Chapter 13

400 2 0
                                    

STOLEN HEART

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 13

MAGDAMAG na hindi nakatulog si Natan sa pag-aalala kay Angel Lorraine. Tinatawagan niya kagabi pa ang dalaga para sabihing hindi matutuloy ang dinner nila sa labas dahil sa kinakaharap na problema ng pamliya niya. Pero ilang beses ng nagri-ring ang phone nito pero wala paring sumasagot hanggang sa hindi na niya iyon ma contact.

Tumawag na siya sa management ng tinutuluyan niyang condo para ipacheck ang babae. Ang sabi ng receptionist wala daw roon ang may-ari. Nakita umano ito ng guard na lumabas ang fiancee niya kasama ang isang lalaki. Iyon ang labis na ikinababahala niya. Kapag hindi pa nakauwi hanggang gabi ang dalaga magre-report na siya sa mga pulis. Baka nakidnap na ang kasintahan at hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nangyaring hindi maganda rito. Pati ang kaibigan nitong si Hanna natawagan na rin niya at labis din itong nag-aala.

Sumasakit ang kanyang ulo dala ng walang tulog. Nakabihis na siya para pumunta sa FGC. Haharapin na niya si Hayder, walang kasalanan ang kanyang ama sa kanilang problemang dalawa kaya kailangan niyang makausap ito. Pagkatapos magkape dere-deretso na siya sa kanyang sasakyan. Ngunit hindi pa nabubuksan ang pinto ng kanyang kotse ay isang putok ng baril ang narinig niya sa loob ng kanilang bahay. Agad siyang napatakbo pabalik.

"Hindiiiiiiiiii!" Narinig niyang tili ng kanyang ina mula sa kanilang silid. Humahangos siyang napatakbo roon.

"Daddy!"

"Simon!"

Magkapanabay nilang sigaw ng kanyang ina. Nakahandusay sa kama ang kanyang ama. parang bukal ang sariwang dugong lumalabas mula sa ulo ni Simon Fancobella.

"O my god! Daddyyyyy!"

"Mommy!!!"

Wala ng buhay ang kanyang ama kasunod ang pagbagsak ng wala na ring malay na ina. Nagbaril sa ulo ang kanyang ama. Halos mawalan siya ng lakas sa mga pangngyayari. Kung hindi lang siya lalaki, malamang bumigay na rin ang emosyon niya.

NAGISING si Lorraine sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa kanya. Maayos na ang kabuuan ng silid. Ang sarap ng tulog niya kagabi sa mga bisig ng lalaking itanggi man niya ng paulit-ulit, pinagkakanulo parin siya ng sariling damdamin. Nanlaki ang mga mata niya nang marealized ang nagawa niya kagabi. Agad siyang napabangon, wala pa rin siyang saplot, tanging kumot ang nagsisilbing tumatakip sa kanyang katawan. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Tila lalagnatin ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. Napatakbo siya sa banyo at agad na naligo. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang may nakahanda na siyang bihisan doon. Wala siyang dala ni isang damit kagabi kaya malamang pinamili na siya ni Brent Hayder bago pa sila mapunta roon. Namula pa siya sa two piece underwears na nandoon. Pati iyon si Hayder din ang naglagay.

Wala na siyang choice kundi isuot ang mga iyon. Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong white blouse and maong short na above the knee ang haba. May narinig siyang nag-uusap sa ibaba. Kinabahan siya bigla. Ano na ang gagawin niya ngayon? Maling-mali ang ginawa niya kagabi. Kailangan na siyang makauwi baka nag-aalala na si Natan. Hindi na siya papayag na maulit pa ang ginawa niya kagabi. Sana lang mapatawad siya ni Natan. Wala siyang balak na ilihim ang lahat, kasalanan niya ang mga nangyari nagpaubaya siya ng ganoong kadali, kailangan niyang makaalis ng bahay na iyon. Tatakasan niya si Hayder.

Marahan niyang pinihit ang doorknob, sumilip sa labas. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa hagdanan ngunit di niya inaasahan ang nabungaran sa ibaba.

Isang aristokratang ginang, napakaganda nito kahit may edad na, halatang hindi ito pilipino dahil sa blond hair at napakaputi nitong kulay. Katabi nito ang isa ring matangkad at sopistikadang babae. Sa harapan nila ay dalawa pang lalaki na masayang nakikipag-usap kay Brent Hayder. She was stunn, she can't even moved. What's happenning around her? People noticed her presence.

STOLEN HEART By Ladyshane Lanmmark's (Complete)Where stories live. Discover now