Chapter 2

5.5K 121 9
                                    

pic ni ryouji --->

Ryouji POV

Oh! Maganda pala itong bar. Papasok na kami ngayon dito. Ayun, pagkapasok namin, pinagtitinginan kami.

Paano ba naman? Magkaposas kami?!

Nasaan na ba yung mga kaibigan ko? Pinapunta ko sila dito. Nagpalinga linga ako pero ni isa sa kanila wala akong nakita. Biglang naglakad itong kasama ko kaya nahatak din nya ko. 

“Teka, saan tayo pupunta?” 

“Dun sa bartender. Magtatanung tayo” 

“hey, Dylan, kanino itong posas na ito?” Napatingin ako sa kanya. Una, kilala nya yung bartender. Ikalawa, seryoso sya ng sabihin iyon. Nakakatakot sya.

“Ow, What a pleasant morning! Derek! Aga mo yata dito” nakangiting bati nung lalaki. Mga nasa early twenties yung lalaki. Matangkad na mestiso.

“Sagutin mo tanung ko Dylan, alam ko may alam ka. Isa ka ba sa may pakana nito?” nakatitig ng seryoso itong kasama ko dun sa bartender. Derek pala pangalan nito. Di ko pala natanung kanina.

“W-wait, anung pinagsasabi mo? Teka who’s this guy?” nakakunot noong tanung nya at tumingin sakin.

“Dylan!” nagulat ako dahil sumigaw na itong kasama ko.

“Wala talaga akong alam.” Umiiling iling si Dylan habang nakataas ang dalawang kamay.

“Well, that’s mine” napalingon ako sa gilid ko. May isang gwapong lalaki na papalapit samin. Nakangisi sya.

“Ryzen! Anu naman itong kalokohan mo? Akina yung susi” lumapit si Derek dun sa lalaki kaya nahatak na naman ako.

Aba! Sumosobra na itong lalaki na ito ah!

“Oops! Sorry! Wala na sakin yung susi” nakangising sabi nung Ryzen.

“Don’t lie to me, Ryzen. Alam kong nasa iyo. Akina!” hinawakan nya yung kwelyo nung Ryzen. Nanlaki mata ko.

“W-wait! Daanin na lang natin sa maayos na usapan” tinanggal ko yung kamay nya sa pagkakahawak dun sa alzen. Napatingin tuloy sakin yung alzen.

“Oh! Hi!” nakangiting nyang bati sakin. 

“May tanong lang ako. Why did you do this to us?” tinaas ko pa yung kamay namin na naka posas.

“Simple, because he just wants to, for fun.” Napalingon ako sa likuran nya at may papalapit na gwapo na naman. Aba ang dami atang gwapo dito. 

“For fun?”

“Yup, and para asarin na rin yan si Derek” Sabi nung lalaki.

ANGEL TO YOU, DEVIL TO ME (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon