CHAPTER 28

17 3 0
                                    

➖➖➖

Pagkatapos kong bumili ng libro binayaran ko na agad ito sa counter at lumabas na,naisipan ko munang tumambay sa park na nadaan ko para magpalamig.

.
.

Maraming bata ang naglalaro sa park at kasama ang mga magulang nila. I suddenly remembered my childhood life.

Flashback

"Eyy Jeanny,wag kang tumakbo baka madapa ka" sigaw ng kapatid kong si John. 7 year old palang kami noon at dinala kami ng yaya namin sa isang park para makapaglaro kami dahil umalis sila mommy at daddy noon. Bahala siya ang bagal niyang tumakbo hahaha,tumakbo lang ako ng tumakbo at iniwan na siya.

Nilingon ko si John at nakita kong nakasunod din sa amin yung yaya namin. Napahagikgik naman ako dahil mukang hirap na hirap na siyang tumakbo dahil ang layo ng agwat namin,sa sobrang lawak ba naman ng park na to eh.

Habang nakatingin ako kay John sa likuran at hindi ko sinasadyang mabangga sa nakasalubong ko,sa sobrang lakas ng pagkabunggo ko ay napaupo ako sa lupa.

Tinignan ko kung sino ang gumawa non at nakita ko ang isang batang may kasingkitan ang mata. Nakita kong may kasama din siyang yaya sa likod niya at tinulungan naman ako nitong makatayo.

"Ayos ka lang ba ineng?" tanong ng yaya niya pagkatayo sa akin. Tumango lang ako para sabihing ayos lang.

Nakatingin lang ako sa batang nasa harap ko at pinagmasdan siya mabuti. Maputi siya at matangos ang ilong,may katangkaran lang siya sa akin ng kaunti at may maninipis na labi.

"Hi,I'm sorry po. Hindi po ako tumitingin sa nilalakaran ko" paghihingi ko ng pasensya sa kanila,dahil baka galit yung batang kaharap ko. Nagtaka naman ako dahil nakatingin lang siya sa akin.

"Hey!" winawagayway ko yung kamay ko sa harap niya kaya umayos siya ng upo.

"No it's okay" sabi niya habang nakangiti kaya lumabas ang kanyang mapuputi at pantay pantay na ngipin. Cute.

" By the way I'm Jean Polaris,sorry po ulit kanina" pagpapakilala ko sa kanila sabay ngiti ng malaki.

"I'm Matthew,nice meeting you." 

"Naku talaga kayong bata kayo malilintikan talaga ako sa mommy at daddy niyo kapag may nangyareng masama sa inyo" lumingon ako sa likod ko at nakita ko sila yaya at John na nakalapit na sa amin.

"Hey John, i found a new friend and he's cute" sabi ko kay John Kaya tinaasan niya lang ako ng kilay. Tsk sungit naman.

"I don't care mas pogi pa din ako sa kanya." pagsusungit ni John ng makalapit na. Pinakilala ko naman siya kay John at ganun din kay Matt Matt. Yun nalang itatawag ko sa kanya dahil ang hirap bigkasin ng name niya.

Nakipaglaro lang kami saglit kay Matt Matt kahit puro lang sila pagtatalo ni John, sinabi ni yayang kailangan na naming umuwi dahil nakauwi na daw sila mommy.

Nagpaalam na ako kay Matt Matt dahil kailangan na naming umuwi.

" Byee Matt Matt uuwi na kami ah salamat pala sa pakikipaglaro sa amin" nagtaka naman siya sa sinabi ko.

" Matt Matt?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Ayun na lang itatawag ko sayo ang hirap kase pag buo eh" Sabi ko sabay kamot ng ulo.

" Ahh sige riris na lang din itatawag sayo"

"Sige na aalis na kami ha paalam" masayang sabi ko sa kanya at sumama na kila yaya at John na kanina pa masama ang tingin Kay Matt Matt. Kumaway na ako kay Matt at ganun din ang ginawa niya.

Nang makasakay ako sa sasakyan namin nakita ko si John na nataas ang kilay sa akin.

"Ayoko sa batang yun ang panget niya"

"Sus si John,wala naman ginagawa sayo eh nakikipag play lang siya kanina sa atin pero ikaw inaaway mo siya." nakasimangot kong sabi sa kanya kaya hindi na siya nakasagot pa. 7 year old din si Matt Matt pero mas matangkad lang siya sa akin ng kaunti.

Lumipas ang mga araw at lagi na kaming pumupunta ni John sa park para maglaro, siya naman ay palaging inaaway si Matt Matt pero kalaunan ay nagiging playmate na sila.

End of flashback

Matt Matt,I wonder where are you right now.

Saktong kaarawan namin noon ni John,inimbitahan namin siya sa bahay at pumunta naman siya kasama ang mga magulang niya. Napagalaman ko din na matalik na kaibigan ni mommy yung mommy ni Matt Matt dahil magkababata din sila,kaya nagulat sila na ako daw pala yung palaging kinukwento ni Matt Matt sa kanila.

Masaya ako noong araw na 'yon. Marami akong natanggap na mga regalo galing sa mga kaibigan nila mommy.

Kaso pagkatapos ng araw na iyon, hindi ko na muling nakita pa si Matt nung kinabukasang pumunta ako sa park na para maglaro sana.

Ang sabi ni mom  pumunta na daw sila sa Korea dahil doon naman talaga sila nakatira nagbakasyon lang sila dito dahil may business silang naiwan dito kaya pagkatapos nun ay lumipad sila patungong korea. Half Korean at Filipino si Matt dahil koreano ang napangasawa ng mama niya,kaya Tan ang apilyedo niya.

Aaminin kong naging malungkot ako noon dahil siya lang ang naging kaibigan ko bukod sa kakambal kong si John.

Palagi kaming pumupunta sa park na yun dahil nagbabakasali akong babalik ulit siya, pero lumipas ang maraming araw, buwan at taon umaasa na lang ako. Sa murang edad,naranasan kong maging malungkot. Kahit andyan si John para pasayahin ako kulang parin dahil malaking parte na din sa buhay ko si Matt Matt.

Noon iniisip ko na babalik siya dahil pinangako niyang babalikan niya ako. Pero umaasa na lang akong babalik siya. Sobrang tagal ko na ding nagintay sa kanya hanggang sa makalimutan kona at nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Sila.

Itutuloy

****
(A/N)

Sorry po sobrang ikli ng update,nasa byahe kase ako kaya hindi ako makapagtype ng matagal hahaha loveyouuu zachyy's

A chance to Love Where stories live. Discover now