Story 8

18 0 0
                                    

"I really love him DJ. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyan siyang nawala sakin." hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ang linya na yan mula pa noon. Ilang lalaki na nga ba ang minahal at iniyakan mo?

I am DJ, a bar owner slash personal bartender ni Kath.

Isa siya sa pinakamakulit na customer na naencounter ko. Nakuha ba namang iyakan ako dahil sa breakup nila ng boyfriend niya that time who happened to be a regular customer sa bar ko.

Ilang taon na nga ba mula nang una ko siyang samahan umiyak?

Six? Seven years? Hindi ko na mabilang. Pati ang mga lalaking iniyakan niya hindi ko na rin matandaan ang mga pangalan. Pero ang tumatak sakin sa mga nakalipas na taon, yung sakit sa mga mata niya kapag iniiwan siya ng mga lalaking minahal niya; yung hagulgol niya na parang namatayan; at yung sakit at kirot sa dibdib ko dahil nasasaktan na naman siya.

Yes, I admit, I am in love with Kath. Who wouldn't be? I saw how she loved her exes. I saw how much effort she gave in each and every relationship she had. I saw how pure her heart is and how beautiful she turned out after each heakbreak.

Yes, I'm one of those people who fell in love with their best friends. Pero hindi ko naman to ginusto, lalong hindi ko to pinili. I tried to date and love other girls but at the end of the day I know where my heart is.

Kahit na ibang lalaki na naman ang iniiyakan niya, kahit na hindi niya pansing mahal ko siya at kahit na nasasaktan na ko ng sobra, hindi ko pa rin magawang tumingin sa iba. Kaya ko naman, I had my fair share of relationships in the past but those are just my futile attempts of moving on.

Pero sabi nga nila, mas mahirap mag move on sa isang bagay na hindi naman talaga nangyari, mahirap ilet go yung tao na never namang naging sayo.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukan magtapat sa kanya pero sa bawat subok ko, nangingibabaw ung takot na baka magalit siya sakin, baka iwan niya ko.

Friendzoned na kung friendzoned pero mas pipiliin ko ng ilang libong ulit ang maging kaibigan lang niya kaysa layuan niya ko. Hindi ko kaya. Iniisip ko palang hindi na ako makahinga.

"Kath please tumigil ka na sa kakaiyak. Kapag hindi ka tumigil ipapagulpi ko talaga sa bouncer si James sa susunod na tumapak siya sa bar ko."

Andito naman kasi ako, mahal kita. Bakit kasi hindi nalang ako.

"DJ sa tingin mo ba may magmamahal pa sakin? Kahit na hindi na ko virgin? Kahit na pinagsawaan na ko ng ibang lalaki" malungkot na tanong niya.

"Kath kung hindi tanggap ng ibang lalaki dahil hindi ka na virgin, that's a sign that they're not really the one for you. Your worth is not defined by your hymen and definitely not by your past. Kahit anong mangyari, hindi na ko papayag na mapunta ka sa maling lalaki." 

"Thanks for always being here for me. For putting up with all my dramas and for being a very good best friend"

Bestfriend na naman.

Kelan ko ba matatanggap na hanggang bestfriend lang ang tingin niya sakin?

Hanggang kelan ba ko aasa na mamahalin niya rin ako sa paraang gusto ko. Sa paraang mahal ko siya.

"Basta Kath tigilan mo na si James ha? Ikakasal na siya."

Hanggang ngayon gigil pa rin ako nang nalaman ko na naghahanda na palang magpakasal sa iba ang James na iyon nagawa pang pumasok sa relasyon.

"Nanahimik lang naman kasi ako dito tapos guguluhin niya yung puso ko para saan? Libangan niya habang naghahanda silang pakasal ng fiancee niya? Tumutol kaya ako sa kasal nila?"

"Kath, he's not worth it."

"DJ malapit na ko mag thirty, wala pa rin akong asawa. Paano na ko nito? Ayokong tumanda mag-isa."

"You will never be alone Kath, nandito ako diba? I will always be here. I promise."

"Imposible yan DJ. Hindi ka habang buhay nasa tabi ko, paano kapag nag asawa ka na? Paano na ko?"

"Akong bahala ha? Basta maniwala ka sakin. You will always be my priority kahit pa mag-asawa na ko."

Dahil hindi ako mag-aasawa kung hindi rin lang ikaw. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa makita mo na ang lalaking magmamahal sayo nang higit sa pagmamahal ko.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw ang minahal ko?

Natawa ako sa tanong niya.

"Actually nagtataka rin ako eh, higit na mas guwapo naman ako sa mga naging ex mo. Sa kahit anong anggulo mo tingnan, you have the best man by your side over the years pero may magagawa ba ko kung sobrang sama ng taste mo?"

Hinampas niya ko at tumawa lang siya. Masaya na ko na kahit kaunti napapatawa ko siya.

"Malapit na ko magthirty natatandaan mo ba ung sinabi mo dati?"

"alin don?"

"Na kapag wala akong matinong boyfriend kapag thirty na ko pakakasalan mo ko?"

Oo nga pala pinangako ko yun sa kanya, nung mga panahong umiiyak siya dahil pakiramdam niya tatanda siyang dalaga.

Kahit ngayon na Kath, sa kahit saang huwes at simbahan. Sabihin mo lang.

"Seryoso ako Kath, kapag pakiramdam mo mag-isa ka lang tumingin ka lang lagi sa tabi mo, nandito lang ako."

Isang sabi mo lang susunod ako, isang salita mo lang gagawin ko agad. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yup or NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon