Life 3: Nightmare Last Night

45 1 0
                                    

"Hindi ka makakatakas, Alice! Mahahabol rin kita."

May humahabol saking lalake na may dalang kutsilyo pero hindi ko maaninag yung mukha niya.

Nakakatakot siya....

Gusto niya akong patayin pero hindi ko alam kong bakit.

"Tulungan niyo ko," sumisigaw ako habang tumatakbo palayo sa lalake.

Alam kong walang tao pero nagbabakasakali ako na may makarinig sakin dahil nandito ako sa kagubatan.

"Kahit anong sigaw mo ay walang makakarinig sa'yo maliban sakin," ngumisi siya at pilit na hinahabol ako.

Para akong tumatakbo sa kawalan...

Anumang oras ay pwede niya akong mahabol kung hindi ko bibilisan ang pagtakbo

"Sana mamatay ka na lang," sigaw niya.

Paglingon ko ay sa likuran ay nasa bangin na ako at isang maling hakbang ay tiyak na mahuhulog ako.

Takot na takot ako. Hindi ko alam kong tatalon ako o hahayaan ko na lang na saksakin niya ako.

Hindi ko alam...

"Huminto ka rin sa pagtakbo sa wakas!" humakbang siya papalapit sakin.

Humakbang na ako paatras at....

.....nahulog na ako sa bangin.

Napabilakwas ako sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin ng pananginip na iyon.

"Elise, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Corrin. Nahalata niya yata na hindi maganda yung panaginip ko.

"Ugh! Hindi ko alam kong bakit ganun yung panaginip ko."

"Nakakatakot ba?"

"Parang ganun na nga."

At ikwenento ko na nga sa kanya yung panaginip ko.

"Hindi kaya may ibig sabihin yung panaginip mo na yan?" tanong ni Corrin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala ka bang naalala sa nakaraan mo?"

"Wala talaga akong maalala eh. Pasensiya na."

"Bakit ka naman humihingi ng tawad sakin? Hindi mo naman kasalanan na wala kang maalala. Meron sigurong nangyari noon kaya nawala yung alaala mo."

"Di ba, hindi mo na rin maalala yung nakaraan mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Eh di parehas lang pala tayo."

"Hindi ko rin alam kung ano ba yung buhay ko dati nung tao pa ako."

"Tao ka pa rin naman ah."

"Ghost nga lang. Matulog ka na at maaga ka pang gigising bukas."

"Tama ka. Sige. Good night, Corrin."

"Good night, Elise."

∞∞∞∞∞

Nandito kami ngayon nina Corrin at Crissa sa garden at naglu-lunch.

Kumakain si Crissa ng baon niyang kanin at ham. "Nanaginip ako kagabi. May isang lalake na lumapit sakin para magpasalamat dahil tinulungan ko daw siyang tuparin yung hiling niya bago siya pumunta sa langit. Ang weird nga eh kasi hindi ko naman kilala at wala pa naman akong natutulungan gamit ang kakayahan ko."

Life x InfinityWhere stories live. Discover now