Manlalakbay

230 16 10
                                    

Sadyang maiksi lang ang buhay,
parang kailan lang ang simple ng mga pinuproblema mo bilang isang bata, ngayon ang dami mo nang suliranin bilang isang matanda.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
parang kahapon lang mga pagsubok bilang isang estudyante ang iyong kinakaharap,
ngayon mga hamon bilang isang may gulang ang iyong hinaharap.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
parang kailan lang yung batang dating mong nilalaro at inaalagaan,
ngayon malaki na at tila hindi ka na kailangan.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
parang kahapon lang, masigla't malakas nang makausap mo ang iyong kaibigan,
ngayo'y nabalitaan mong wala na at sa mundong ito'y tuluyan nang lumisan.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
sa sobrang iksi parang hindi dapat na igugol lang sa pagkamit ng mataas na posisyon at mga materyal na bagay, dahil ang totoo, ang lahat nang ito ay iiwan mo rin at hindi madadala sa kabilang buhay.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
sa sobrang iksi, dapat mong ipadama sa mga taong mahalaga sa iyo, ang tunay nilang kahalagahan sa buhay mo bago ka pa mawalan ng pagkakataon.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
kaya sabihin mo na ang mga gusto mong sabihin, gawin mo na ang mga gusto mong gawin, at puntahan mo na ang mga gusto mong puntahan bago ka pa maubusan ng oras.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
para ibuhos lang sa galit, sa sama ng loob, sa paghihiganti, bagkus ibuhos mo ito sa pagpapatawad, pagmamahal at patuloy na paglalagay ng ngiti sa iyong mga labi.

Sadyang maiksi lang ang buhay,
at isang araw, mawawala ka, mawawala ako, mawawala tayo, pero gano'n talaga, dahil lahat tayo ay "nakikiraan" lamang sa mundong ito.

RealisasyonWhere stories live. Discover now