Chapter 36

80 4 0
                                    

Jeric POVS

"Andito na po ako!"

"Oh anak anjan ka na pala! Halika na at kumain na tayo!" Mama said.

"Saglit lang po magbibihis lang po ako"

"Bilisan mo ah! Hindi dapat pinaghihintay ang pag-kain" she said.

"Opo!"

Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis mabilis lang naman akong mag bihis. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama ng makita ang tumatawag kaya sinagot ko iyon.

"Lloyd!"

(Bro! May alam ka bang pwedeng upahan)

"Wala eh! Bakit?"

(Pinapalayas na kasi kami dito sa inuupahan namin nag-aayos na nga kami ngayon ng gamit eh)

"Huh? Bakit naman? Nagbabayad naman kayo diba"

(Oo! Hindi nga din namin alam ang dahilan eh)

"Dito nalang muna kayo samin. Kasya naman tayo dito. Hanggat hindi pa kayo nakakahanap ng mauupahan"

(Pwede ba?)

"Oo naman! Alam mo naman papunta dito diba"

(Oo! Sige salamat)

"Always welcome"

Binaba ko na ang tawag at lumabas na ng kwarto ko. Bakit kaya pinalayas na sila Lloyd. Lagi naman silang nagbabayad eh. Sobra pa nga ang binabayad nila.

"Ma,Pa! Dito pala mag stay panandalian sila Lloyd!"

"Bakit may problema ba?" Mama said.

"Meron po eh. Pinapalayas na kasi sila dun sa bahay nila. Hindi nila alam kung anong dahilan eh"

"Okay lang naman. Welcome naman sila lagi dito. Nasaan na ba sila?" Papa said.

"Papunta palang po!"

Narinig kong may kumatok mula sa pinto namin kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Akala ko sila Lloyd hindi pala.

"Jeric!" She said sabay yakap "okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ni mommy?" She said.

"H-hindi!"

"May sinabi ba si mommy sayo?" She asked. Dapat ko pa bang sabihin o Hindi na. Siguro wag na ayokong mag-alala siya. "Hey! Jeric"

"Wala! Wala siyang sinabi, Teka anong ginagawa mo dito?"

"Nag-alala kasi ako sayo nung nalaman kong kinausap ka ni mommy. Kaya nag punta agad ako dito!" She said.

"Okay naman ako eh. Nakauwe ako ng buhay haha!! Kaya wag ka ng mag-alala. Teka kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Pwedeng pakain?" She asked. Tumango ako tsaka inaya na siyang pumasok sa loob.

"Good evening po Tita,Tito" she said.

"Goodevening iha, Halika at kumain ka na dito. Sandali kukuha lang kita ng Plato!" Mama said

"Thank you po!" She said. At nagsimula na siyang sumandok at kumain. Ang ganda talaga niya. Sobra na talaga akong nababaliw kay cloey.

"Pwede ba wag mo nga akong titigan. Kumain ka na lang" she said. Nagkibit balikat ako tsaka kumain na din.

Nang matapos kaming kumain ay nag paalam na si cloey na uuwe na kaya hinatid ko na siya palabas at pasakay ng kotse niya.

Sa pag-alis ni cloey. Bigla naman ng dumating sila Lloyd. Kaya pinapasok na namin sila. Magkasama kami ni Lloyd sa kwarto ko at yung mga magulang naman niya nasa kabilang kwarto.

"Ano palang ginawa ni cloey dito kanina?" Lloyd said.

"Nakikain! Tsaka nag alala daw siya sakin eh. Nalaman niya kasing kinausap ako ng mommy niya kanina"

Napatayo si Lloyd sa pag higa at tumingin sakin "Anong sinabi sayo?" He asked.

"Ang sabi ng mommy niya. Layuan ko na daw si cloey"

"Pumayag ka?" He said.

"Hindi! Bakit ako papayag nangako ako Kay cloey na ipaglalaban ko siya at yun ang gagawin ko"

"Good! Ganyan ang Jeric na nakilala ko! Tara na matulog na tayo at may pasok pa tayo bukas" he said. Tumango nalang ako at natulog na.

*****

Annyeonghasseyo readers!! Sorry if ngayon lang ako nakapag update. Naging busy kasi eh for my own life. Sana ay patuloy niyo pa rin po itong suportahan. Geumsamnida..❤

Please do votes and comments.. Thank you💕

My Gangster Girlfriend | Complete Onde histórias criam vida. Descubra agora