Chapter 16

3.3K 88 8
                                    

pic ni derek --->

Naville POV

Pagkatapos naming lahat mapapunta sa guidance office, naparusahan ng community service ang lahat maliban samin ni reigan. Di nakaligtas si yuji dahil sa ginawa nya kay carrie.

Isa yun sa mga di ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. Yung kahit na ang panget ng nangyari sakin, dun ko nakita kung gaano ako kahalaga kay yuji. Ginawa nya lahat para sa akin.

Akalain nyong kahit babae pa yun ay walang pakundangang sinapak at binugbog nya maibalik lang blouse ko pero nakakatakot pala sya pag nagalit.

Pabayaan na natin yung nangyari noon, kasi ngayun ay simula na ng Foundation day namin. Magsisimula na ang theater play namin pero may problema kami, wala pa rin ang dalawang main character!!!

“Nasaan na sina Reigan at Yuji?! Magsisimula na tayu hanapin nyo sila!” natatarantang sabi ko habang pasilip silip ako sa audiences. Dumadami na sila at medyo napupuno na ang theater.

Si Dylan na president namin ay kampanteng nakaupo lang doon at umiinom ng kape. Nilapitan ko nga sya.

“Hey, bat ang kampante mo pa, wala pa rin yung dalawa.”

“don’t worry, darating din sila.” Nakangiting sabi nya. In fairness, alam nyo, gwapo itong si Dylan. Maputi, matangkad, athletic ang katawan at matalino. Parang nasa kanya na lahat ng hahanapin nyo isang lalaki.

“Oh ayan na yung isa.” Turo nya sa pinto. Nandun na si Reigan na habol ang hininga, kasama nya yung inaalagaan nyang bata.

“Bat ngayun ka lang?” sita ko sa kanya at pinag ayos na sya.

“Pinaliguan at inayusan ko pa tung bubwit na to eh.” Turo nya dun sa bata na kung saan saan tumitingin.

“Sige mag ayus ka na dyan at ako muna ang magbabantay dito.” Hinawakan ko sa kamay yung bata.

Wala pa rin si yuji. Pagtingin ko sa relo ko, 30 minutes na lang!!!

“Nahanap na namin si yuji!” sabi ng mga kasama namin na hawak hawak si yuji na nakasimangot.

“Bilisan nyo. Bihisan nyo na sya.” Kinaladkad nila si yuji papasok sa isang kwarto doon. Pagkalipas ng 15 minutes natahimik ang lahat.

Tunog lang ng takong ang naririnig namin at syempre ang mga angal ng may suot nun. Pagbukas ng kurtina ay napanganga ako. Waaahhh!!! Kung noon na inayusan lang sya ng unti ay ang ganda na nya pero ngayun, nagmukha na talaga syang cinderella!

“Anu na?”

Kaya lang…

“Yuji, ayusin mo nga yang facial expression mo. Cinderella po gaganapan mo hindi si beast.”

ANGEL TO YOU, DEVIL TO ME (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon