CHAPTER 32

24 4 0
                                    

Hi guyss,keep safe po sa inyo lagii ah. May bagyo po ngayon pero maguupdate pa din ako. Thankyou sa mga supporters ko diyan zachyy loves you.

Third Person's POV

Sino nga ba akong mag aakalang ang akala mong wala na ay andiyan pa pala. Wala eh ganun talaga ang buhay, nabubuhay tayo na puro akala,marami tayong tanong kung bakit kailangan nating masaktan, umaasa na magiging maayos din ang lahat. Pero kailangan natin sumugal sa bawat pagsubok na pagdadaanan natin, ang buhay ay parang weather ika nga, pabago bago ng takbo. Madadapa ka man pero syempre kailangan mong bumangon para sa panibagong hakbang na gagawin mo.

.
.
.

Nagdrive lang ng nagdrive si Jean at hinayaan ang sarili kung saan man siya pumunta. Hindi alintana sa kanya ang lalaking kanina pa nakasunod sa kanya,hindi niya iyon napansin dahil Wala siya sa wisyo. Nagulat lang siya ng may biglang mag preno sa likod niya na kotse,tumigil siya at nakita niyang bumukas ang salamin ng bintana kaya tumambad sa kanya ang mukang galit na matandang lalaki.

"Miss kung gusto mong magpakamatay wag kang mandamay, ayan bangin diyan ka tumalon" sigaw ng matanda sa kanya at umalis na din.

Napansin niya na nasa malapit nga siya sa bangin gaya ng sabi ng matandang lalaki,medyo madilim na din dahil malapit ng mag gabi. Hindi niya na namalayan ang oras dahil masyadong malalim ang iniisip niya.

Tuluyan niya ng inihinto ang motor niya at itinabi ito,wala ng masyadong nagdadaan na sasakyan dahil malayo na ito sa mga kabahayan.

Makulimlim ang langit na para bang nagbabadya ang ulan. Napansin iyon ni Jean kaya pakiramdam niya na dinadamayan siya ng panahon.

Nakatayo lang siya at nakatanaw sa magandang tanawin sa harap niya, iba't ibang ilaw ang nakikita niya na para bang bituin. Pilitin niya mang pagaanin ang nararamdaman niya pero hindi niya magawa dahil sa mga nalalaman niya.

Jean's POV

Nakatanaw lang ako sa magandang tanawin sa harap ko habang pinapalis sa utak ko ang mga nangyare ngayon araw, pilitin ko man alisin pero hindi ko magawa.

Ilang linggo na ang lumipas at hindi ko maiwasang isipin lahat ng nangyare.

Sobrang daming naaapektuhan, si mommy, di John, si manang. Siguro kapag nalaman ni dad ganun din ang mararamdaman niya, paniguradong magagalit sakin yun. Napatawa ako sa iniisip ko.

Sumandal ako sa motor ko at inalala ang mga nangyare netong mga linggong lumipas.

Flashback

Pagkatapos kong bumili ng mga libro ay nakaramdam ako ng gutom kaya napagdesisyonan kong bumili ng makakain sa restaurant na madadaanan ko. Hininto ko ang motor ko ng may madaanan akong restaurant.

Pumasok na ako at nagtuloy sa counter at umorder. Pinatake out ko na din dahil hindi ako sanay kumain ng magisa sa mga ganito. Umupo muna ako sa pang isahang lamesa at inantay ang order ko dahil 5 mins pa ito para iprepare.

Maganda yung ambiance ng restaurant.

Nilibot ko ang paningin ko at tinignan ang mga taong kumakain.

Ngunit natigil ang paningin ko sa dalawang taong sobrang sayang magkausap, kitang kita sa mata nila na sobrang saya nila,na para bang ang isa't isa lang ang nakikita nila.

Am I hallucinating? Tanong ko sa isip ko. Pinikit pikit ko ang mata ko dahil baka dinadaya lang ako ng paningin ko,kinurot ko din ang kamay ko at tumingin ulit sa kanila.

A chance to Love Where stories live. Discover now