Prologue

583 193 26
                                    

Third Person's

"Guys, may away sa field!" anunsyo ng isa sa kanilang kaklase nang makapasok siya sa kaniyang silid-aralan. Naghahabol pa siya ng hininga at nakatukod ang dalawang kamay sa kaniyang mga tuhod habang nakayuko.

Tiningnan ng estudyante na may pagtataka ang bagong dating nilang kaklase. Some of them tilted their heads as if they are curious, some of them doesn't care and some are waiting for more information.

"Sino naman yan?" mataray na tanong ni Sharlyn, isa sa mga kaklase nila.

"Si Iza at Veronica." Sa isang iglap lumabas ang mga estudyante sa kwarto at nag-uunahan pababa saka dumiretso sa field. Pagdating nila doon ay marami na ng nakapalibot sa gitna ng field.

Si Iza nasa kaliwa na nakalumbaba at si Veronica nasa kanan naman naka lagay ang dalawang kamay sa beywang. Parehas sila makatingin sa isa't isa ng masama kulang na lang na may kuryenteng dumadaloy sa gitna ng kanilang mga mata.

"Ano ba ang nangyari?" nag-alalang tanong ni Marigold habang nakakrus ang braso, isa sa mga kaklase ni Iza.

"Hinarangan na naman ni Veronica si Iza at sinalitaan ng masama. Eto naman si Iza, inaasar lang si Veronica," pataray na saad ni Tanya at umirap.

"Bakit daw?" pang-uusisa ni Louie, isa sa mga second year high school student. Napatingin ang lahat nang biglang sumigaw si Veronica na nakaupo sa damuhan habang tiningnan ng masama si Iza.

"Tinopak na naman si Veronica at hinarang si Iza," seryosong saad ni Eumi na nakatingin sa direksyon nila Iza at Veronica. Isa si Eumi sa third year high school student na kaklase ni Iza rin.

Napailing na lang iba sa narinig at pinatuloy ang panonood sa munting away nila Iza at Veronica tila sanay na sanay sa kanila ito. Wala naman silang magawa dahil alam naman nilang asar-talo si Veronica at ngingiting tagumpay si Iza dahil natatalo na naman niya ang mortal niyang kaaway.

Natapos na ang away nila at nanalo si Iza habang nakangiting tagumpay sa harap ni Veronica na halatang inis na inis dahil natalo na naman.

"For the nth time, I won against you Veronica." saad ni Izalia Qunnith sa kaniayng isip habang nakangisi.

Naglakad palayo si Iza habang nakapamulsa at nakangising tumungo sa canteen.




Izalie's

Badtrip yung bruha na yun!  Tinopak na naman ang kaniyang pagiging brat at pagka-war freak niya.

Hindi ko naman siya inaaway pero kung makaaway sa akin parang may ginawa akong masama sa kanya eh, pagbuhulin ko sila ni Marguex at Nikiline, mga best friend niya. Pareho ata silang may galit sa akin at wala sa lugar ang kanilang inggit sa akin.

Wala naman akong pakialam sa kanila at hinayaan ko nalang sa trip nila sa kanilang buhay baka naman walang pumapansin kaya ako na lang.

I'm doing the job for them, palakpakan niyo naman ako.

Pagpasok ko sa canteen ay biglang tumahimik, nilibot ko ang aking tingin sa buong lugar pero wala naman akong nakitang mali o kahina-hinala.

Walang gana akong dumiretso sa linya at nakalumbabang naghihintay.

I'm so hungry, badtrip kasi 'yang si Veron wala na nga ako nakakain sa bahay hinarangan pa ako. Halata naman masyadong wala siyang magawa sa buhay niya.

KS 1: Naturaleza Academy (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now