STORY 7

12 0 0
                                    

I'll be waiting for you in the future...

These words keep running in my mind as I saw a picture of a woman and her man kissing her forehead beneath the sunset. Matagal nang nasa ang larawang ito sa akin pero hindi ko alam kung kalian at saan ko ito nakuha. Ang alam ko lang isang araw nagising nalang akong hawak ito. Pamilyar din ang babae sa larawan, para bang nakita ko na siya subalit dahil na rin sa kalumaan, pagkakaharang ng lalaki malabong malaman ko pa iyon at silhouette lang talaga ang nakikita ko dahil sa papalubog ng araw.

Malamang napulot ko lang ito sa kung saan.

Binabagtas ko ang kahabaan ng isang mataong lugar nang may biglang dumaan na matanda mula sa kung saan, yung tipong parang horror movie na napapanood ko. Dapat talagang bawas bawasan ko na ang panonood ng mga ganoong klase ng pelikula. Binuksan ko ang pinto ng kotse upang makita ang kalagayan ng matandang babae. Halos di magkamayaw ang mga tao habang pinaliligiran nila ang babae. Nakahandusay sya habang sapo ng isang kamay ang kanyang ulo. Napag-isip-isip kong baka malala ang kondisyon ng ale pero hindi ko alam ang aking gagawin kung aalis ba ako o tutulungan siya. Isa pa marami ng tao at mahihirapan ako kung tatakas ako sa gulong ito hindi ko naman talaga kasalanan ang lahat, tumawid na lamang sya bigla kaya naman wala akong kasalanan.

"Umalis kayo rito, isa akong detective hindi kailangan ang mga taong nakikiusyoso rito." Ipinakita ko ang aking ID upang lumayo sila at lumikha ng mga bulong-bulungan ang ginawa kong aksyon. Sabi ko na nga ba dapat mas galingan ko pa ang pag-arte upang mapaniwala ang mga taong ito, mahirap na baka kuyugin ako at mapaaway ng wala sa oras.

Isa talaga akong detective mayroon akong hinahabol na mga kahinahinalang taong ineistimbigahan ko nang bigla sila makihalo sa gitna ng maraming tao at mula sa kung saan lumitaw ang matandang babaeng ito. Alam kong bawal galawin ang isang biktima mula sa isang aksidente subalit hindi ako pwedeng sumabit isang pagkakamali nalang at tuluyan na akong matatanggal sa serbisyo. Binuhat ko ang matanda at isinakay sa passengers seat, inilagay ang seatbeat at pinaandar ang sasakyan nang marahas subalit ng makalagpas na ako ay pinahaharurot koi to upang makapunta sa pinakamalapit na ospital. Nagulat na lamang ako nang hinawakan ng babae ang aking kamay at ibinigay ang isang kuwintas na may tila isang maliit na relong pendant lalo pa akong namangha ng wala na akong makitang sugat sa kanyang noo at wala na ring bakas ng dugo. Kinilabutan ako sa aking nasaksihan alam kong sa oras na iyon hindi ordinaryong tao ang aking kasama.

"Matagal ka na niyang hinihintay... Magmadali ka iho, baka hindi mo na siya maabutan pang buhay." Sa gulat ko sa mga sinabi niya pinaharurot ko nang sobrang bilis ang kotse at nang akala ko katapusan na ng aking buhay bigla na lamang nag-iba ang anyo ng lahat pati ang kotse ko what the... natahimik na lamang ako ng hindi kotse ang sinasakyan ko kundi isang ng mabilis na kabayo. Sinubukan kong pahintuin ito pero huli na ang lahat papunta na ang kabayong ito sa isang matarik na bangin at mukhang katapusan na ng buhay ko. Ako si Ace Fame Kambe Ibarra ay hindi pwedeng mamatay ng ganito, dahil hindi pwede... hindi ako pwedeng mawala lalo na sa lugar na ito.


>> Faded <<

Yup or NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon