Day 2

1.1K 31 7
                                    

TW: DEATH

Dahan dahan ang paghakbang ko papasok sa kwartong pinagdalahan nila sa asawa ko, hindi ko halos maramdaman ang mga paa ko habang mabagal na naglalakad, natatakot akong makita ang asawa sa ganoong sitwasyon pero kailangan niya ako.

I was wearing a Blue gown with gloves, hair net and face mask as i enter her room, bumuntong hininga pa muna ako bago ko iyon tuluyang buksan.

Bumungad sa akin ang asawa kong walang malay, madaming nakakabit na aparato sa kanya na bumubuhay sa kanya. Napaluha ako ng makita ko siya at napaluhod sa harap niya habang hawak ko ang kanang kamay niya.

"I'm sorry don't leave me... I'm begging... i'll do everything... gagawin ko ang lahat gumaling kalang makasama lang kita ng mas matagal... wag mo akong iwan please... nagmamakaawa ako..." Humagulgol ako habang hawak ang kanang kamay niya.

Isinandal ko ang pisngi ko sa kanyang maputlang kamay habang patuloy na lumuluha at nagmamakaawang huwag niya akong iwan.

Natatakot ako.. natatakot akong mawala siya sa akin, not now please.

"Bakit niyo pa siya kailangang lagyan niyan?" takang tanong ko sa mga doktor habang pinapaliwanag ang sitwasyon ng asawa ko.

"If we didn't, you'll lost her the next minute." diretsong sabi ng doktor.

Pinigilan ko ang pag-iyak ng maramdamang namumuo na ang luha ko dahil sa narinig.

"Do everything to save her. I'm begging doc." desperado kong sabi.

"We can if the heart arrived in right time." sabi naman niya.

"May mahahanap ang kaibigan ko doc, sigurado ako doon." buong sabi ko sa kanya.

Tumango naman ang doktor at nagpaalam na aalis na.

Tumingin ako sa asawa kong maputla na at ang makina na pamang na nakakabit sa kanya ang bumubuhay.

"You'll never leave right? you want to eat with, be with me, go on the beach with me, watch a movie with me, visit me in the office, and have a happy family with me." pagkausap ko sa kanya habang tinitingnan siya.

"Don't leave me my wife." nakatitig lang ako sa kanya.

Ilang oras akong naghintay at nagbabaka sakaling gumising siya o magkaroon man lang ng improvement kaya hindi ako umalis sa tabi niya nakahawak lang ako sa kamay niya hindi ko na din inabalang kumain, wala naman akong gana kaya ayus lang yun.

Kanina pa din akong naghihintay para sa tawag ni klinton habang tumatagal kasi ang oras ay lalo akong kinakabahan para sa asawa ko.

It's now Eleven in the evening pero kahit maliit na improvement ay hindi siya nakitaan kinausap ako ng doktor na kapag wala padin ay kailangan na naming tanggalin ang lahat dahil kung walang improvement na mangyayari ay hindi siya maooperahan dahil hindi kakayanin ng katawan niya.

Gumuguho ang mundo ko tuwing naalala ko iyon kaya paulit ulit akong nagmamakaawa sa kanya na lumaban pa para sa amin dahil bubuoin na namin ang pangarap niyang pamilya. Iyong masaya.

Unti unti na akong nawawalan ng pag-asa ng sumapit ang alas-dose ng umaga pero pilit kong pinatatag ang loob ko para sa asawa ko ako nalang ang makakapitan niya ngayon.

Nabuhay ang pag-asa ko ng sabihin ng doktor na lumalaban ang asawa ko ng suriin ulit nila siya. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon.

"Klin." puno ng pag-asang sabi ko ng sagutin ko ang tawag.

Seven Days, My Wife. (Days Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon