10

11 4 0
                                    


*ding dong*

*ding dong*

Andito na ako sa Condo ni Reid, hindi kasi siya umuuwi sa bahay nila, masyadong malaki eh siya lang naman ang nakatira.

"oh napadaan ka?"- gulat na tanong niya sa akin nung binuksan niya ang pinto, mukhang kakatapos niya lang maligo kasi may towel pa sa leeg niya at top-less siya.

"Sa bahay kana daw mag-dinner with us, sabi ni mama"- sagot ko sabay tuloy tuloy na pumasok sa loob ng condo niya at umupo sa may living room.

"Anong meron?"- tanong nito habang pinupunasan pa rin ng towel yung buhok niya. No wonder maraming babae ang nagkakagusto dito, he's hot gorgeous handsome and take note mabait pa siya, may pagkatopak lang minsan but he's caring.

Kung hindi ko lang talaga siya pinsan, naging crush ko yan matagal na.

"Dinner with some business partners ata, i don't know basta sumama kana."- sabi ko sabay punta sa kusina para tumingin ng makakain.

"Hindi ka pa ba nagrogrocery?"- malakas na tanong ko habang nagkakalkal dito sa ref at cabinets niya narinig ko kasi siyang pumasok sa kwarto niya.

Nakakita lang ako ng apple at kumuha na din ng water bago bumalik sa sofa.

Lumabas siya wearing floral short-sleeve button down dress tucked inside his black skinny jeans. Partnered in White Sneakers.

"Come on, hindi ka pa naliligo amoy pawis ka pa"- sabi niya sabay kuha ng remote ng aircon para patayin.

Langya seryoso ba?!?

Inamoy ko sarili ko kung totoo nga, pero wala naman!

Binato ko naman sa kanya yung apple na paubos na.

"Wag ka nga magkalat, you don't know how to clean tapos nagkakalat ka pa"- siya pa ang galit, nice.

Inirapan ko na lang siya sabay nauna na lumabas ng condo niya.

Narinig ko naman na sumunod na siya.

Sumakay ako sa elevator at sa kasamaang palad nakahabol siya kasi naharang niya yung kamay niya para di ito sumara.

Pero laking gulat ko nang tumingin siya sa sulok ng elevator na tila ba parang may tao, na noon ko lang napansin.

TELL ME I'M DREAMING!

TELL ME IT'S NOT REAL!

the fudge!!!!

Bakit andito si Mave?!?

Sa gulat ko hindi ko napansin na tumabi na sa akin si Reid, sabay hawak sa beywang ko.

Tinanggal ko agad yung kamay niya sabay masamang tumingin sa kanya.

Pero wala sa akin yung tingin niya, na kay mave.

"Nice to see you again Klee"- Klee? who's klee? Si Mave? Ano yun Nickname niya?

CRUSH BACK (ON-GOING)Where stories live. Discover now