Life 4: Main Target

8 1 0
                                    

Elise's POV

Ano kayang gagawin ko para patawarin niya na ako? Pero ano ba talagang kasalanan ko sa kanya? Arghh!! Anong gagawin ko?

"Elise, may problema ba? Kanina ka pa tulala diyan eh." tanong ni Corrin.

"Ah, wala naman. Okay lang ako," ngumiti na lang ako. Ayokong mag-alala pa siya sakin.

Naglalakad kami ni Corrin sa hallway. Uwian na kasi at wala na rin akong nakikitang mga estudyante. Nakita ko si Kent na naglalakad kaya nilapitan ko.

"SANDALIII!!!" sigaw ni Corrin na hindi ko na pinansin.

"Ah...eh..." hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako.

He glared at me. "Anong problema mo?"

"Bakit ba lumalapit sa pa kanya?" tanong sakin ni Corrin.

"May gusto lang akong malaman," sagot ko kay Corrin at humarap na ako kay Kent. "Ano ba talagang dahilan kung bakit gusto mo akong patayin?"

"Simple lang, sa tuwing nakikita kita ay naaalala ko ang nakaraan kaya gusto na kitang burahin sa mundong ito."

"Magkakilala ba tayo dati? Ano bang kasalanan ko sa 'yo at bakit ka nagkakaganyan?"

Masama yung tingin niya sakin. Kaya humakbang siya papunta sakin kaya napasandal ako sa pader at hinampas niya yun. Galit na galit siya.

"Kasalanan mo hindi mo alam? Talaga bang hindi mo alam ko nagmamaang-maangan ka lang?"

"Wala akong naalala sa nakaraan ko kaya hindi ko alam. Kung may nagawa man akong mali ay humihingi ako ng tawad."

"SA TINGIN MO BA AY MADAAN LANG SA SORRY MO YUNG MGA KASALANAN MO SAKIN?" Nanlilisik yung mga mata niya sa sobrang galit. "Nagkakamali ka. Ngayon pa lang magsisimula ang kalbaryo mo." *evil smile*

"Anong binabalak mong gawin?" sinamaan niya ng tingin si Kent.

"Boring naman kung sasabihin ko agad, diba?" Tumalikod na siya at naglakad na palayo.

"SAAN KA PUPUNTA? HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw naman ni Corrin.

"SANDALI LANG!" sigaw ko pero nakaalis na siya.

"Elise, mukhang wala talagang pag-asang patawarin ka niya." Iwasan mo na siya hangga't maaari. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin pero nararamdaman ko na meron din siyang kasama na katulad ko. Hindi pa siya nagpapakita satin pero ramdam ko yung presensiya niya."

"Ibig bang sabihin niyan ay magkatulad kami ng sitwasyon?"

"Mukhang ganun nga nga. Mag-iingat ka sa kanya. Hindi ko alam ang kapangyarihan meron yung kasama niya."

"Pero hindi naman natin sigurado kung meron nga ba talaga siyang kasama na katulad mo eh?"

"Mas mabuti na yung nag-iingat, Elise. Di ba nga gusto ka niyang patayin? Ayokong may mangyari sayong masama at hindi ko hahayaan na mangyari yun," pag-aalala ni Corrin.

"Salamat pero okay lang ko. Huwag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sakin."

"Sana nga wala, Elise."

∞∞∞∞∞

Nandito ako ngayon sa locker's area para kunin yung libro ko dahil gagamitin ko sa next subject namin. Pero pagbukas ko ng locker ay may naka-post na pulang papel at nakasulat na 'DIE ELISE' at punit-punit na yung libro ko.

"Isa lang ang pwedeng gumawa nito. Si Kent," galit na galit naman si Corrin.

"Masamang mambintang, Corrin. Hindi naman natin alam kung sino yung may gawa nito eh. Pabayaan na lang natin?"

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 23, 2015 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Life x InfinityOnde histórias criam vida. Descubra agora