Our little angel...







Our little angel...






Our little angel...





Our..







Our.








Fuck it!




____________




"What's your work po?"

Hindi naman ako nakibo dito at tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

Naisipan lang namin na tumuloy nasa Mall. Tutal yun naman talaga ang plano namin mula kanina pa. At simula din kanina hanggang ngayon, hindi na sila nauubusan ng mapag-uusapan. At magmula din kanina hanggang ngayon, ni hindi pa bumaba ang anak ko mula sa pagkakabuhat sa kanya ni Raven.

Close na agad sila sa lagat na 'to ah. Ibang klase.

Hindi pa namin nasasabi kay River ang totoong ugnayan nilang dalawa ni Raven. Mabuti na lang talaga at naiintindihan ako ng isa at hinayaan niya lang ako na ako na mismo ang magsabi sa bata.

"I'm a soldier kiddo." Nakangiting sagot naman ng isa.

Literal na napailing ako ng mabilis na nanlaki ang mata ng batang 'to. Nako talaga. Mukhang masamang idea na tinatanong niya ang tungkol sa trabaho nitong isa. Jusko.

"Wow! Weally po?"

Raven nodded at her, immediately. "Yes po baby." Agad naman akong napa-iwas ng tingin ng talagang nagawa niya pang sumulyap sa'kin.

May pasulyap-sulyap pa siyang nalalaman. Upakan ko siya ee. Hmp!


"I want to be a soldiew din po someday!"

Napaface palm na lang ako  pagkatapos kong marinig ang sinabi ng anak ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko ee. Nako talaga.

"Really? Gusto mo maging katulad ko?"

My daughter nodded at her. "Yes po." She paused and took a quick glance at me. "Actuawy po, I want to be a Wawyer someday like my mommy." Ito na, magsisimula na siya. "I want to be Endineer someday like my ninang Ody. And I want to be doctor someday like my ninang Nerva." Mahabang lintanya niya.


Grabe ang pagpipigil ko sa sarili ko ngayon wag lang mapatawa. Talaga kasing naka-awang na ang labi ni Raven na tila gulat na gulat dahil sa sinabi ng anak niya.

Sabi ko naman sa inyo ee. Masamang idea kapag trabaho mo na ang tinanong ng batang ito.

"Ahm." She cleared her throat. "Are you about that baby?" Gulat na tanong naman ng isa.

Mabilis namang tumango sa kanya si River. "Yes po. But now, I think I want to be a soldiew din po."


Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at malakas akong napatawa. Wala naman akong pakialam kung pinagtitinginan na ko ngayon. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako natatawa dito.

"Stop laughing Cristina." She whispered at me. "Wag mong hahayaan na makilala niya ang presidente natin. Baka bukas makalawa, presidente na pangarap nito."

Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya habang pigil pigil ang pagtawa.


Wala kong magagawa dyan. Basta kung anong pangarap niya, support ako.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now