Life 2: A New Friend

12 1 0
                                    

Life 2: A New Friend

"Nahanap din kita sa wakas,” seryoso ang mukha niya.

"Teka, magkakilala ba tayo dati?"

"Hindi mo ko nakilala matapos ang ginawa mo sakin?" galit na tanong niya.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo?"

"Wala ka talagang maalala? Wag ka ng mag-maang-maangan pa.”

“Hindi kita maintindihan. Ano bang ginawa ko sa’yo?”

“Wala ka talagang maalala? Eh di, papatayin na lang kita!" hinawakan niya ako sa leeg at unti-unting sinasakal.

"Bitawan mo ko!" sigaw ko kay Kent.

"Papatayin kita!" nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit.

"Tulungan niyo ko…..!" pilit akong nagpupumiglas kay Kent.

"Kahit anong sigaw mo ay walang makakarinig sa’yo," bulong niya sakin.

"Ano bang nagawa kong kasalanan ko sa'yo para magalit ka ng ganyan?"

Ni hindi ko nga siya kilala eh, tapos papatayin niya ako? Hindi pwedeng mangyari yun.

"Ibang klase ka! Kinalimutan mo ang kasalanan mo sakin." habang sinasakal ako.

"Argh...Ah! B-bitawan mo ko!" Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Kent sa leeg ko.

"Bitawan mo siya!" sigaw ni Corrin.

Lumapit si Corrin samin.

"Heh...Siya pala ang kasama mo ha." tiningnan niya Corrin.

"Corrin? Anong ginagawa mo ditto at paano mo ako nahanap?"

“Hindi na importante yon”. Humarap siya kay Kent. “Bitawan mo siya.”

“At bakit ko gagawin yon? Ang tagal kong hinintay na magkaharap tayong muli!” Mas hinigpitan niya pa ang pagkakatiik sa leeg ko.

"Argh---!"

"Bitawan mo siya!" Sigaw ni Corrin kay Kent.

Biglang natigilan si Kent at binitawan niya na ako.

"Ahem…Ahem…", napaubo ako dahil masakit ang pagkakasakal sakin ni Kent.

"Ang boring naman kung papatayin kita agad. Pahihirapan muna kita," ngumisi naman siya.

"Anong binabalak mong gawin sa kanya?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?” nagging seryoso naman ang mukha niya.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo? Bakit ba ayaw mong sabihin?"

"Alamin mo."

"Anong pwede kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Wala! Dahil pagbabayarin kita sa kasalanan mo! Maghanda ka na!", pasigaw na sabi ni Kent. “Kaya ka nabuhay ka ng matagal na panahon ay dahil sa kanya, hindi ba?”

Natigilan ako. Paano niya nalaman yun? “Anong ibig mong sabihin? Diretsuhin mo ko”.

“Alam ko ang mga sikreto ko.” Umalis na siya palayo.

"P-paano niya kaya nalaman yun?" gulat na tanong ko kay Corrin.

"Tama ang hinala ko. Nung una ko palang siya nakita ay nakaramdam ako ng masamang aura mula sa kanya. Mas mabuti pa na lumayo ka na sa kanya."

“Sorry, Corrin kung bigla ko na lang kayong iniwan ni Marie kanina.” Humingi ako ng tawad kay Corrin.

Niyakap niya ako. “Huwag mo ng alalahanin yun. Ang mahalaga ay ligtas ka.” Ngumiti siya.

Life x InfinityWhere stories live. Discover now