Chapter 5

265 2 0
                                    

STOLEN HEART

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 5

"HONEY any problem?" Nag-aalalang tanong ni Natan sa dalaga. Kahapon pa niya itong napapansing tahimik at halos hindi makakain. Sa kauna-unahang pagkakataon nagdinner sila kagabi na tila wala sa sarili ang dalaga. Napapansin niya iyon, balisa ito at hindi mapakali, tila nga naging invisible siya sa harapan nito, pero di na muna niya pinuna iyon, inisip nalang niyang mood swing lang iyon ng dalaga.

"May problema ba sa trabaho? Sa family? or anything that bothers you?" Ulit parin niya sa tanong dahil tila ayaw sagutin ng dalaga. Hindi parin ito nagsasalit at alanganing tumingin sa kanya.

He lift her chin to meet her eyes. "Hon whatever is that please I am your boyfriend, your man kaya kung ano man problema mo problema ko na rin kaya please tell me okay? Masuyo niyang wika sa dalaga, they were at the living room at Natan's place in Alabang. Katatapos lang ng kanilang candle light dinner na matyagang inayos ng binata. He never fail to prepare a very lovely and elegant dinner for her every Sunday. That's how much he love this woman, thinking of losing her is killing him kaya ni sa hinagap di niya iyon pinasok sa kanyang utak.

Magkatabi silang nakaupo sa sofa habang nagbu-burn ng calories mula sa kanilang kinain.

"Don't mind me hon wala ito." Pagsisinungaling niya sa binata, she avoid to met their eyes ayaw niyang mabasa nito ang mabigat niyang pasanin. Ang pasanin ng kanyang puso.

"Common Lorraine, we've been together for almost four years, kaya kilalang-kilala na kita. This is the first time you acted like that kaya common honey, spill it out. I could be a great help maybe." Pangungulit pa ng binata. Maya-maya pa di na niya napigilan ang sarili bumunghalit na siya ng iyak sa harapan ng nobyo. Naalarma naman si Natan at maagap niyang nayakap ang dalaga. "Ssssshhhh honey I'm sorry if I made you cry, I was just concern about you.stop crying okay? I'm just here."hinalik halikan niya ang buhok ng dalaga habang masuyong hinahaplos ang likod nto.

"Bakit ganoon!? Bakit kailangan pa niyang bumalik!? Ang sama-sama niya. Bakit pa siya nagpakita pagkatapos ng lahat!" Nag-iiyak niyang sigaw sa nobyo.

GIMBAL ang binata sa mga pinagsasasabi ni Lorraine. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Kilalang-kilala niya. Saksi siya sa ilang taong paghihirap ng kalooban ng dalaga, tinanggap niya iyon at nagtiyagang maghintay para paghilumin ang puso nito. Nang sa wakas tuluyan na siyang maka move on buong akala niya magiging okay na ang lahat. Alam niyang mahal siya ni Lorraine pero natatakot parin siya sa mga pinagsasabi niya ngayon. Base sa reaction ng dalaga naguguluhan ito, and it hurts him even more, ibig sabihin hindi parin niya nagawang tuluyang paghilumin ang nakaraan nito bagay na labis na nagdudulot sa kanya ng takot. Takot na isang araw wala na ang nobya sa piling niya. He's back and sigurado siyang babawiin niya ang iniwan niya 10 years ago.

"Ssssshhh! Stop okay? Hindi niya tayo masisira right?" Nanghihingi ng assurance ang kanyang boses. Pero umiiyak parin ang dalaga habang mahigpit ring nakayakap sa kanya.

"Hon always remember that I loved you so much, hinding hindi ko magagawang iwan ka." Nakasubsob ang kanyang mukha sa malawak na dibdib ng binata habang inuusal ang mga katagng iyon. I loved you more honey, as I was always saying, you are my life, so please let's stick to it," before he know it umagos na rin ang mga luha sa kanyang pisnge. Bakit ganoon na lang ang kaba sa kanyang dibdib. He knew Brent Hayder, that one hell of heartless man, wala sa kanyang hinagap na babalik pa ito sa bansa. Buong akala niya tuluyan na nitong isinuko si Lorraine at nawili na sa New York, pero ngayon nandito na siya and its really scare the hell out of him, he need to fight for her, hindi niya ganoong isusuko na lamang ang babaeng pinakamamahal.

"SIR! Do you have appointment with Mr. Fancobella?" Nakangiting tanong ng secretary ni Natan sa lalaking bigla na lang sumulpot, rugged ang porma nito kaya walang mag-aakalang isa siyang mapanganib na tao in his own right way. At walang mag-iisip na kaya niyang bilhin ang kumapanyang iyon in one click of his thumb.

"No but I'm his friend and my reason for coming here is personal so I don't need that damn appointment." Mariin niyang wika sa kaharap. Tila natakot naman ang babae subalit hindi niya pweding baliin ang rules ng company. "I'm sorry sir but I am just doing my job here, Mr. Fancobella can not talk to you unless you set your appointment with him." Mahabang paliwanag ng secretarya. Nagtagis naman ang mga bagang ni Hayder. Talagang sinusubukan ng babaeng ito ang temper niya. "Look miss whoever you are, this is an important matter. Let me in or you lose your prescious job and I'll make sure you're not gonna get another job that easily!" Pananakot niyang totoo sa dalaga. Bumakas ang takot sa mukha ng kawawang sekretarya, may pamilya itong binubuhay kaya ganoon na lamang ang takot niya sa nakikitang nanlilisik na mga mata ng lalaking kaharap. Walang nagawa ang huli kundi tumawag sa loob ng opisina ng amo. Pagkatapos maibaba ang phone, tinanguan na siya nito. "You can come sir, I'm sorry for a while ago, I didn't know." Ngiting nakakaloko lang ang sinagot sa dalaga bago tuluyang pumasok sa opisina ni Natan.

"NICE office huh, and nice place." Bungad niyang komento sa loob ng opisina ni Natan habang sinisipat ang kabuuan noon.

"What brought you here?" Malamig na bati sa kanya ni Natan.

"Hey is that how you greet a long lost bestfriend?" Mapang-uyam niyang balik tanong rito.

"Well I am expecting seeing you here that's why hindi na nakakapagtaka." Malamig parin niyang turan dito.

"Brilliant dude! I thought you will be surprise in my presence, pero tila nagkamali pala ako." Kunway napapailing niyang sagot.

" walang inililihim sa'kin ang GIRLFRIEND ko kaya hindi nakakapagtakang alam kong narito ka sa bansa." Wika pa nitong diniinan ang salitang girfriend na ikinapanting ng mga tenga ni Hayder. Nakuyom niya ang kamao sa pinipigilang galit.

"Look who's talking, my one hell of a traitor bestfriend! Kung magsalita ka parang ikaw yung bida ah at ako ang ginagawa mong kontrabida!" Mariin niyang wika rito. Well since you've asked what I am doing here, I am just delivering my message personally to you!" Ipinatong niya ang dalawang kamao sa lamesa ni Natan. "I am taking back what was supposed to be mine for a long time." Buong-buo ang mga katagang binibitawan nito.

"She's never been yours for pete's sake!" Bulyaw ni Natan sa kanya. Because you stole her from me! Sinamantala mo ang mga panahong wala ako playing a hero in my absence, alam kaya niya ang mga bagay na iyan?" Ganting bulyaw niya rin dito. "And she's never been yours either!" Dagdag pa niya. "No! You're not gonna take her away from me. I won't allow you!" Nagtatagis na rin ang mga bagang ni Natan, nagsukatan sila ng tingin lalaki sa lalaki. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Hayder na tila isang demonyo sa paningin ni Natan.

"I suffered for 10 long years of finding her, only to find out she's with you! Mapait niyang turan sa kaharap. "Let's see what've you got in the coming days." Nagbabanta parin niyang tingin kay Natan. "The battle is on man! May the best man win!" Pagtatapos niya sa usapan bago tuluyang nilisan ang opisina ng dating kaibigan.

Nagpupuyos naman ang kalooban ni Natan. Nalamukos niya ang mga papel na nakapatong sa kanyang mesa. "Son of a bitch!" Di niya mapigilang mura kasabay ng pag landing ng mamahaling ballpen sa pintuang nilabasa ni Brent Hayder. No! Hindi siya papayag, ipaglalaban niya si Lorraine, siya ang buhay niya, kung mawawala ang dalaga sa kanya wala na ring direction ang buhay niya. Kinuha niya ang office coat at tuluyang nilisan ang opisinang iyon. Wala na siya sa mood para magtrabaho, pupuntahan na lamang niya ang nobya sa opisina nito.

"MA'AM delivery po, paki pirmahan na lang po itong received papers." Bungad ng delivery boy sa kanya. Papasok na sana siya sa kanyang trabaho nang may mag door bell, akala niya si Natan iyon at sinusundo siya para ihatid sa trabaho. Kung may oras kasi ang nobyo siya ang naghahatid rito sa trabaho.

Nang matapos pirmahan ang papel sinamyo niya ang pink roses na iyon. She paint a wide smile on her face thiniking Natan was the one who delivered the flowers. But a great dismay on her was so ovious when she read the greetings.

"Good morning sweetheart ,have a nice day my angel."

Automatiko niyang naitapon ang bulaklak sa nakita niyang basurahan. Napakalaki ng epekto nun sa kanya. Naroon nanaman ang walang kapantay na kaba sa kanyang dibdib subalit di niya mapigilang kiligin. She know where those flowers came from.

"Oh god wag sanang malaman ni Natan ito." Natatakot niyang sambit sa sarili.

STOLEN HEART By Ladyshane Lanmmark's (Complete)Where stories live. Discover now