Chapter 7

150 3 0
                                    

Ito kami ngayon namamasyal sa palawan. Naisipan ko ngang mag babad sa tubig pero ang sabi nila sakin mamaya na daw gusto daw nila muna puntahan ang underground river.

Hiwalay ang boat ng babae sa lalaki ako ang nag desisyon kaya wala silang nagawa. Nauna ng nakapasok ang boat namin at nasa likod naman ang kila kid.

Binuksan ni Nica at Jaime ang mga flash light ng cellphone nila. Ganon din naman ang ginawa ng mga boys.

"Ang ganda talaga dito no!" Liza said. Nasa tabi ko siya nasa unahan naman namin ang si Nica at jaime. Sa likod namin ay si ate Camille at Stacy. "Hindi nakakasawang puntahan."

Napangiti naman ako sa sinabi niya "Yeah! Hindi talaga nakakasawa!"

Tumitingin lang kami sa loob ng underground river. Nang makalabas na kami at makabalik sa dalampasigan bigla namang nag salita si kuya drix. "Let's try diving."

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Nagpalit kami ng pang diving at nag pahatid na sa may part na pwedeng pag-diving-an.

Marami kaming nakita na mga coral reefs malalaki at magaganda. Meron ding mga iba't-ibang mga isda na lumalangoy.

Napakaganda talaga dito sa Palawan. Hindi nakakasawang puntahan. Lumalangoy-langoy lang kami habang tinitignan ang mga isda.

Nakakabighani ang mga ito. Parang gusto ko tuloy silang kunin at iuwe. Ang cute kasi ni nemo eh.

Nang matapos na kaming mamasyal bumalik na muna kami sa rest house para kumain tanghali na din kasi eh at nakakaramdam na kami ng gutom.

Marami akong pinahanda sa mga maid dito puro masasarap na pagkain tahimik lang kami habang kumakain hang gang sa matapos na kami. Bumalik kami sa kanya-kanya naming kwarto para maligo at magpahinga saglit humiga ako sa kama at tumingin sa kisameng puti.

Kapag andito talaga ako nawawala ang mga problemang iniisip ko. Dahil nakakapag enjoy at nalilibang ako. Ang sarap sa pakiramdam na nakikitang lahat kami ay masaya at kinakalimutan panandalian ang mga problema.

I'm tired...

Pinikit ko ang mata ko at natulog sandali. Masyado akong napagod kakapasyal eh.

*****
Nagising ako dahil sa yumuyugyug sa akin. Peste natutulog ako eh. Ang lakas many gulo netong babae na to.

"Cloey! Gising na gabi na. Kakain na tayo!" She said. Dinilat ko ang mata ko at tinignan ang mukha ni nica. Nakakainis naman oh.

Tumayo na ako at kinusot-kusot ang mata ko. Tinignan ko ang orasan na suot ko. Ala-syete na pala ng gabi masyadong napatagal ang tulog ko.

"Sobrang pagod natin nakatulog na tayo!" Nica said. Habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame.

"Oo nga eh.. Ang sarap nga ng higa mo sa kama ko eh. Kala ko ba kakain na tayo bakit ka humiga?!"

"Hehe!! Ito na nga eh babangon na!" She said. Tumayo ako at nagtungo sa c.r para maghilamos ng mukha.

Nang natapos akong mag hilamos ay bumaba na kami at narinig ko silang nagtatawanan sa sala.

Kaya dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nakitang nagluluto na sila ng spaghetti. Nirequest ko kasi kanina na spaghetti ang kakainin namin ngayong gabi.

Nang makakuha ako ng tubig pumunta ako sa living room para maupo habang hawak ang isang basong naglalaman ng malamig na tubig.

"Guys!! Late tayo!"parang batang saad ni Sam.

"Ano naman ang lalaruin natin?" Jaime said.

"Uhmm.. Truth or dare but wait" tumayo si Sam at naghanap ng paper,ballpen at garapon. "Bibigyan ko kayo ng mga papel tsaka ballpen at kayo mismo ang gagawa ng dare at ng truth. Dalawang dare,dalawang truth tsaka niyo ilalagay ang mga paper dito sa garapon. Okay ba?"

My Gangster Girlfriend | Complete Where stories live. Discover now