"Siwon, kamusta na yung pasayaw?" Inangat ni Primo ang kanyang tingin papunta kay Don Hacinto at ako naman ay tahimik na lamang na ngumunguya ng aking pagkain.

"Ayos lang, Papa. Although there's still a bit problems but it's not that serious."

"Good, malaki ang inaasahan ng mga tao dito sa San Soriano sa atin, lalo na at tayo ngayon may hawak ng pasayaw." Gumawi ang tingin niya kay Hades na tahimik na kumakain. "Hindi sana matulad nung nangyari nung isang taon sa mga Altamayor."

Mga Altamayor? Pamilya nila Dominique iyon, narinig ko rin na nagkaroon ng kaguluhan noon dahil daw sa isang Soriano. Ngayon ay nasisigurado ko na si Hades ang Soriano na iyon. Naka suntukan niya yung isang lalake, ang sabi nila nahuli raw non na kahalikan ni Hades ang asawa nito.

"Yeah, who wouldn't beat my brother? He banged a married woman." Psalm said mocking Hades while leaning on his chair. "Aren't you aware that she's married that time?"

"I am, i'm up for a thrill." He then grin before looking on me. "How's your life here?"

"Ayos lang po." Nahihiya kong wika sa kanya, ngayon ay hindi ako makatingin sa mata ni Hades dahil sa nararamdaman ko na pagka-ilang.

"Pupunta ka ng pasayaw?" Inangat ko ang tingin ko upang magsalubong ang tingin namin ni Hades.

"Hindi ko po alam-"

"She will." Bahagyang gulat ang bakas sa aking mukha nang mapatingin ako kay Primo na mukhang seryoso sa kanyang sinambit. "She'll be with Anika."

"By the way, ano at bakit hindi pa sumabay sa umagahan si Uno?"

"Dumaan lang para may sabihin, may pupuntahan din siya." Gumawi ang tingin sa akin ni Primo at diretso ang kanyang tingin sa aking plato. Ang akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit biglaan niya na lamang nilagyan ng mga gulay ang aking plato. "Hades, Psalm."

Agad na umangat ang tingin ng dalawa habang si Primo ay nasa paghiwa ng mga gulay sa aking plato ang tingin.

"I'm already planning to take part in the Municipal, i'm planning to leave the company."

"Psalm is ready already, I guess?" Hades commented and Psalm with his furrowed brows shooked his head.

"I'm still enjoying the sea." Nabalitaan ko rin na pagiging seaman ang nakahiligan ni Psalm, ngunit hindi niya iyon tinuloy dahil hindi niya raw ito gusto, tanging nakakahiligan lamang.

"How long should I wait for the two of you? How long should the profession that I want will wait?" Napakagat ako sa aking labi nang mabakas sa tono ni Primo ang bahagyang pagka-inis. Hinihiwa niya pa rin ang gulay nang magtagpo ang mata namin upang siguro tingnan niya ang aking reaksyon sa kaganapan ngayon.

"I'll take part when Migo-"

"Simula bukas ay babalik na kayong dalawa sa kompanya, lalo ka na Sebastian." Wika ni Don Hacinto na tila ba pag-utos ang ginawa.

"You called me Sebastian, Papa? I guess you're that serious, but i'll wait for Migo." Kinagat ko ang labi ko sa niwika ni Hades, ang dami kong naiisip sa usapan nila ngunit pinipilit ko na lamang talaga na manatili sa pagtahimik.

Natapos si Primo at bumalik sa kanyang plato.

"I don't know a lot about Migo, but hindi ba mas maganda kung ikaw na mismo sa pagdating nung bunso niyo yung makakapagturo sa kanya sa pamamalakad nung kompanya niyo?" Natingin sa akin ang apat na Soriano, agad akong napayuko dahil sa sobrang kahihiyan dahil sa aking pagsagot.

"Be direct." Hades said as he took a sip at his drink while he's looking at me.

"Parang kasi madami na gustong gawin si Primo pero hindi niya magawa dahil inaako niya ang lahat ng responsibilidad sa kompanya niyo." Ang bigat ng dibdib ko dahil sa mabigat kong paghinga, sobrang kaba. Tahimik lamang na nakikinig si Psalm habang ang mata ng tatlo ay nasa akin.

Ominous MelodyWhere stories live. Discover now