CHAPTER 21

12 1 0
                                    

➖➖➖

Kinabukasan nagising ako ng medyo kumikirot ang ulo ko.

"Aissh fvck this hangover" sabunot ko sa buhok ko dahil sobrang sakit talaga.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo,para na rin mahimasmasan ako.

Pagkatapos ko ay nagbihis na agad ako at bumaba,sinilip ko muna si john sa kwarto niya at nakita kong tulog pa siya.

Dumiretso ako sa kusina para magpatimpla ng kape at magalmusal. Napansin kong tahimik ang kabahayan kaya hinanap ko ang mga maids. Habang hinahanap ko sila naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Hindi ko tinignan ang caller at sinagot na lang ito agad.Hindi muna ako nagsalita dahil hinintay kong magusap ang nasa kabilang linya.

"Hello Jean,gising ka na ba anak?" tinignan ko kung sino ang tumawag at nakita kong si mom  pala.

"Hmm"  yan lang ang sagot ko habang hinihilot ang ulo ko.

"Wala tayong maids ngayon dyan sa bahay dahil nakaleave sila pinagbakasyon ko muna besides andyan naman kayo ni john." tumigil na ako sa paghahanap ng malamn kong wala naman pala ang mga maids.

" Okay Mom" sagot ko sa kanya at umupo na lang sa sofa habang hinihilot ang ulo.

"Initin mo na lang yung niluto kong soup para sa inyo ng kuya mo,wag kang aalis ng hindi nagpapaalam sa kanya ha wag mo siyang pagalalahin alam kong umalis ka kahapon dahil sinabi niya sa akin,wag kang mag alala hindi naman alam ng daddy mo basta pag aalis ka magsabi ka ha"

'tss hindi talaga mapigilan ang bunganga nung bakla na yun' bulong ko sa isip ko.

"Sige na papatayin ko na ingat kayo dyan ha may aasikasuhin lang kami ng daddy mo maaga kaming uuwi mamaya may family dinner tayo sa labas mamaya kaya wag kana muna umalis" habilin niya sa akin kaya tumango tango lang ako.

"Okay Mom bye" paalam ko at pinatay na ang tawag.

Tumayo na ako at pumuntang kusina para initin yung soup na sinasabi ni mom. Nagtimpla muna ako ng kape ko para mawala ang hangover at sakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong initin kumuha na ako at sinimulan ng kumain.

Sa gitna ng pagkain ko narinig kong parang may kabayong tumatakbo dun sa hagdan.tss.

"Jean!Nasan ka?!" hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Andyan ka lang pala eh bat hindi ka sumasagot." masungit na tanong niya.

" Tss ingay mo aga agad" pagsusungit ko din sa kanya.

Umismid lang siya at pumunta sa may fridge at kumuha ng tubig.

"Bat ang tahimik?" tanong niya habang umiinom ng tubig.

"Kelan ba naging maingay tong bahay" pabalang na sagot ko.

"Stupid. I mean where are the maids?" kunot noong tanong niya.

"Nakaleave" tipid na sagot ko at tumango tango lang siya.

"Nasabi na ba sayo ni mom na may family dinner tayo mamaya?"

" Yeah"

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko pagkatapos kong kumain at pumunta na lang sa sala para manood dahil wala naman akong gagawin sa kwarto.

Habang nanonood ako naramdaman kong tumabi sa akin si John at pasimple akong inakbayan. Inalis ko naman iyon dahil ang bigat ng kamay niya.

"Sungit" bulong niya kahit narinig ko naman.

'tss'

Isinandal ko ang ulo sa sofa at hinilot hilot ang ulo ko dahil hindi nawawala ang sakit nito.

"Yan kase inom inom hindi naman kaya" narinig kong bulong bulong niya kaya tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Are you saying something?" mataray na tanong ko kaya lumingon siya sa akin at pasimple akong sinamaan ng tingin.

"Wala sabi ko halika dito ako na maghahagod ng ulo mo" hinila niya ako at inihiga sa hita niya at dahan dahang hinilot ang ulo ko. Pumikit lang ako at hinayaan siyang gawin iyon,nakaramdam naman ako ng antok kaya hinayaan ko na lang tangayin ako ng antok.

➖➖➖

JOHN'S POV

Pinagmasdan ko lang siya habang hinihilot ko siya,'tss lakas mo mag inom akala mo kaya mo' bulong ko kaya hindi ko alam kung narinig niya.

Naramdaman kong nakatulog na siya kaya binuhat ko na lang siya at inakyat sa kwarto niya.

"Sa payat mong yan napakabigat mo."

Inihiga ko na siya sa kama niya at pinagmasdan siya.

'Ano kayang mararamdaman mo kapag nalaman mong makikita mo na ulit siya?' tanong ko sa isip ko.Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan at iniisip kung anong posibleng maramdaman niya sa oras na makita niya ulit siya.

'tanga mo John malamang masasaktan siya' guston kong batukan ang sarili ko dahil alam ko naman na ganun ang mararamdaman niya.

'hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka pa sa oras na ito Jean,hindi ko hahayaang magkatagpo ang landas niyong dalawa, pangako yan' bulong ko sa isip ko. Hinalikan ko siya sa noo at bumaba na.

➖➖➖

@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now