Babysitter- 28

12.2K 250 21
                                    

**

Di ko malaman kung bakit ganun ang tingin sakin ni August at Jael. Baket ba? Anong meron? O_____o

"kayong dalawa? Owww.. Sayang naman. Hindi ko na pala pwedeng maging boy FRIEND si DM.." sabi ni Aly

"Ano?" takang tanong ko.

"kayo na eh." sabi nya

Napatingin ako kay August, nakayuko lang sya. Si Jael, di maipinta ang mukha.

ANO BA TALAGANG NANGYAYARI!? SABIHIN NYO NA SAKEN KUNG ANO MANG TINUTUKOY NG BABAENG TO KASE GULONG GULO NA KO!

"i dont know what you're talking about" okay napapaenglish na ako. Kashi naman eeh! >_____

"Look. Holding hands pa nga kayo eh.." sabi ni Aly ng nakangiti.

Napatingin ako sa mga kamay namin ni DM. Waaaah! Nakapatong na pala sa taas ng table. WAAAAH! Pano nangyari yun? Bakit hindi ko namalayan?? Bakit? Tell me! >____

Dali-dali kong tinanggal yung pagkakahawak ng kamay ni DM sakin. Buti nalang natanggal ko.

"Wait. Nagkakamali kayo! Hind-" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang tumayo si August.

"May pupuntahan lang ako.." nakayuko lang sya at naglakad na palayo.

WAAAAAAH! Kasalanan to lahat ni DM. At ni Aly ! Kundi dahil sa maingay na bibig ni Aly nagkagulo gulo na lahat.

Tumayo na din ako sa pagkakaupo ko at hinabol si August.

Naiwan si Aly at Jael na nakaupo at si DM na nakayuko at mukhang may malalim na iniisip.

WAAAAH! Tsaka ko na sila aasikasuhin. Si August ang kailangan kong makausap ngayon. Alam ko na iniisip nya na may relasyon kami ni DM. Diba dati nagtanong na din sya about dun! Kasi naman Arianne eh!! Ang dami mong lalaki! Amp! Eh si August din naman ahh! Mayroon na nga syang ako tapos may Aly pa sya! Hmp! Ni hindi ko pa nga kilala si Aly sa buhay nya eh. Dapat nagagalit din ako sa kanya ngayon!

Pero kahit na ganun, dirediretso parin ako sa paghabol sa kanya.

"AUGUST!" tawag ko sa kanya nung malapit ko na syang maabutan.

"HOY ANO BA!! TIGILAN MO NA NGA YANG PAGTAKBO M--AAAAHHHH!!" natalapid ako sa isang bato kaya nadapa ako. TT^TT

Napatingin naman si August sakin. Dali dali syang lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Okay ka lang?? " tanong nya sakin na halata mong alalang alala sya.

"Hmp. Kung hindi pa ako madadapa hindi ka titigil sa pagtakbo sakin.." sabi ko habang nakatingin sa tuhod ko. May sugat. >______

Kinapitan ko..

Awwwwww.. TT^TT

Tumingin ako sa kanya.

"Hindi ka ba magsasalita dyan??" tanong ko sa kanya.

Para na siguro kaming tanga na nakaupo dito sa ground. Pero wala akong pake. May sugat ako!! TT^TT

"Hoy August!"

Pucha! Wala talaga syang balak na magsalita! Galit ata to! Hmp! Ako ang dapat magalit sa kanya no! Kung hindi sya tumakbo edi sana hindi ko sya hinabol tas hindi dapat ako madadapa! =______=

"Sorry.."

napatingin ako bigla sa kanya. Pero hindi sya nakatingin sakin. Nakatingin sya sa malayo.

"Tss.. Nagsosorry ka ba talaga o ano? Eh bat hindi ka nakatingin?"

At ayun, tumingin na sya sakin..

"Sorry.. Kasi naman eh.." panimula nya.

Okay. Bat ba laging pabitin ang mga tao??? -______-

"Kasi ano?" tanong ko.

"Kayo na ba ni DM??"

Tumawa ako sa tanong nya! Oo. Tumawa ako! Hindi kami ni DM. Alam nyo yan. Tsaka diba si August ang mahal ko. Si DM. Hmmm.. Crush ko lang yun at hanggang dun lang. Tsaka mas tinuturing ko si DM na kaaway. Lagi kasi akong inaaway nun eh. At kinukulit. And yung mood swings nya. Hindi ko carry.. =______=

August rolled his eyes.. Tumayo na sya at naglakad.

Oooops. Mukhang nainis ata sya sa pagtawa ko.

Tumayo na rin ako kahit sugatan yung tuhod ko. LOOOL. Nagagawa ko pang magbiro sa mga ganito! =_____=

"August.."

this time, tumigil sya sa paglalakad at tumingin sakin.

"bakit?tatawa ka na naman?" sabi nya na mukhang napikon sa pagtawa ko.

"im sorry.. Kasi naman eh. Bat mo naman iniisip na kami ni DM eh.. Ano.." pinutol ko muna yung sasabihin ko.

Oo. Magtatapat na ko sa kanya ngayon. Sasabihin ko na sa kanya na mahal ko sya para matapos na tong gulong to. Para matapos na yung pagiisip nya na kami ni DM.

Huminga ako ng malalim.. Nakayuko lang ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito ba talaga to? Bat parang ang hirap palang magtapat ng nararamdaman mo sa taong mahal mo?? Ako ay kinakabahan! Pero sasabihin ko na talaga to ngayon.

Huminga ulit ako ng malalim.

"mahal kita August.."

*RRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGGGGGG*

biglang tumunog ang school bell.

"Ano ulit?" tanong ni August.

"Ano.. Kase.."

Puchang school bell yan! Nakisabay pa sa pagtatapat ko! =_____=

"WAAALAA! Wala akong sinabi! At kung meron man bawal ng ulitin! Hmp!" naglakad na ko papuntang room. Hmp! Nabibwisit ako!

******

Kung may time po kayo sana basahin nyo yung short stories ko.

-It's too late to say i love you

-death cant stop me from loving you

-loving the one who always hurts me

-your biggest fan

pati lahat ng stories ni ate alyloony basahin nyo rin kung di nyo pa nababasa. Magaganda lahat yun. Di kayo magsisisi. Salamat!

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon