Chapter 6

3.9K 90 4
                                    

pic ni derek --->

Ryouji POV

“Master, nandito na tayo.” Sabi ni Kyousuke. Nakita ko na si lolo na nasa labas at nakatayung naghihintay. Patay, masesermunan ako nito!!!

“Maligayang pagbalik, Master!” sabi ng mga tao doon. Tinaggal ko ang reading glass ko, ginulo at tinaas ang buhok ko at inopen ang tatlong butones ng uniform ko. Hinagis ko sa kung saan ang bag ko.

“Yo” pagbati ko kay lolo na nakatingin ng diretso sakin. Lalampasan ko n asana sya ng bigla akong hawakan sa braso. Malaking tao si lolo, matipuno ang pangangatawan sa edad na 59. Kinatatakutan sya sa pamilya namin. 

“Nasaan ka kahapon, Ryu?” madiin na tanung nya at nakatingin ng diretso sakin. 

“Dyan dyan lang.” bored na sagot ko. Aalis na sana ulit ako ng bigla nya akong batukan.

“Umayos ka Ryu! Lolo mo ko! Masama na ba magtanung sa apo ko?” pinandilatan nya ako at biglang sinakal gamit ang braso nya. Ganyan yan si lolo magpakita ng pagmamahal nya sakin. 

“Kukwento ko na lang sayu mamaya. Kaya pwede ba tantanan mo muna ako.” Tinulak ko sya palayo. 

“Di mo na ba ako mahal, Ryu?” naka pout na tanung ni lolo. Bigla ako nangilabot, hindi kasi bagay sa kanya. 

“Magtigil ka nga, tanda! At huwag ka magpout, nakakasuka.” Dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. 

Sa wakas nakauwi na rin at nakahiga na sa kama ko. Ang hirap talaga magbalatkayong iba. Bat kasi kailangan ko pang mag iba ng ugali. May sira ata yun sa utak si lolo. 

“Di mo pwedeng gamitin nyang ugali mo sa school, baka katakutan ka nila.” Psh! Pake ko naman sa kanila. Wag nila ko pansinin, kawalan ba sila?

“Hoy, wala akong sira sa ulo!” sigaw ni lolo sa labas ng kwarto ko. Oh tingnan nyo, nabasa pa yung iniisip ko.

Next day

“Alis na ko” balik sa dating get up. Naka one side na buhok, naka reading glass at nakasara ang mga butones ng uniform. Nasusuka talaga ako dito sa get up na ito kung hindi lang dahil kay mama di ko gagawin ito. Sya ang nag suggest nito eh. 

“Wala bang goodbye kiss?” sigaw ng lolo ko na nakatayo sa labas. Tiningnan ko sya ng masama na ikanatawa ng lahat pumasok na ako sa kotse at dumiretso na sa school.

Habang naglalakad sa hallway, napaisip ako bigla. Sa wakas! Di ko na makakasama yung kumag na yun! 

“Aish!” nagulat ako dahil may nakabanggaan ako. Hihingi na sana ako ng sorry ng makita ko yung nasa harapan. Bigla na lang nasira ang araw ako. Yeah, kilala nyo na kung sino sya, ang bakulaw na si Derek.

“Oh, what a coincidence! Ryouji!” nakangising bati nya. Anung coincidence? Mukha nya. Ngumiti ako ng peke .

ANGEL TO YOU, DEVIL TO ME (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon