The Babysitter- 2

31.7K 623 47
                                    

Eto na ang next chap! XD

....

Chapter 2

Nagsimula na ang klase. Grr.. Badtrip na naman ako ngayon. Hmm.. Lagi pala tuwing nagkaklase kami. Kasi naman itong katabi ko, si DM. Ang ingay ingay. Kinakausap ung nasa likod niya. Eh nadadali niya kaya ako pag natingin siya sa likod. Grrr.. Di man lang niya nirespeto si Ma'am na nagtuturo sa harap. At eto namang si ma'am bat kaya di niya napapansin si DM na nakikipagdaldalan sa klase niya..

Hmp! If i know, favorite niya lang si DM. Sabagay, gwapo naman kasi siya eh. Pero kahit na no. Hmpp!!!

Araayy!!!

Ayan na naman siya! Nadali na naman niya ako!! Ayoko na talaga!! Tumayo ako sa klase.. Grrr.. Di ko na kaya to! Dahan dahan akong naglakad papuntang harapan. Nakatingin sakin yung mga classmate ko. Humarap ako kay Maam. Huminga ng malalim at sinabi " Ma'am masama po ang pakiramdam ko. Pupunta muna ako ng clinic.."

grrr.. Eto nalang ang tanging paraan. At saka medyo masama na naman talaga ang pakiramdam ko. Grrr. Bwisit na DM yan. Akala ko pa naman maganda ang araw ko ngayon. Hmp! Sinira niya!! Haaayyy!!

"O sige. Teka. Kaya mo na bang mag-isa?"

sasagot na sana ako kaso may isang kaklase ko ang sumigaw na sasamahan na lang daw niya ako. Great! Hulaan niyo kung sino.. Ang pinakaiinisan kong si DM!! Bwisit!! Nananadya ba talaga to?

"O sige.. DM samahan mo na tong si Arianne sa clinic.."

hmp! Kung alam ko lang. Di naman talaga niya ko gustong samahan eh. Ayaw niya lang talaga magklase. Grr.. Nakakabadtrip. Kaya nga ako pupuntang clinic para mapalayo sa kanya eh tapos eh kasama ko pa pala siya clinic. Aarrggh!!

Naglalakad na kami ngayon papuntang clinic. Inuunahan ko siya sa paglalakad. Ayoko kaya siyang makasabay. Baka awayin pa ko ng mga babae niya. Yes!! Madami siyang kinikireng babae kaya pag sinabihan mo ng masama yang si DM. Sigurado ako. Patay ka!! Gegerahin ka ng mga kampon niya.

"hoy! Teka lang Arianne. Hintayin mo ko.."

hmp! Hintayin mo sarili mo! Grr.. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. To the point na nagtatakbuhan na kami sa hallway papuntang clinic..

Eh kasi naman no.. Di naman niya kaya ako kailangang habulin. Tuloy.. Ang tendency non edi tatakbo ako! Duh! Hinahabol niya kaya ako!!

Nakarating kami ng clinic na pagod na pagod.. Hinihingal na ko.. Ang sakit narin ng paa ko. Malayo pala ang clinic. Ngayon ko lang napagtanto! (DEEP!)

"oh, anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong nung nurse.

"ahhh..masama po kasi ang pakiramdam ko eh. Pwede po bang magstay muna dito?" sagot ko.

"eh ano namang nangyari dyan sa kasama mong pogi?" tanong ulit nung nurse.

Di ko na pinansin yung last part ng sinabi niya. Hmp!! Di man lang napansin nitong nurse yung beauty ko samantalang tong katabi ko. Napansin nitong nurse yung kagwapuhan. Hmp!! Pffftt! Eh bat ako di naaattract sa charms niya? Haayy! Immune ako! Walang talab sakin yun.

"aba..ewan ko po dyan.. Sinundan ako dito.." sabi ko.

"nandito po ako para bantayan siya.." -DM

"AYYIIIEEE! Ang sweet naman ng boyfriend mo.. Wag kayong mag-alala. Di ko ipapaalam sa teachers na kayong dalawa..ayiiee.. Kinikilig ako.." sabi nung nurse.

Teka? Anong sweet dun. At isang malaking TEKA! Anong sabi nung nurse? Boyfriend? What? Ano daw? Hano? Di ko narinig eh.!! Yuck!! Kung magkakaron ako ng boyfriend sisiguraduhin ko na hindi si DM yun!!!! At tsaka wala naman kayang nakakakilig dun diba! Nakakainis kaya! Sundan ka ba naman ng taong ayaw mong makasama. Anong sweet don? Huh? Tell me!!!

"hindi ko siya boyfriend!!!" sabi ko.

"Eto namang si honey ko.. Wag na nating itago sa nurse.." -DM

what the?

"huh??"

"Ang cute cute cute talaga ng honey ko!!" -DM

tapos pininch niya ko sa cheeks.

Yeah! Alam ko! Cute talaga ako. Pero di ko palalampasin yung pagpisil niya sa cheeks ko! Ang sakit kaya!

"Napakabolero talaga ng honey ko!!!" pinisil ko ng napakahigpit yung pisngi ni DM..

"Arraaayyy!!" -DM

Yan lang ang nararapat sa'yo!! Buahahaha!!!! Ganti ko na yan sa pambabadtrip mo sakin!!

******

DM? Ano nga ba ibig sabihin nun? Marereveal sa next chap! Sinong may idea na kung bakit babysitter ang title nito? Hahaha! Sana wala pang nakakahula. Maraming marereveal sa next chap ng story kaya sana abangan niyo! Haha! Vote and comment! Wag kalimutan! XD

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon