"Anong ngiti 'yan?" Bahagya akong natawa. "'Wag mo akong dinaraan sa ganiyan." Mas lalong naningkit ang mga mata ko at halos malusaw na siya dahil sa aking tingin. Napahawak siya sa kaniyang ulo, parang hirap na hirap mag-isip. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko. Pakiramdam ko ay di maipinta ang mukha ko nang sabihin ko iyon.

"Teka lang, inaalala ko kung kailan ko siya sinagot," bigla niyang sabi at iniharang pa ang kamay sa mukha ko. "Parang tatay ka naman kasi kung mag-isip, ang daming tanong. Interview ba 'to? I'm not prepared," dagdag niya habang minamasahe ang kaniyang sentido.

I clicked my tongue. "Dapat alam mo 'yan, kasi ka-"

"OMG! Kahapon!"

Walang emosyon ang mukha ko habang nakatitig sa kaniya. Really, Railey?

"Basta, sinagot ko na siya. Mga isang linggo siyang nanligaw, pero huwag kang judgmental diyan, ha! Alam kong love niya ako kaya ko siya sinagot, saka nahulog din ang loob ko sa kaniya... parang gan'to." Umakto siyang mahuhulog mula sa upuan. Isa pa, iho-horse kick ko na ang upuan mo.

Napatango na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa. "Mabuti naman pala kung gano'n. Akala ko, sinagot mo agad-agad."

"No, no."

"Naging crush mo ako, 'di ba?" bigla kong tanong sa kaniya kaya muntik pa niyang maibuga ang kapeng iniinom.

"Anong crush ka riyan? Kapal mo." Inirapan niya ako at bahagyang lumayo sa 'kin. "Two days lang 'yon," dugtong niya habang tila ka-text na naman ang boyfriend niya.

Natawa na lang ako sa kaniya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at akmang aalis na sana nang pigilan niya ako.

"O, saan ka na naman pupunta, aber?" tanong niya na hindi ko pinansin.

Gaya ng lagi kong ginagawa, nagmukha ulit akong tanga habang nakatunganga sa bumubuhos na ulan. Sa pagkakataong ito ay hindi ako nagkaroon ng imahinasyon tungkol sa isang tao, pangyayari, o kahit ano. Subalit isang boses ang pumukaw sa aking atensiyon-boses ng isang babaeng tila may kausap sa telepono.

"Yes, Mommy, nandito na po si Kuya Richard," wika niya sa kaniyang kausap.

Biglang nag-flashback sa isipan ko ang mayamang babae na nakasabay kong kumain sa hotel no'ng nasa Cabanatuan pa ako. Hindi kaya si Estelle na ang naririnig kong dalaga?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid subalit nang makita ko ang babae ay nakatalikod na siya at malayo na sa akin. Pasakay na siya sa sasakyang alam kong hindi iba sa sinakyan ng mayamang babaeng nakita ko sa hotel. Hinabol ko siya at sinubukang pigilan ngunit wala rin akong napala dahil hindi ko siya naabutan. Dahil dito ay nabasa ako ng ulan.

Ilang sandali pa, narinig ko ang sigaw ni Railey habang tinatawag ako. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako sa lamig. Marahan akong naglakad pabalik sa terminal habang patuloy na nababasa ng tubig-ulan. Sinalubong ako ni Railey at iniabot ang isang towel sa akin.

"Ano ba'ng ginawa mo, ha? Hindi mo ba alam na ma-"

"Nakita ko si Estelle," bigla kong sabi sa gitna ng kaniyang pagsasalita.

"Siya 'yong... nakikita mo sa imagination mo, 'di ba?" tanong niya habang maamo ang mukhang nakatingin sa akin. Tumango ako habang nakahalukipkip. It feels like my whole body's freezing.

"Na-imagine mo siya dati, 'tapos ngayon nakita mo na siya-si Estelle. Ang hinahanap mong girl, hindi ba't nakita mo rin sa imagination? Ibig sabihin ba no'n, makikita mo rin siya?" nagtataka niyang sabi sa 'kin, sinusubukang intindihin ang magulong nangyayari.

"Halos lahat ng na-imagine ko, nagkatotoo," sagot ko nang tumingin ako sa kaniya.

"Please, 'wag naman sanang zombie apocalypse ang ma-imagine mo. Ayoko n'on," biro niya.

The Night We Met in IntramurosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon