Venus Villegas

56 3 0
                                    

"venus, hindi ko mapaninindigan ang bata, sorry.." nanigas at hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Hindi nya kame paninindigan ng anak namin. paano na ako?! paano kame?!

"christian, pag usapan naman natin to. hindi pwedeng basta mo nalang kame iwan. kelangan ka ng anak natin, kaylangan kita." pakiusap ko pa sa kanya. na baka mabago ko pa ang isip nya. Lumuhod at nagmakaawa na ako sa kanya. kahit pinagtitinginan na kame ng mga tao dito sa park. wala akong pakialam, basta gusto ko maging akin si christian.

"sorry talaga venus" ... huling salita na narinig ko kay christian. ang lalaking nagmahal sakin.


Nung una masaya naman talaga kame ehh. tatagal ba kame ng 5years kung hindi diba?! oo 5years naging kame. high school palang nung naging kame na. mahal namin ang isat isa. sweet at maalaga si christian. dalawang buwan nya akong niligawan kaya naman nakuha nya ang matamis kung oo.  at kahit naman naging kame na, parang lage parin nya akong nililigawan.

Hatid sundo nya ako, kaya sa bawat dumaraan na mga araw lalo ko pa syang minamahal.

Naging malapit din ako sa pamilya nya, at ganon din sya sa pamilya ko.

Naging maayos naman ang lahat. sabay kame nag graduate, at parehas nang may maayos na trabaho.

Pero dahil nga sa limang taon na kameng magka sintahan, kahit isang beses wala pang nangyayare samin. pero isang araw sa nalalapit na anibersaryo namin hiniling nya samin na may mangyare , nung una hindi ako pumapayag pero kalaunan napapayag na nya ako. wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya sa kagustohan nya.

Unang buwan matapos ng may mangyare samin. di na ako mapakali nun.  Pero di pa rin ako sigurado kaya naman naghintay pa ako na magka meron ako.  pero umabot na ng dalawang at di pa rin ako dinadatnan. halo halong kaba at takot ang nararamdaman ko nung araw na yun.

Isang araw nagdesisyon na akong bumili ng pregnancy test kit. Pagka bigay sakin nun pumunta na agad ng cr para siguraduhin kung tama nga ang hinala ko. pero hwag naman sana mag positive. tahimik na hiling ko.

Ilang minuto na rin ako sa cr pero hindi ko pa rin tinitingnan kung ano ang resulta sa takot na baka nga tama ang hinala ko.

"venus, nasa loob ka ba? naiihi ako eh." narinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng cr.

Nagmadali akong itago ang dala kong PT at nagdesisyon na sa kwarto ko nalang titingnan.

Nag flush na ako at lumabas na ng cr. "pasensya na po ma. medyo masakit po kasi tyan ko ehh. " pagdadahilan ko.

"ayos ka lang ba anak?! uminom ka ng gamot. "

"ayos lang ako ma. sa kwarto na muna po ako. "

Pagka pasok ko palang sa kwarto, agad ko ng tiningnan ang resulta.
positive. pano ko to sasabihin sa kanila?!

Ilang gabi na akong di nakakatulog ng ayos mula ng malaman kong buntis ako. Nagdesisyon na akong makipag kita kay christian kinabukasan.

Wala akong napala sa pag uusap namin. iniwan nya parin ako mula ng malaman nyang buntis ako. hindi nya ako kayang panindigan.

Umuwi akong namamaga ang mata sa kakaiyak. Nagtataka man akong tiningnan ni mama pero hindi sya nagtanong. nagtuloy nalang ako sa kwarto ko ...

"insan punta ka dito sa bahay. kaylangan ko ng kausap." pakiusap ko kay jillian ng tawagan ko sa cellphone.  kelangan ko talaga ng makakausap ngayon ehh. 

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na agad ang pinsan ko.

"insan anong nangyare?!" bungad na tanong nya sakin ng makita akong umiiyak.

Niyakap ko sya at walang tigil ang paghagulhol ko sa kakaiyak. Pero hinayaan nya lang muna ako.

"insan, iniwan na ako ni christian."

"ha? bakit? pano?! anong dahilan?"

"buntis ako insan. at ayaw nya akong panindigan. "

"ANOOOO!!!???"

"insan, di ko alam ang gagawin ko. "

"tahan na insan.. tutulongan kitang magsabi kay tita.. walang hiyang christian yan. nagtiwala ako sa kanya. kala ko pa naman mahal na mahal ka nya!! lagot talaga sakin yun pag nakita ko sya! naku!!!"

Matapos naming mag usap mag pinsan, tinupad nga ni jillian ang sinabi nya tutulongan nya akong magpaliwanag kay mama.

Nagalit si mama, pero wala na rin syang nagawa kundi ang tulungan din ako. Nagpapasalamat ako dahil sya ang naging magulang ko. maswerte ako sa kanila.

Isang linggo ang lumipas ,pinuntahan ng mga magulang ko si christian sa bahay nila. Pero pinagtatabuyan lang din kame at di nya talaga kame kayang harapin.

"venus, venus, insan!!" jillian

"oh, anong nangyare sayo para kang nakikipag habulan jan?!"

"insan, nakita ko si christian."

pangalan pa lang nya kinakabahan na agad ako.

"san mo nakita?"

"nakasabay ko sya sa trycicle. insan two months palang kayong di nagkakausap. pero parang nakipag balikan sya sa ex nya. hiwalay na ba kayo?"

"hindi ko alam ehh. pano mo naman nalaman na sila na ulit. eh nakasabay mo lang pala?! "

" nakita ko syang may dalang cake insan. ang naka lagay. HAPPY 1st Monthsarry babe."

pagka rinig ko palang nun. nag unahan nang tumulo ang luha ko. di ko alam kung anong nararamdaman ko. sobrang bigat sa pakiramdam.

Siguro nga kaya di nya kame kayang panindigan kasi nagkabalikan na sila ng first love nya.

Ilang bwan na ang lumipas, di ko na rin pinilit pa ang sarili ko kay christian. at maayos naman akong nakapanganak , salamat sa mga magulang ko na laging nasa tabi ko. kahit na ganito ang nangyare sakin.

mula rin ng magbuntis ako nag resign na ako sa trabaho kaya ang inaasahan nalang namin ang pamamalaot ni papa sa dagat.

Isang araw walang wala kameng pera. walang laot si papa at wala rin akong pang gatas ng anak ko. kaya wala akong nagawa kundi ang humingi ng pang gatas sa ama ng anak ko.

"tita, asan po si christian.?"

"wala."

" tita, walang wala po akong pera ngayon. baka naman po may pera kayo jan. pang gatas lang ng apo nyo."

"wala rin ako ditong pera. makakaalis kana. wala si christian."

"tita, pakiusap po. para din po to sa apo nyo. "

"oh bente pesos. makakaalis kana."

"wala pong gatas na mabibili ito."

" bahala kana. umalis kana. paki usap venus. ayaw ko ng makita ang mukha mo."

Wala akong nagawa kundi ang umalis na lang. tinanggap ko na rin ang bente pesos na binigay nya at binili ko ng gatas na nasa pack lang.

awang awa ako sa anak ko. awang awa ako sa sarili ko. na para akong pulubi namamalimus ng barya.

Hayaan mo anak. papalakihin kita ng maayos at hinding hindi ka nila makikita. hindi na ako lalapit o hihingi ng tulong sa knila kahit kaylan. makikita nila.

Nag desisyon akong magtrabaho sa laguna. naging maganda ang pakikipagsapalaran ko ron at dinala ko na rin ang anak ko run.

Dalawang taon na rin mula ng manirahan ako dito sa laguna. May nanligaw sakin si Michael, sinagot ko sya. mahal nya ako at ang anak ko. tanggap nya kame.

Di nagtagal nagpakasal na rin kame at bumuo ng sariling pamilya..


the end....






Salamat sa pagbabasa kung meron man. 😁 😘

vote | comment | follow

stuckonyou13

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LIFE OF BEING A SINGLE MOM   (one shot story)Where stories live. Discover now