Napaismid naman ako. Wow naman ah. Ang kapal naman ng pagmumukha niyang sabihin sa'kin yun. "Kapal mo. Akala mo naman ikaw maganda pa." Inirapan ko naman siya. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na ang ganda-ganda niya parin. Tss. "Hindi kana din maganda 'no." Pang-gagaya ko sa sinabi niya.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pag ngisi niya. Ngisi ngisi pa kala mo naman maganda siya. Ang sarap niyang umpugin ngayon. Nakakaurat siya.

"What's her surname Cristina?" At ngayon nga po, balik na kami sa seryosong usapan. Kahit papaano naman, nawala na din ang kabang nararamdaman ko kani-kanina lang.

I took a deep breath. "Stevens." Seryosong sagot ko.

She nodded slowly. "Gusto kong gamitin niya ang apelyido ko Cristina."

I gulped hard. "Tapos sa bandang huli, babawiin mo din?"

Isang nagtatakang tingin lang ang ginawa niya sa'kin dahilan para matutop ko ang bibig ko.

Mabilis akong nag-iwas sa kanya at lihim na minura ang sarili ko. Ano ba naman yan! Sa lahat ng sasabihin ko, yun pa talaga.

Parang ang dating tuloy nun, hindi pa ko nakamove-on sa kanya.

Medyo may pagka-assuming pa naman ang babaeng ito. Nakakaurat.

It took a minute to finally calm myself before I looked at her again. "Yeah, sure. Why not?"

She was just staring at me intently before she nodded slowly. "Tell me about her Cristina." He paused. "Lahat-lahat ng kailangan kong malaman."

Napakagat labi na lamang ako. Bakit ba lagi akong napupunta sa ganitong sitwasyon? Napahinga na lang ako ng malalim bago ituon ang pansin sa anak kong nakatingin sa amin ngayon. Hindi ko naman napigilan ang pag ngiti ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa'min ngayon habang kinakain ang pop corn na hawak niya. Para tuloy siyang nanonood ng sine.

Si kuya talaga ang dapat na sisihin dito ee. Siya talaga ang may pakana ng kalokohan na 'to. Bwisit talaga siya kahit kailan.

"Tahimik na bata si River." I started. "Mahilig siyang magbasa mag-isa. Hindi siya nakikihalubilo sa mga pinsan niya."

Tandang-tanda ko pa noong birthday ni Daddy. Yun din yung araw na halos nabuo kaming mag-anak. Tahimik lang si River nun sa isang tabi. Ni hindi nga niyang nagawang makipaglaro sa mga pinsan niya. Isang beses pa nga, nagulat  na lang ako pagkapasok ko ng kwarto ko, nandoo na siya, prenteng nakaupo sa kama habang tahimik na nagbabasa.

Hindi ko alam kung matatawa ako noong araw na yun o matutuwa sa kanya. Talagang anak nga siya ng babaeng katabi ko ngayon. Manang-mana sa kanya si River.

"She loves sweet foods. Her favorite cartoon character is Astrid." I added.

"Astrid?"

I chuckled and looked at her. "Yes" I gulped hard. I'm sorry, but I can't help to stare in her mesmerising eyes. "Astrid in How to train your dragon movie."

Saglit pang kumunot ang noo niya bago agad na tumango. "I knew it." Her lips formed into a genuine smile. "Can I ask you a favor?"

"Ahm, what is it?"  Mabilis na tanong ko sa kanya.





She looked at me. Smiling from ear to ear. "Let's have a date Cristina." She looked at  our daughter. "Me, you and our little angel."




Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now