CHAPTER 40

18 1 0
                                    


Kinabukasan

Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang lalim ng pagiisip ko kaya naman inabot na ako ng umaga.  Hindi na din ako nakatulog. Pero bumangon pa din ako dahil kailangan kong pumasok.

Mabilis lang akong nakapag ayos at bumaba na para maghanda sa pag alis. Naabutan ko silang mga nakabihis at mukang may pupuntahan.

Hindi ko naman sila pinansin at nag tuloy tuloy lang sa pagbaba ng hagdan. Tumuloy ako sa kusina at naramdaman kong sumunod sa akin si mom. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon ng maramdaman ko siya sa likod ko kaya tinignan ko siya.

"Anak bakit hindi ka pa nakaayos? Nasa closet mo yung susuotin mo diba. Tsaka sinabi na namin sa prof niyo na hindi ka muna makakapasok ngayon." lintaya ni mom kaya napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong pipilitin nila akong dumalo sa lintek na kasalan na yan.

"How many times do i have to tell you that i am not going to that wedding" inis na sabi ko kaya mas lumapit pa si mom sa akin at hinawakan ako sa dalawang kamay.

"Jean anak, please kahit masakit kailangan mong pumunta. Pinsan mo pa din si Kierra kahit ganon ang nangyare. Please anak, ayaw mo naman sigurong magalit pa ang daddy mo diba?" pangungumbinsi niya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.

Umakyat na ako sa taas dahil hindi sila aalis hanggat hindi ako kasama. Pagka pasok ko sa kwarto ay hindi ko sinuot ang damit na ibinigay sa akin ni mom dahil ayoko non.

Nagsuot nalang ako ng black leather jeans at sando na pinatungan ng leather jacket. 

Habang isinisintas ko ang sapatos ko ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si dad.  Nakatingin lang ako sa sapatos ko at hindi siya pinapansin.

"Are you happy now?" seryoso kong tanong sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng diretyo at tumingin sa suot ko. Napaismid na lang ako dahil alam kong magagalit siya dahil ganto ang suot ko.

Nilagpasan ko na lang siya nang hindi siya umimik. Pagkababa ko ay nakita ko si mom at John na nakaupo sa sofa at mukang may pinag uusapan. Nang makita naman nila ako ay tumayo agad sila at tumingin sa suot ko. Hindi ko nalang sila pinansin at nauna na sa labas para ihanda ang motor ko.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maalala ang naging usapan namin ni dad kagabe.

Flashback.

"I guess I'm right. It is because of that guy."  Sabi ni dad kaya napayuko naman ako.

"Kahit anong pilit mo hindi ako pupunta sa kasal na yan."

"Why? Masakit pa ba?" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan dahil sa mga sinasabi niya pero wala akong lakas na gawin 'yon dahil ayokong tuluyang mawala ang respeto ko sa kanya.

"Don't make me hate you even more so please stop what you are doing. "napipilitang pakiusap ko sa kanya dahil hindi siya titigil hanggat hindi ako nasasaktan. Hindi ko alam pero nililinlang na yata ako ng mga mata ko at nakikita ko ang panlalambot ng mga tingin niya at parang gusto akong lapitan kaya lumayo ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama ko patalikod sa kanila.

"I'm sorry if i failed you. I'm sorry kung hindi ko nasunod yung gusto mo. Okay lang na saktan moko sa ibang paraan pero wag yung ganito." napayuko ako ng maramdaman kong nanunubig ang mata ko. "Yes he's my ex. We've been together for always 2 years. Pero umalis siya. Kinailangan niyang umalis dahil nagkaroon siya ng brain tumor. Nagpagamot siya sa ibang bansa at nag iwan siya ng sulat sa akin na sinasabing wala ng kasiguraduhan na babalik pa siya sa akin. Kahit masakit hinayaan ko siya dahil yun naman ang sabi niya. Pero sinubukan ko pa din na maghintay hanggang sa umabot ng ilang taon. Bumalik siya pero hindi na niya ako maalala at si Kierra lang ang nasa tabi niya noong mga panahon na nagpapagaling siya. Masakit kase malalaman kong sa pagbalik niya ay wala na rin pala akong babalikan sa kanya dahil ikakasal na siya kay Kierra" pigil ang hikbi ko habang sinasabi ko yan kaya naramdaman kong lumapit sa akin si mom at niyakap ako.

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni dad sa sinabi ko pero ang alam ko lang ngayon ay sobrang nasasaktan ako habang inaalala ang lahat ng pinagsamahan namin.

"I'm sorry i didn't know" nagulat ako ng marinig kong magsalita si dad kaya bahagya akong napalingon sa kanya. Napansin ko naman si John sa likod niya kaya binalik ko ang tingin sa kanya at hinintay ang iba pa niyang sasabihin.

"I'm sorry if i failed to be a father to you. Hindi ko inalam lahat ng nangyayare sa inyo ng kapatid mo, sa sobrang busy ko sa trabaho ay hindi ko na namalayan na napapabayaan ko na pala kayo ng kuya mo." nakayukong sabi niya.

Hindi ko naman maiwasang maluha sa sinabi niya dahil may parte sa akin na gusto kong magtampo sa kanya dahil sa sobrang busy niya ay hindi na niya alam ang nangyayare sa amin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nasasaktan ako sa mga nangyayare at sa susunod pang mangyayare. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tanggapin na matutuloy ang kasal nilang dalawa.

"Please kahit masakit sa parte mo ang pagdalo sa kasal nila ay sana pumunta ka pa din. Kahit sa huling pagkakataon. Kahit masakit pilitin mo pa din na maging masaya para sa kanila. Dahil pagkatapos nilang ikasal ay babalik na ulit si sa America dahil nalaman ko na hindi pa tapos ang pagpapagamot ng mapapangasawa niya"

Mapapangasawa. Big word. Tangina ang sakit.

Hindi na ako umimik kaya hinayaan na Lang nila akong makapag isip isip. Magdamag lang akong nakatulala sa kisame at iniisip kung pupunta ba ako bukas. Naisip ko ang sinabi ni dad.

End of flashback

*****

A chance to Love Where stories live. Discover now