Chapter 26

1.7K 50 7
                                    

Pic ni Natsume ---->

Chapter 26

Ryouji POV

Two weeks later

Pagkatapos nung araw na makipagbreak ako kay Derek, sinuyo nya ako ng sinuyo. Di nya ako tinigilan, kahit saan ako pumunta, nandun sya nagmamakaawang tanggapin ko sya uli. Iiniwasan ko na lang sya kahit masakit na nakikita kong nahihirapan din sya.

Hanggan isang araw mukhang napagod na sya kakasunod sakin pero di ko akalain ang gagawin nya.

Umaga ng Lunes, nagpa late ako total nakakaboring naman ang first subject namin, history? What the heck? Ito ko ngayun naglalakad papunta sa building namin,  nang makarinig ako ng ingay sa kung saan. Ah naalala ko nga pala, makikita nga pala dito sa daan na ito ang soccer field.

“Hey watch out!” narinig kong sigaw ng kung sino. Paglingon ko ay may paparating na bola sakin at mukhang sasakto pa sa mukha ko. Agad akong umiwas at bumuwelo sabay sipa dun sa bola na ikinatigil nung lalaking papalapit sakin.

Nakanganga syang nakatingin sakin habang yung bola ay lumipad papunta sa likuran nya. Inayos ko damit ko at aalis na sana ng tawagin nya ako.

“Hey sandali!”

Tiningnan ko lang sya. Napakamot sya sa batok at napangiwi.

“Sorry pala. Tikan ka ng tamaan.”

Tinanguan ko lang sya at akmang aalis na nang makarinig ako ng sigaw.

“Kyle yung bola!”

“Saglit lang!”

Tumingin sya sakin sabay takbo palayo. Napatingin ako sa mga kasama nya at naestatwa ako sa nakita ko. Si Derek nakaupo habang may kaakbay na babae. Nung matitigan ko yung babae, nanlaki mata ko. Si Chelsea! Yung babaeng pinakilala nya sakin nun.

Pero ang mas ikinagulat ko ay nang kabigin sya ni Derek at siilin ng halik sa labi. Tumalikod ako agad at mabilis na naglakad palayo. Takte! Shit! Bakit ganito? Bakit parang tinutusok ng karayom ang puso ko? Bakit ansakit?

Di ko namalayan na tumutulo na pala luha ko. Nagiging malambot na naman ako. Nagiging iyakin na naman ako. Nagiging mahina na naman ako. Ayoko ng ganito. Ayokong maging malambot, iyakin at mahina. Ayoko kasi nang dahil dito… nang dahil dito nawala si natsume.

Kailangan kong magtiis. Kailangan kong magpakatatag. Kahit masakit kakayanin ko para lang sa kaligtasan ni Derek. Kahit sarili kong kasiyahan isasakripisyo ko alang alang sa kanya.

Pumunta ako ng CR at naghilamos. After 5 minutes, dumiretso na ako sa susunod kong klase. Pagpasok ko medyo marami nang tao sa loob. Pumwesto ako sa likod malapit sa bintana. Nagpasak ako ng earphone habang naghihintay sa professor.

Bumukas bigla ang pintuan at pumasok si Derek. Umupo sya sa bandang gitna malayo sakin. Ni hindi man lang nya ako sinulyapan. Siguro nga hindi na nya ako mahal. Siguro nga sumuko na sya. Siguro nga napagod na sya kakahabol sakin.

ANGEL TO YOU, DEVIL TO ME (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon