Animnapu't tatlo

Depuis le début
                                        

"Oo, bakit ba?" naiirita niyang tanong sa amin.



"Putangina..." sabay na lang kaming napamura ni Bobby.



"Condolences sa puso mo..." sabi ko kay Joaq.



Tinanguan niya lang ako.



"Ako rin, nakikiramay ako sa'yo." saad ni Bob sa kanya.



Taken na kasi ngayon si Ariana. Nagulat nga rin kami sa binalita ni Kiel, punyeta! Nakakainis! Sa isang araw, tatlong celebration, icecelebrate namin. Bakit ba kung anong araw yung anniversary ng barkada nila, tska nila pinagsasagot yung mga jowa nila. Jusmeyo!



"Bakit ba kasi binigyan ng lunch si Fay?" nakapamewang kong tanong.



"That's not lunch, that's poster paint. Nanghiram kasi siya sakin, gagamitin nila sa activity nila. 'Yun lang, ano ba kasing pumasok sa isip niyo at inisip niyo na may gusto ako kay Fay?" iritang tanong ni Joaq.



Napakamot na lang ako ng ulo.






Bevs' POV



Kasama ko si Akira (little sis nila Sam), ayaw kasi siyang samahan ng magaling niyang Ate.



Ewan ko ba, anong pumasok sa isip niya't dito siya namili ng kung ano ano.



"Miss, ito nga po. Magkano po 'yan?" tanong ni Akira sa babae.



Nakatingin ako sa paligid, nagpasundo kasi kami kay Theo, baka hindi kasi kami makita sa rami ng tao dito.



Nakita ko na may lumapit sa tabi ni Akira, binalewala ko lang siya, baka costumer lang din eh.



Biglang nagring yung phone ko, ang baby ko.



"Oh? Nasaan kana? Bilisan mo magsalita kung gusto ko pa kong matawagan mamaya." reklamo ko sa kanya.



(Sandali lang, baby. Malapit na ko.) - Theo.



"Ate Bevs! Ate Bevs! Yung... Yung... Yung phone ko!" sigaw ni Akira, nakita ko na may tinuturo siya.



"Ha?! Nasaan?!" gulat kong tanong.



Tumakbo agad ako para sundan yung snatcher.



Putangina naman nitong batang 'to. Hindi naiingat.



"Theo! Harangin mo nga yung lalaking naka jacket na black! Kinuha yung phone ni Akira!" sigaw ko kay Theo sa phone.



(Ha? Ano?! Puta naman, teka, nasaan na ba kayo?) sigaw ni Theo.



"Mamaya mo na ko murahin! Hindi ko alam kung nasaan na kami!" sigaw ko.



(Oo na, baba ko na 'to, itatrack ko yung GPS ng phone ni Aria!) sigaw niya at binaba na yung call.



Tanging nito, sino si Aria?!



"Ate Bevs! Hindi ko na siya makita!" natataranta na sigaw ni Akira.



"Punta tayo dun, may pulis dun." ituro ko yung right side ko.



"Kuyang pulis! Kuyang pulis! Nasnatch po yung phone ko! IPhone 11 po 'yun, kulay green po 'yun. Yung snatcher, nakasuot ng black na pants, black na shirt, black na jacket, black na cap. Basta naka all black po siya, kinuha niya yung phone ko." sunod-sunod na sigaw ni Akira.



"Kalma po kayo, Ma'am..." hindi ko na narinig yung sinabi ni Kuyang pulis dahil biglang tumawag si Theo.



(Hello, babe. Nahuli ko na 'tong, bwisit na kolopoy na 'to) sinabi rin ni baby kung saan sila banda. Kaya pinuntahan namin agad ni Akira at nung pulis yung sinabi ni Theo.



"Putangina mo! Bwisit ka! Kung gusto mong magkacellphone, paghirapan mo, hindi yung kinukuha mo yung gamit nung ibang tao!" sigaw ko sa snatcher at sinipa siya.



Nakaluhod yung snatcher, habang hawak ni Theo yung balikat at braso nung snatcher.




"Tama. Ayan na yung sundo mo. Babye, enjoy ka sa selda pare." parang tangang sabi ni Theo.



"Ahhh! Pakawalan niyo nga ko!" sigaw nung magnanakaw.



"Huy! Salamat nong, number 1 wanted 'to, salamat, kami ng bahala sa gunggong na 'to." sabi nung pulis at pinusesan na yung gunggong na 'yon.




"Hoy bata. 60K to ha, hindi 60 pesos." reklamo ni baby.



"Sorry na nga Kuya." paumanhin ni Akira.



"Jusko kang bata ka. Mag-ingat ka sa susunod, paano kung hindi kami ng Kuya mo yung kasama mo. Edi wala ka ng phone ngayon." reklamo ko naman.



"Sorry na Ate Bevs, sorry na." hinawakan niya yung braso ko at inalog-alog.



"Tara na nga baka tuluyan ng mawala 'yang pinakamamahal mong iPhone." pagaya ko sa kanila.



Hostility | √Où les histoires vivent. Découvrez maintenant