20

2 1 0
                                    




"Sino po sila?"- sabi ni kuya guard nang papasok na kami sa subdivision


"Kuya, Charlie po. Hahatid niya po ako"- sumilip ako para makita nila ako at papasukin na


"kayo po pala Ms. Deola, pasensya na po. Di nyo naman po sinabi sir na ihahatid niyo yung girlfriend niyo"- What?!?


"Hindi po kuya, kaibigan ko lang po siya. sige po una na kami salamat po"- sabi ko sabay tapik sa kamay ni morgan senyas para umalis na kami


Jusko porket hinatid ba magjowa agad?


"diyan sa kaliwa tapos black na gate"- sabi ko dahil hindi pa siya nakakapunta sa bahay namin, nakapunta na sila dito sa subdi pero susunduin lang nila ako sa may gate.


inayos niya muna yung pag park niya bago ako bumaba


"Thank you sa paghatid"- sabi ko nang makababa ako, bumaba din kasi siya.


"Welco-- ay may bayad pala yun"- biglang sabi niya sabay may ngisi sa labi


"oh eto, pang pagas mo"- sabi ko sabay abot ng 1k na naipon ko.


"Hindi yan"- hindi niya tinanggap yung binibigay ko at nagsalita ulit "just go with me tomorrow, may aattendan akong dinner and i want you to come with me"


"are you asking me to be your date?"- patanong na sagot ko


"parang ganun na nga, but f-friendly date"- sabi niya sabay kamot sa batok na parang nahihiya


Tomorrow? Wala naman akong plano... okay na siguro yun kesa ibigay ko itong 1k na naipon ko


"what time ba"- tanong ko para maipaalam ko kay mama mamaya.


"Yun oh! before 6 sunduin na kita dito"- sabi niya


"okay, sige na uwi kana. Salamat ulit"- sabi ko at nagdoorbell na sa bahay, wala kasi akong keys tsaka andiyan naman sila Manang Lorna


"sige basta bukas ah, mag ayos ka yung magmumukha kang babae"- wtf mukha ba akong lalaki?!?


"Umuwi kana nga baka di ka pa nakakauwi bali bali na yang buto mo"- sabi sabay gigil ng kamao at pinakita ko sa kanya


"Chill, sige na Good night"- sabi niya sabay pasok sa loob ng sasakyan niya at umalis na.





Loko, pero namiss ko yung asaran namin ah.





"ANAK NG KALABAW!"- gulat na sabi ko nung pagikot ko


"Bat ka naman nanggugulat?"- sabi ko ulit sabay hawak sa dibdib ko.


Bakit ba kasi nandito itong lalaki na ito, tsaka kanina pa ba siya? bat hindi ko naramdaman?


"Hindi naman kita ginulat"- sabi niya pero hindi nagbabago ang expression ng mukha niya


"Bat ka pala nandito?"- sabi ko sabay pasok sa gate, gusto ko nang humiga


"Pinapasundo ka ni mama mo sa akin, but i guess hindi na pala kailangan."- sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng bahay.


wtf, ikaw may bahay?


Bat naman ang sungit niya?


"iha, kanina pa kita tinatawagan kaso out of coverage phone mo. tumawag sakin si Kuya Jose na papasundo ka daw"- bungad na sabi ni mama sa akin


CRUSH BACK (ON-GOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum