Life 1: First Encounter

14 1 0
                                    

Life 1: First Encounter

Elise’s POV

"Good morning, Elise!"

"Good morning din sa'yo, Corrin!"

"Maghanda ka na kasi papasok ka na sa school."

"Okay," at bumangon na ako sa pagkakahiga ko. Pumunta na ako sa kusina para magluto ng almusal ko.

Ako si Elise Almonte. Tinatanong niyo siguro kung ilan taon na ako, noh? Hindi ko na rin matandaan eh. Sa tagal ko ba namang nabubuhay. Siguro mga 200 taon na. Kaya naging ganyan ang edad ko ay dahil kay Corrin. Isa siyang multo na kayang pahabain ang buhay ng isang tao gamit ang kapangyarihan niya gaya ng ginawa niya sakin. Masasabi ko na siya ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay na pagkahaba-haba.

Lumapit si Corrin sakin habang ako ay nagluluto. "Hmmm...Mukhang masarap yan ah. Kaso hindi ko rin naman matitikman ang luto mo". At napa-buntong hininga na lang siya.

"Bakit hindi mo gamitin yung powers mo para mabuhay ka ulit?"

"Kung pwede nga lang sana eh, matagal ko ng ginawa. Hindi naman kaya ng kapangyarihan ko na maging tao. Pwede akong sumapi oo pero ang maging tao ay napaka-imposible. At ang Infinity ko ay Extend. kasi mga taong naghihingalo lang ang pwede kong bigyan ng pagkakataong mabuhay kung gusto talaga nila."

"Katulad ko?"

"Oo," pagsang-ayon ni Corrin.

Nagtataka siguro kayo kung ano yung Infinity na sinasabi ni Corrin, noh? Let me explain this to you. Infinity ang tawag sa kapangyarihan niya at may may tatlong uri nito: Ang Extend na kayang pahabain ang buhay ng isang tao na naghihingalo; Ang Revival na pwedeng bumuhay ng tao kung gugustuhin niya ito at ang huli ay ang Reincarnate na kayang buhayin ang isang tao pero sa iba na nitong katauhan. Kay Corrin ay Infinity:Extend. Bibihira lang sa mga multo ang nabibiyayaan ng ganitong kapangyarihan.

“Luto na ito,” nilagay ko na sa plato ung mga niluto kong kanin at hotdog.

"Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school,” paalala sakin ni Corrin.

"Salamat, Corrin. Salamat sa lahat ng ginawa mo." Ngumiti ako kay Corrin.

“Hindi mo na kailangang magpasalamat, Elise. Makita lang kita na masaya ay masaya na rin ako. Nagpapasalamat din ako kasi tinanggap mo ako kung sino ako. Ikaw lang ang nag-iisa kong kaibigan,” ngumiti rin si Corrin sakin.

                           ∞∞∞∞∞

"Good morning, Elise!" bati sakin ni Charice.

“Good morning din, Charice!”

Biglang pumasok ang teacher nila na si Mr. Santos.

"Good morning, class. Meron kayong bagong kaklase,” lumabas siya at tinawag yung bagong estudyante. "Pumasok ka na".

"Good morning!" I’m Kent Rockwell."

Naghanap si Mr. Santos ng pwedeng maupuan ni Kent. "Mr. Rockwell, doon ka umupo sa tabi ni Ms. Almonte".

“Kyaaaah!!!!! Ang gwapo niya naman,” sigaw ng mga babae.

“Ang ingay naman nila,” bulong ko kay Corrin na nasa likuran ko.

“Ganyan ba talagang mga babae kapag nakakakita sila ng mga gwapong lalake?” tanong ni Corrin sakin.

“Karamihan pero hindi naman lahat.” Maikling pahayag ko.

Life x InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon