, bunso."

Pagdating sa gate ng dorm mo, sakto ding lumabas si Remy. "OH MY GAD! JOVEN! VICENTE!" pinapasok n'ya kayong tatlo sa dorm, at nag-usap. Parang ilang taong 'di nagkita, eh, nung weekend lang naman sila hindi nangkita. 'Di nagtagal ay dumating na din si Feli, at kumpleto na ang barkada.

~~~

"Eh yun nga. Parang itatapon na namin si ser sa bintana. Ang hirap hirap ng research."

"Hay nako, Feli. Matatapos din 'yan. Konting konti na lang, graduate na tayo!"

Nakikinig lang kayo ni Joven sa mga rants ng mga senior n'yo. "Ang bilis ng panahon, noh?" Joven said softly, looking at you. "Oo nga eh. Soon iiwan na ako dito ni Remy sa dorm. Ako na lang mag-isa."

"Ako nga din eh. Iiwan na din ako ni Enteng after ng graduation." He said sadly. Vicente looked over his shoulder and saw the sad look on Joven's face. "Oh, mahal? Iniisip mo naman ba 'yon?" Joven just looked at him. Vicente smiled at the boy and pulled him into a hug.

"Alam mo namang para sa atin 'tong gagawin ko, 'di ba?"

"Alam ko."

"Oh? 'Wag ka nang malungkot, mahal. Sa susunod, ikaw na naman ang gagraduate, tapos magkakasamana tayo ulit."

Joven sighed as Vicente kissed his forehead. Remy then cleared her throat. "'Wag masyadong sweet, Enteng. May sawi tayong kasama dito."

And the topic is you now.

"Nagkita ba kayo today?"

"Ay, nakita ko sila doon sa coffee shop. Nagdate nga talaga sila."

"Oh, ayan na Bunso. Tama na 'yan. Nakita na nga sila ni Feli. Ayaw namin na masaktan ka."

At sa totoo ay nasasaktan ka talaga.

"SIge. Tama na. Let go ko na yung nararamdaman ko sa kanya."

Akala mo naman kasi may chance. Akala mo talaga.

"Ayos lang yan, 'insan. Mas mabuti nga na nagdecide ka na. Andito lang naman kami 'pag kailangan mo ng kasama."

Tama na.


Tama na.

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora