"Expect me in the building tomorrow." Tumayo siya at pinahid ang kanyang labi gamit ang table napkin bago nilisan ang hapagkainan.

"Your charm works on every Sorianos on Dad, on Siwon, and even on Hades. Should I be worried for myself or should I also start to worry for Migo?" Tumawa siya habang na-iiling, si Psalm. Na ngayon ay na-iiling pa rin habang dinadampi ang table napkin sa gilid ng kanyang labi. "You're interesting, Ms. Mondiego."

Ngiti lamang ang ginawad sa akin ni Don Hacinto, naka-alis na ang dalawa niyang anak at nakikita ko sa kanyang malapad na ngiti na tila nagustuhan niya ang ginawa ko. Hindi ko nga maintindihan na sa kung bakit ko iyon ginawa.

"Siwon, magsuot ka ng necktie." Turo niya sa dibdib ni Primo at napa buntong hininga na lamang ang aking katabi.

"I told you already, Papa. I don't like wearing one."

"You don't like wearing one because you don't know how to tie." Tumingin sa akin si Don Hacinto na natatawa. "Tama ka ng narinig, Ija. Hindi sanay magtali ng necktie ang katabi mong 'yan."

Hangang sa pag-alis ng matanda ay natatawa pa rin siya.

"Salamat." Napatingin ako kay Primo at nakangiti siya sa akin.

"Hindi ka sanay magtali ng necktie? Madali lang naman 'yon ah?"

"Mom told me not to know it, my woman will be the one to do it for me." He smiled then patted my head making my eyes closer a little with his palm on top of my head. "Eat, hihintayin kita na matapos."

Hindi ako mapakali sa aking bawat pagsubo, nakamata lamang si Primo sa akin na binabantayan ang aking pagkain dahil siguro'y sinisiguro niya na nasa mabuting kalagayan ang kanyang anak.

"I'm kinda curios on something, Anya."

"Ano naman 'yon?" Tanong ko at kinuha niya ang tinidor at kutsara mula sa akin nang mapansin niyang nahihirapan akong maghiwa.

"Was there a guy that you like before leaving your life out there?" Umangat ang tingin ko sa kanya ngunit ang kanyang mata ay nasa pagkain lamang at tila naghihintay ng sagot sa akin.

Ngunit ano ang dapat ko na sabihin? Yung totoo? Na tama siya, na may Dominique bago ako pumasok dito sa Hacienda? Na may lalake akong nagugustuhan? Hindi ako takot na magalit o madismaya sila kung magkakaroon man sila ng pagdududa na baka si Dominique ang ama, natatakot ako na baka sa kanilang pagdududa ay humantong sa punto na madamay ang kalusugan ng dinadala ko, ang unti-unti ay mapabayaan nila dahil sa pagdududa, na baka hindi ito isang Soriano.

"Wala, mas inuuna ko ang pag-aaral." Tumango siya at ngumiti.

"Tama 'yan, bata ka pa."

Kulay puti na bulaklakin ang disenyo ng aking dress, sa banda ng aking dibdib ay bahagyang litaw ang itaas na parte nito, at ang haba naman nito ay hindi lumalagpas sa aking tuhod.

Natatawa lamang ako kay Ate Anika habang pinapanuod siya na magsayaw kasama ang kanyang mga kaibigan, nakatayo lamang ako sa kanyang tabi at nahihiya.

"Sayaw ka." Nahihiyang umiling na lamang ako kay Ardin, kaibigang lalake ni Anika. "C'mon, masaya ang sayawan!"

"Hindi na po, uupo na lang ako doon."

"I'll dance with you then, sasabayan kita para hindi ka mahiya." Bahagya kong nalayo ang aking bisig sa kanya nang biglaan niya itong hawakan ngunit kahit na marahan ay natilag pa rin ako. "Sayaw lang-"

"Alin sa 'hindi' yung hindi mo maintindihan?" Nanlaki ang aking mata nang biglang hinarap ng isang lalake si Ardin, ngayon ay nasa kanyang malapad na likod ang aking mata dahil iyon lamang ang aking nakikita.

"Chill, Dom. I wasn't trying to hit on her, I just find her lonely."

"Now that i'm here, she's not anymore." Tumango-tango na lamang si Ardin at agad na lumisan, agad ay humarap sa akin si Dominique. "I didn't expect to see you here, I didn't believed my friends after saying that they saw you here."

"Kasama ko lang yung kaibigan ko." Wika ko habang walang tigil ang paglalaro sa aking daliri, bumilis ang tibok ng aking puso nang makita si Anika na papalapit habang tumatawa at may hawak na inumin, sa itaas naman o sa enteblado ay kita si Primo na magsasalita. "Ma-una na ako."

"Sanya, gusto kitang maka-usap, kahit saglit lang." Umiling ako at inalis ang kanyang kamay na humawak sa bandang pulso ng aking kamay. "Sanya, bigyan mo naman ako ng malinaw na dahilan oh, nababaliw na kasi talaga ako."

"Dominique walang nangyari sa atin, walang tayo, walang kailangan na ipaliwanag. Pasensya ka na pero kailangan ko na talaga na umalis."

Imbes na mag-isa ako na maglakad na palayo ay agad niyang hinawakan ako sa bandang pulso ng aking kamay, sinubukan ko ito na tanggalin ngunit mahigpit ang kanyang hawak.

Sa madilim na parte ng parkehan ng mga kotse ay sinandal niya ako sa kanyang kotse at agad na kinulong gamit ang kanyang dalawang bisig.

"Sanya, ayoko." Sobrang diin ng aking kamay na nakaporma na tila manununtok, wala akong planong manakit, sadyang ginagawa ko lamang ito dahil pinipigil ko ang aking saliri. Ngayon na ang lalake na nagugustuhan ko ay nakadukdok ang kanyang noo sa aking balikat, nararamdaman ko ang pagkabasa ng aking damit sa aking balikat. "I can't just stop without reasons and I don't even also know if I could stop if ever I know the fucking reason."

"Dominique, pinahihirapan mo lamang ang sarili mo."

"I don't care." Inangat niya ang kanyang tingin sa kanya, ang kanyang mata ay pulang-pula at lalong kita ngayon ang kanyang makakapal na mga pilikmata, ang kanyang mapungay na mata ay tila nangungusap. "Heaven's so stupid to let an angel like you walking freely in this world, didn't they know that you can even attract a guy with the most difficult taste?"

"I have to go, Dom."

Hinapit niya ang kurba ng aking katawan at ngayon ay mas malapit ang kanyang mukha sa akin, ang kanyang mata ay nasa aking labi at sobrang tanga ko upang magpadala. Ang aking mata ay dumako sa kanya mapulang labi, tila wala manlang dipekto sa lalake na ito, lahat na lamang ay perpekto sa kanya.

"They asked me how Heaven could look like, I answered them with your name."

Lumapat ang kanyang labi, ngayong tanging kami lamang ang andito at nakakasigurado na tanging ulap at buwan lamang ang saksi. Ang aking kamay ay lumapat sa kanyang matipunong balikat habang ang labi namin ay tila kilalang-kilala ang isa't isa.

Lumayo siya ng bahagya na may ngiti sa kanyang labi.

"I was a fool for thinking that you're an angel in disguise, you're not just an angel, you're the whole heaven, Sanya Mondiego."

Ominous MelodyWhere stories live. Discover now