Animnapu't tatlo

13 9 0
                                        

Gun's POV



"Pare, lalapitan mo ba o lalapitan mo si Fay? Nakakairita kana, ang torpe-torpe mo!" reklamo ko.



"Gago! Sinasabihan mo ba yung sarili mo?" pinalo niya ng bond papers yung ulo ko.



"Huh? Bakit?... Ako? Trope ba ko?" lutang kong tanong.



"Tanga, 'wag ka na ngang magulo!... Nahihiya pa ko no!" humawak siya sa baba niya.



Maya-maya ay ginulo-gulo niya ang buhok niya.



"Bwisit! Hindi ko alam gagawin ko?" inis niyang sabi.



"Lapitan mo na kasi! Kapag ako nainis, ako na mismo magsasabi sa kanya na gusto mo siya... Hanggang maaga pa brader, sabihin mo na yung nararamdaman mo, baka magulat kana lang, paggising mo... Pagmamay-ari na siya ng iba..." seryoso kong sabi.



Tinignan niya lang ako.



"Hoy! Ganyan na ba ako kagwapo para hindi maalis 'yang tingin mo sakin?" pangasar ko.



"Gago!" tinignan niya lang ako ng naiiritang tingin.



Hayaan ko na nga siya, bagal-bagal niya eh. Kung ako 'yan.... Ganyan din gagawin ko hahaha!



May kausap kasi si Fay na classmate niya ata. Sabi ko dito kay Bobby, lapitan niya na, siya rin naman iiyak kapag nakita niya na, na may kasamang lalaki si Fay. Letche talaga 'tong tropa ko!



Lumingon-lingon ako sa paligid. Nakita ko si Joaquin na lumapit kayla Fay... Teka...



"Tol! Tol! Tol!" pinagpapalo ko yung braso niya.



"Bakit?!" inis niyang tanong.



Tinuro ko sila Joaquin at Fay.



Tinignan niya ako at tinaasan niya kilay. Bigla siyang naglakad papunta sa kanila.



"Hoy, Bobby! Anong gagawin mo?" sigaw ko.



"Bobby!" sigaw ko muli.



Pagkatapos nila Joaquin magusap ay umalis na sila Fay.



"Hey, what's up mga pare?" tanong agad ni Joaq.



"Puta, Bob! Huy, Bobby!" pagaawat ko sa kanya.



"Sa tatay ng inaanak mo 'yan gawin!" sigaw agad ni Bobby.



"Hey, bro! I don't understand you." page-english niya.



"!@#$%^&**... !@#$%^&**" hindi ko maintindihan yung sinabi ni Bobby.



"Bobo ba ako? O tanga? Hindi kita maintindihan, ano yun?" litong-lito kong tanong sa kanya.



"Hindi ko rin alam, narinig ko lang 'yan sa Thai Series." putangina mo, Bobby! Hindi kana tao, alien kana! Tapon kaya kita sa Jupiter!



"Easy, calm down." pagpapakalma ni Joaq.



"Ikaw ba naman kasi Joaq, bakit yung darling pa ni Bobby yung nagustuhan mo? Jusko naman 'to, para ka namang hindi ka naman namin kaibigan!" reklamo ko sa kanya.



"Huh?... Gusto mo si Ariana?" gulat niyang tanong.



Nanlaki ang mga mata ko.



"Oo! Gusto ko siya! Bukod sa maganda na siya, cool pa! Ha?! Ano?! Si Ariana?!" sabog na sigaw ni Bobby.



"Gu... Gusto mo si Ariana??" nauutal ko na tanong.



Hostility | √Where stories live. Discover now